Bumabalik sa aking alaala ang mga pangyayari sa bodega ng isang hardware sa Caloocan. Sa pagpapasok ng mga produkto tulad ng semento, pipes, bakal , trusses, yero na laging prinsipyo ng last in first out upang mapanatili ang kalidad nito at magsilbing sistema. Ang pagsasalansan ng mga gamit ay naaayon di sa sukat, brand, at siyempre sa kategorya kung saan siya nabibilang. Madali ang lahat lalo na pag may sistema, pero sa trabaho hindi talaga nawawala ang maaring mainggit o kung ano pa mang motibo ang pumasok sa tao para gumawa ng kasamaan. Kung minsan kung sino pa ang pinagkakatiwalaan sila pa ang magbabagsak sa iyo.
Papagabi na noon at may late delivery dahil nauntol ng kaunti dahil sa ulan at trapiko. Sa pagalalabas ng mga gamit, ako mismo ang nagtetsek ng bilang. Sa unang bilang lapis muna ang ginagamit, at sa huli ng resibo. Nasa driver's lounge si Mang Pendong at ang mga kasamahan ko naman ay nakapalibot din sa akin na mananaka ay ay nagsusulyapan ng mga tingin na tila ba may hinihintay na pagkakataon. Kung ikaw sa bodega at ang pinakamataas sa kanila, lagpas minimum ang sahod. Sa tulad kong pamilyado na may maliit na tindahan ang asawa, medyo ang sapat ay may konting sobra na pwedeng maiipon.
Madalas akong gambalain ni Eujene ng mga panahon na yun at laging may itatanong at ituturong mga produkto na kesyo may depekto at kung ano-ano pa at mayroon ding magandang bababe na ipinakilala na bagong empleyado daw sa kabilang opisina para magcounter check ng mga lumalabas na gamit. Sa ganitong ideya, walang problema sa malalaking aytem subalit sa mga maliliit na item nakagawa sila ng paraan upang maipuslit at hindi maisama sa mga bagay na natsek ko na.
Maaari din na sa paglapag ko ng logbook sa mesa ay napalitan ang bawat tala na nakasulat sa lapis. Dahil doon, ikinagalit ng kliyente ang nagging trasaksyon sa min. Mabigat ang paratang lalo na nung makausap ako ng may-ari.
" Eidderf, sa trabahong ito mahalaga ang tiwala," sabi niya.
"Matagal na nating kliyente ang kumukuha sa atin, at nang dahil sa nangyari, maaari nilang ihinto sa atin ang pagkuha ng stocks nila at sabihn pa sa ibang kliyente ang ginawa mo. Malaking epekto nito sa negosyo"
"Pero Sir, wala po akong kinalaman sa pangyayari."
"Pinaimbestigahan ko na sa guwardiya ang nangyari at wala raw ibang humawak ng logbook mo kundi ikaw."
"Hindi ba sir makikita sa CCTV ang mga nangyari?"
"Nakatutok ang CCTV sa dalawang truck na magdedeliver at andun ka na nagtetsek."
"Pero sir inilapag ko pansamantala ang logbook dahil kinakausap ako ng ating tauhan dahil may mga depekto ang ibang produkto."
Hindi man tumataas ang tono ng kanyang salita, alam kong ang awtoridad sa kanyang tono.
"Maaari ka ng umuwi, tinatanggal na kita sa iyong pwesto. Isauli mo na lang paunti unti ang halagang nawala sa transaksyon. Bagamat libo lang ang halaga ng nawala, sa isang negosyo malaki ang papel ng tiwala at maayos na usapan."
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa pagkakataong yoon. At si EU o Eujene may ngiting parang makahulugan at siya ang napipisil na papalit sa akin.
Pagdating sa bahay, hindi maipinta ang aking mukha. Iniisip ko kung anong ang mangyayari pagkatapos nito. Sa aming inuupahan ngayon dito sa Bonifacio St., ang maliit na apartment ay maayos-ayos naman. Kinausap ako ni Sandra at tinanong kung ano ang aking problema.
"Mahal," bungad ko sa kanya. Natanggal ako sa trabaho dahil nagkulang ang mga item sa delivery. Libo ang nawala sa kanila sa maliit na items sa mga sealants, couplings, at mga tiles. Hindi ko alam kung ano ang nangyari at alam kong binabantayan ko naman ng maiigi ang lahat."

BINABASA MO ANG
Tanglaw sa Karimlan
Fiksi UmumSi Eidderf ang binaligtad na si Freddie. Higit sa pangalang binaligtad, siya ay idealistiko at may natatanging dunong- dunong na hindi lang sa akademya nakukuha kundi sa mga aral ng karanasan at ng kahapon. Para sa kanya ang buhay ay parang tubig, u...