Malaki ang naging pagbabago sa akin ng aksidenteng pagkakasagip ko sa nahostage. Unti unti akong nagkapangalan sa lugar at kahit paano ay iginagalang na ako sa amin.
Ang mga tambay na nalalasing ay ako na ang hinahanap para paghingahan ng sama ng loob. Ang mga nagkaksakit ay ako ang naging takbuhan, hindi man ng pinansyal yung pagsama-sama sa kanila sa ospital at pangingilak ay tinuturing nila na malaking bagay.
Naiwasan ko na din ang pagnanakaw dahil ginawa ako ni kapitan na tanod at may nagpapalabas na din sa akin na sasakyan para ipamasada.
Naging magaan na sa pakiramdam ko ang lahat. May nagtitiwala at unti unting nagliliwanag ang mundo ko. Ang dating madilim na pagtanaw ko sa mundo ay unti-unting nagliwanag.
Ewan ko ba parang nagkaroon ako ng ibang karisma sa mga tao at ultimo mga siga lasenggo babaeng mababa ang lipad at kung anu-anong ligaw na kaluluwa ang nahihikayat ko sa mga proyektong pambarangay. Wala ring problema sa mga kabataang dating pahara-hara nung magkaroon ng curfew.
"Ano nalulunod ka na sa isang basong tubig ng kasikatan?" biro ni Sandra.
Ang totoo natutuwa na din siya at parang nakita ko ulit ang sigla sa mga mata niya nitong huling nangyari ang mga insidente na nakatakdang magbabago ng aming buhay. Kapag nakikita kong ngumiti si Sandra, parang bumubukas ang langit at ang liwanag ng paligid. Hindi man ako madalas magsabi ng "I love you", sa loob ko naman na simula nung una kaming magmeet ang gabing hindi ako makatulog ng may ngiti ay ganoon pa din ang nararamdaman ko sa kanya. Madalas man siyang dumaing nung nakakaraang panahon, malamang karapatan niya yun dahil yun naman ang nararapat na tungkulin ko bilang haligi ng tahanan, ang maging sandigan ng pamilya.
Alam naman niya na ang komunikasyon ko sa kanya ay ngiti at sapat na yun para iparating ko sa kanya na masaya naman ako sa takbo ng mga pangyayari.
Paparating na ang halalang pambarangay at madami ang naghikayat na tumakbo ako bilang kagawad ng barangay. Nagpaunlak naman ako. Nagsimula kaming magbahay bahay at nagpagawa naman ng mga posters at tarpaulin ang tropa.
Kahit na hindi ako ganun kadalas sumama sa kanila ay alam naman nila na kasama naman sila sa mga plano ko. Sila arnel ay nagpagawa ng mga poster at ang ibang tropa din ay tumulong na maglakad sa barangay na ilakad din ako sa mga kakilala nila. Kapag ganoon ang lagay, alam kong walang problema kay Arnel kasi tulad ng sinabi niya, yaw niya talaga na pasukin ko kung ano ang gawain niya.
Dumating ang halalang pambarangay at marami ang humikayat sa akin na lumaban ng kagawad. Naging madali lang ang pagkuha ko ng pinakamataas na boto.
Dahil sa pagkapanalo ko nabigyan ng pagkakataon na magbigay ng talumpati.
"Madilim ang St. Joseph. Ang mga posteng nakapaligid sa mga kalye ay madamot sa pagbibigay ng liwanag. Ang mga tao natin ay nangangapa sa dilim at gumagapang kung nasaan ang kakarampot na liwanag.Upang hindi tayo tuluyang mabalot sa karimlan, dapat ay buhayin natin ang mga ilaw at patibayin ang mga poste. Edukasyon, kabuhayan, seguridad at kalusugan. Ito ang magiging daan natin sa liwanag at bukas."
Palakpakan ang mga tao. Marahil mas madaling mangusap ang mga tao lalo at iisa ang pinanggalingan namin. Sabi nga, mas madali mong maipaparating ang mensahe sa madla kung ang karanasan nila ay hindi nalalayo sa iyong karanasan.
Sa pag upo ko sa komite itinalaga sa akin ay livelihood at spiritual. Pinili ko ang huli dahil na din sa nakita kong pag asa sa panginoon.
Sumangguni ako kay Jay sa bagay na ito, asst. pastor nap ala siya ng UMC, United Methodist Church. At yung mga prayer meetings na nilagyan ng tent ay para maibahagi ang salita ng Diyos sa mga taong nawawalan ng pag asa.
BINABASA MO ANG
Tanglaw sa Karimlan
General FictionSi Eidderf ang binaligtad na si Freddie. Higit sa pangalang binaligtad, siya ay idealistiko at may natatanging dunong- dunong na hindi lang sa akademya nakukuha kundi sa mga aral ng karanasan at ng kahapon. Para sa kanya ang buhay ay parang tubig, u...