Noong nag aaral pa ako ng kolehiyo, pinili sa amin ang mga magtatalumpati, isang contest para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Kasama ko si Renz at bilang ritual ng pagpapalakas ng loob at inspirasyon dinaanan muna namin ang hinahangaan kong babae, na kunwari inaanyayahan ko siyang sumali sa paligsahan. Hindi naman obligado talaga na sumali, pero parang ibang tuwa kasi ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Sa dorm na iyon madalas akong tumambay, para magreview kami o maghanda sa mga aktibidad at pagsusulit. Minsan nga nagdiskusyon kami sa Philo or History kasi kadalasan ng pagsusulit naming ay Essay at ibinabahagi ko naman ang interpretasyon ko ng mga nabasa kong aralin.
" Pastor, napadalaw po kayo?"
Natawa ko, sa sinabi niya. Nakuha ko agad kung bakit, dahil naka long sleeve ako at slacks na pormal ang dating.
"Practice lang ako, sabi ko, kailangan ko ng inspirasyon," hehe.
"At ginawa mo pa kong Diyosa," sabi na nagbibiro.
Pero ang totoo, hanga din kasi ako sa talino niya, kaya duon ako nakikipraktis at kaibigan naman kami.
Umalis ako ng eskuwelahan na hindi naman naging kami, at si Sandra lang naman ang nakasama ko ng matagal.
Sa isang talata ng talumpati na ginawa ko, na ang ideya at titulo ay ginaya ko lang sa isang author pero siyempre sa sarili kong mga salita at binago ang lahat ng sulat.
Nagsimula ako sa talumpati.
Dito, doon diyan? Saan ka patungo? Dito, kung saan ipapako mo ang iyong paa at hindi gagalaw upang silipin man lang ang kapalarang naghihintay sa iyo? Dito dahil ikaw ay ipinaralisa na ng takot at hindi makagalaw dahil hindi mo kayang harapin ang mga higanteng pagsubok na iyong haharapin?
Diyan? Diyan nga ba sa gawing kaliwa na ang buhay ay liko-liko at hindi mo matanto kung saan patungo?
O kaya naman ay Doon na sa kalayuan ng iyong pangarap ay matatanaw mo ang magandang bukas na ikaw ay isang paham, na ang landas na nahawi mo ay siya ring dadaanan ng henerasyong susunod sa iyo? Doon sa dako na abot ng paglipad ng iyong pangarap, na ang buhay ay sagana at pamilya ay masaya. Doon na kahit sa kalayuan ng kinatatayuan mo ang boses mo ay diringgin kahit ng panginoon ng lupa dahil sa idealismo at pagbabagong ihahatid mo sa iyong kapwa?
Natapos ang pag eensayo naming at siyempre pinurinnaman ako ni Carol. Alam ko sincere naman siya, iisa lang din naman ang barkada namin. At pagkatapos magmerienda, dumiretso na kami sa Little Theatre para sa paligsahan.
Sa paligsahan naman pangalawa lang ako sa nanalo, pero masaya na din ako dahil naipahayag ko ng mabuti sa wikang Filipino ang ideya ko. Natuwa din si Renz at yung perang napalanunan namin naglibre lang ako ng meryenda sa kasama kong nag-ensayo.
Maganda yung talata, saan ba talaga tayo patungo? Hihinto na lang ba tayo sa isang tabi pag natatakot tayo o liliko tayo sa kaliwa para matakpan at matakasan natin ang ating kinatatakutan sa mga bisyo o pupunta tayo sa malayong lugar at susundan natin ang ating pangarap ng walang kasiguruhan at haharapin ang mga higante sa ating buhay.
Si Arnel na maton, matapang siya at masusubukan mo siya sa basag ulo, pero siguro iyon ang panglabas ng karaniwang lalaki na konsepto ng matapang. Nung nabasted siya ng nililigawan niya tagay kami, pag bumagsak sa exam tagay kami at kapag may problema sila sa pamilya tagay ulit. Nilulunod ng alak ang mga problema niyang hindi hinahaharap. O maaari naman mas natatanggap ng katauhan natin ang sakit na pisikal kaysa emosyonal at mental. Sabi nga ni Socrates, "know thyself." Kilalanin mo yung sarili mo, siguro ibig sabihin nito, ang kahinaan, kalakasan o anumang katangiaan mayroon tayo ay sakop ng ating kamalayan, kung sakop ng ating kamalayan ang bawat aspeto ng ating buhay madali nating masasakop kung anuman ang hamon ng ating buhay.
Pagkatapos ng termino ko bilang kagawad sa St. Joseph, napagdesisyunan namin ni Sandra na umuwi sa probinsya. Sa ilang taon kong pananatili sa Metro Manila, nakapundar din kami ng jeepney na pamasada at katuwang ko naman si Sandra. Sa pag attend-attend namin ng simbahan nagiging tagapagsalita na din ako at may isipang ipagpatuloy na nga din ng pagpapastor katulad ng tinutukso ako ng kaeskuewela ko sa probinsya pero ang pinakagusto ko siguro ang tatahakin ko ang maging abogado at si Sandra makapagtapos din ng kolehiyo. Si Phoebe naman, nag-aaral na siya ng kinder at nasundan na din siya ng isa pang anghel.
Hindi ako titigil dito, sa isip ko, tutuparin ko yung mga pangarap ko. Hindi ko hahabulin, kundi panghahawakan ko, gaano man kalayo.
"Mahal, tara na, uwi na tayo." Siyanga pala, kala ko invited ka sa kasal ni Je-Anne? Tanong niya na wala ng sama ng loob.
"Sasama ka ba?" Paninigurado ko.
"Oo, pero tanungin mo din siya kung okay lang. Alam mo na."
"Sus, ano ka ba naman? Boss ako nung mga yun!"
"Bossabos?" pang-aasar niya.
"Kaw lang naman ang walang bilib sa akin."
"Oo pupunta tayo." May dalawang lingo pa bago ang kasal. Makakabalik pa tayo dito."
Maliban kay Arnel nakapaghanda naman ako ng konting salo-salo sa kanila.
Sumakay na kami ng jeep na may excitement at patungo na kami sa panibagong bukas!
Habang sumasakay ako sa driver's seat parang isang tren ng ala-ala ng mga mukha ang nakikita ko sa likod ng diwa ko. Si Arnel, Estoy, Xerxes, Darius, Jessamine, Marleen, Jepoy, Si Rustan, Julie-Anne, Francine. Isang tren ng ala-ala para sa mga liksyon ng buhay.
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon..........
Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dalawa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimulang mangarap at tumula
Wakas
BINABASA MO ANG
Tanglaw sa Karimlan
General FictionSi Eidderf ang binaligtad na si Freddie. Higit sa pangalang binaligtad, siya ay idealistiko at may natatanging dunong- dunong na hindi lang sa akademya nakukuha kundi sa mga aral ng karanasan at ng kahapon. Para sa kanya ang buhay ay parang tubig, u...