Papagabi na naman tumatalab na naman ang lungkot na nadarama ko nung gabing naghiwalay kami ni Arnel pagakatapos sumimsim ng alak at videoke.
"Sawa na ko sa paismol ismol tym natin pare. Gusto ko ng mangholdap ng banko at magbagong buhay. Lumalaki na yung mga bata at ayokong mamana nila yung kahirapan." Himutok ni Arnel.
"Pare ganuon na ba tayo kasama? Maaaring makapatay tayo dun. Kung hindi naman mahuhuili lang tayo. Paano natin maibibigay yung mga pangarap natin sa mga anak natin?"
"Naduduwag ka na pare? O iniisip mo pa din na mas marangal ka kesa ibang criminal. Iniisip mo bang pag hindi ka nakapatay at manatili sa ganitong sistema, mas mabuting tao ka?"
"Hindi sa ganun pare, mas mabuti na ang maliit ang raket mas mababa ang parusa. Mahuli man tayo makalalabas din agad. Aanhin natin ang pera kung patay na tayo?"
Umalis ng walang kibo si Arnel. Hindi ko alam kung natauhan pa rin o determinado na maging big time.
Kilala ko si Arnel mula nung bata pa lang kami. Pilyo, haragan, at likas na barumbado. Siguro likas lang sa akin ang mahinahon para maging maamo ang mga mababangis na hayop sa akin. Nagugulat noon ang mga kapitbahay namin kung bakit sa astang barumbado ni Arnel ay nangungupo siya sa magaulang ko.
Sa kabila ng pagiging barumbado niya alam ko na may spot pa din ng kabutihan sa puso niya.
Nung panahon na ooperahan ang nanay ko sa apdo at ako lang ang natira sa bahay. Siguro lahat ay nag alala kay nanay at hindi naisip na naiwan ako. Walang bigas, walang ulam wala lahat. Si Arnel lang ang nagtawid ng pagkain ko araw araw. Tinanaw ko na utang na loob yun. Siguro elementary pa lang ako nun kay wala pang diskarte at mas nakaluluwag naman sila sa buhay noon.
Naging batik din siya ng lipunan nang saksakin niya ang kinakasama ng kanyang ate sa probinsya namin. 4th year High school lang siya nun at sa takot na balikan siya ng nabuhay na kinakasama ng kanyang kapatid, nagtago na lang siya sa lugar na ito. Dito na namin marahil nabuo ang madilim niyang pangarap.
Maya maya lang andito na ang mga tropa. Nilalaro ko muna si Phoebe. Ilang taon na din ang nakaklipas ng malaglag ang una naming anak. Kahit paano nitong mga huling araw ay maganda naman ang diskarte at nalalamnan naman ang kanyang tiyan. Tuwang tuwa ako na pagmasdan siyang humahagikgik. Gusto niya na kapag nakahiga ako ay sasampa siya sa mga paa ko at itataas baba ko na parang nagsee-saw. Yakuy, yakuy. Hagikgik ng hagikgik. Napansin ko madami dami na din siyang nasasabi. Tokse sa kotse, idog sa ilog, duck, pig, tusix sa cutex ng kayang mama, mama papa. Kapag pala may anak ka, halos pinakamaliit na detalye ng kanyang paglago ay tagumpay mo na. Siya ang liwanag ko sa dilim.
Minsan natatakot ako sa isiping di-maglalaon kapag hindi nagbago ang kanyang kapalaran sa lugar na ito. Ang mga mamumutawi na sa kanyang bibig ay shabu, hostess, impyerno at kung anu-anong mura. Para lang din akong nag-aruga ng anghel na magkakabuntot din pala sa pagdating ng panahon.
Ayon sa aklat na "Kite Runner", ang pinakamasamang krimen ay ang pagnanakaw. Kapag pinag interesan mo ng gamit ang ibang tao, ninakawan mo sila na bagay na mahalaga sa kanila. Kapag pumatay ka, ninakawan mo ang anak at asawa ng kaligayahan na makapiling ang ama.
Ako? Kung hindi ko maibibigay kay Phoebe ang magandang bukas, ang sarili kong anak ay ninakawan ko ng magandang kapalaran. Eto ang karumal dumal at hindi katanggap tanggap na krimen. Higit pa sa pumatay ang kasalanan ko dahil kung papatay ako, ang taong napatay ko ay magiging payapa, pero si Phoebe kung hindi ko maibibigay sa kanya ang magandang bukas, para siyang nagtira sa impyerno.
"Eidderf tara na." Mukhang ok na ang timpla ni Arnel.
"Saan tayo?"
Dadayo sana kami ng Concepcion, yung street na papuntang Marikina kung manggaling ka sa Batasan.
BINABASA MO ANG
Tanglaw sa Karimlan
General FictionSi Eidderf ang binaligtad na si Freddie. Higit sa pangalang binaligtad, siya ay idealistiko at may natatanging dunong- dunong na hindi lang sa akademya nakukuha kundi sa mga aral ng karanasan at ng kahapon. Para sa kanya ang buhay ay parang tubig, u...