Kabanata 8 Methamorphosis

16 0 0
                                    

Pinagmamasdan ko ang mga uod, kain ng kain ng dahon, berde ang kulay at maraming paa. Ilang araw lang kapag nakumpleto na niya ang pagkain at iimbak sa katawan, mababalot na siya sa madilim na cocoon. Pagkatapos ng ilang araw araw lalabas na siya bilang paru paro. Makulay ang pakpak at lilipad na malaya sa himpapawid, magpapalipat lipat sa kayamanan ng hardin.

Balitang balita ang pagkakasagip ni Sarah sa bata. Nagningning ang kabayanihan ni Sarah. Maraming naging interesado sa kanya. Ang konseho ng barangay ay nangolekta ng pang ospital ni Sarah. Ang mga may kaya sa kabilang kalye ay nagpaabot din ng tulong. Sa social media at nagka-interes na din ang ilang miyembro ng media na ifeature ang ginawa ng isang may kulang sa pag-iisip. Marami din ang nag alok na ipasok si Sarah sa Elsie Gatches o NCMH para matutukan ang pangkaisipang kalusugan niya.

Natutauwa ako sa wakas, unti -unti nang nagkakailaw sa dating madilim na lugar. Kahit pa ako ang nakitang pumangko kay Sarah para dalhin sa ospital, nanatili na lang akong anino sa nagniningning niyang liwanag. Hindi naman ako umaasa na magaing sikat sa oras na ito, basta natutuwa lang sa nagiging takbo ng sitwasyon.

Oo nga at anino lang ako sa sitwasyon na iyon, unti unti na ding nagkakahugis ang aking pagkatao. Madami-dami din ang nagtatanong sa akin tungkol kay Sarah. Nagpapasalamat ang ilan at ang iba naman ay bumbati ng may respeto.

Itinuldok ng propesor ko sa college ang whiteboard marker. Tinanung niya si Roselyne, "anu ang nakikita mo?"

"Tuldok po."

"Anu at ang liit-liit ng tuldok at yun ang nakita mo? Hindi mo ba nakikita ang whitebaoard?"

Kadalasan ganyan tayo, mas nakikita natin ang maliit na kapintasan kesa ang mas malaking kabutihan. Yun ang humubog sa aking pagpapahalaga na dapat mas nakikita ang mabuti at maganda at malaking katangi-tangi sa tao.

Sana kung malaking background kami ng lipunan, sana mas nakikita ang pagkaka-disenyo sa amin at mapansin naman sa mga boring at dull na eksena. Maganda ang kadiliman ng gabi kung ang liwanang ng tala at buwan ay hindi tinatalo ang kadiliman ng gabi. Sa kadiliman mga nagsisisayawan ang mga tala.

Wala akong balak lumakad ngayon. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahigit 7 taon ko sa lugar, inaya kong magsimba si Sandra sa United Methodist church na kabilang kanto lang namin.

Nagsimula an gang pagsamba sa pag awit ng "Take Me out of the Dark my Lord." Ang aral naman ay nakasentro sa buhay ni Job. Ang taong walang katulad ang integridad ditto sa lupa at pinagpala ng Diyos. Sinubok siya ng diyablo at dumanas ng matinding pighati.

Kahanganga ang taong ito. Nagkasakit siya, namatay ang mga anak, at naubos ang yaman. Kahit sa gitna ng kalungkutan: Sinabi niya" hubad ako ng ipinanganak, hubad akong mamamatay. Ang Diyos ang nagpapala, ang Diyos ang bumabawi, Purihin ang Diyos."

Walang katapat ang pananampalataya ni Job. Sa pag-aalay ng pagsamba, napalunok ako. Hindi ko alam kung tumatanggap ng galing sa nakaw ang panginoon. Siguro kung nagkatawang-tao si Kristo sa panahoin ngayon ay ihahampas sa akin ang ibibigay ko sa simbahan.

"Ang tanging alay ko oh Diyos aking ama, ang buong buhay ko puso at kaluluwa. Bago ang benediction, inaya ang mga may personal na kahilingan, dasal, at nais magpasalamat sa altar.

Inusal ko ang maikli at taos pusong panalanagin.

" Panginoon alam niyo po kung ilang beses kayo kumakatok at hindi ako nagbubukas ng pinto. Alam niyo na kung gaano ako kadumi at hindi karapat dapat sa inyo.  Salamat sa alok mong pagmamahal kahit ilang beses kitang ititanggi at kinuwestiyon ang iyong eksistensya. Paghariin mo ang pag-ibig at kapayapaan sa aking pamilya. Igawad mo sa amin ang pagpapala at iahon mo ako sa kinasasadlakan ko."

Tanglaw sa KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon