Kabanata 12 Siklo ng Buhay

22 0 0
                                    


Sa isang teorya noon sa Sociology, may isang napakasimpleng pananaw sa pagkakabuo ng lipunan. Ang lipunan daw ay isang kasaysayan ng kapanganakan, paglago at kamatayan.

Uusbong ang komunidad, lalago bilang isang bayan, maglalaho. Sa ibang parte ng mundo may isisilang naman na bagong lipunan, matatag at maunlad.

Namatay si Arnel, nabuhay ang anak ko, may isinilang na abata sa Center lalaki ang isinilang na sanggol, mag aaral, mag aasawa, bubuo ngf pamilya at mamamatay ulit. Ganuon din ang kalikasan, My panahon ng tag-araw, tag-ulan, taglagas, tag-sibol at may araw may gabi. May kadiliman may liwanag.

Sa puntong ito, unti-unting sumasabog ang liwanag sa barangay. Sana naman ay wag mamamatay ang ilawan nito.

Wala nang pumutak sa umaga kina Osnar at Becky. Si Brenda naman ay pinagtulungan ng pamunuan ng Barangay na iparehabilitate. Sa pakikinig ko sa pangangaral ni Jay, Mateo 5:14-16 " Kayo ang ilaw ng sanlibutan, Hindi maitatago sa isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol. Walang magsisisndi ng ilaw at ilalagay ito sa ilalim ng takalan. Sa halip ay inilalalagay ito sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman dapat niyong pagliwanagin ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao, upang Makita nila ang inyong mabuting gawa at luwalhatiin ang inyong Amang nasa langit."

Maliwanag na sa St. Joseph. Ang anak ni Aling Guring na bagamat mahirap lang ay graduating ng Cum Laude sa UP. Si Osnar na isang mandurugas at tulak ay nammamasada na ngayon ng mga tricycle na pinababoundarihan ng barangay. Si lena na isang Hostess ay nag aaral na sa TESDA ng Cosmetology. Ang mga dating nangangapa sa dilim ngayon ay sinisikatan na ng araw.

Nakita ko si Sarah may saklay pa pero hindi na katulad dati na gusgusin ang damit, maayos na at binibigyan na ng importansya ng mga tao. Ang dating laruan ngayon ay maningning na bayani.

Sa pamunuang Barangay tinulungan naming ang anak ni Arnel na mapasama sa scholarship at adopt a child program. Ang kanyang misis naman ay hinahanapan naming ng Kursong babagay sa TESDA.

Walang katupusang siklo ang buhay. Nasa ilalim, Ibabaw, gitna. Hindi man ako nasa ibabaw, siguro nasa gitna naman ako.

Nakareceive ako ng text. " pare may pera ka ba diyan? Nasa ospital naman ang anak ko.

Nung property custodian pa lang ako, madalas na magtext sa akin si Marvin.

Pre pahiram ng pera"

Pare kailangan ko ng pang start sa work. Pare nag away kami ng misis ko.

Pare ganito, pare ganayan.

Minsan naisip ko, wala bang ibang kamag anak ito? Wala bang ibang taong pwedeng tumulong dito? Bakit nung time na may trabaho siya at yung anak ko ang nagkasakit hindi man lang niya ako natulungan? Hahanapin lang ba ako nito pag may kailangan?

Minsan nawawalan ako ng trabaho at binalak ko na doon magtayo sa kanilang tindahan ng ulam. Doon ko naintindihan ang kalagayan niya.

Sa mailiit na barong barong na inuupahan niya, makikita mo agad na hubad sa material na bagay . kabi-kabila ang naniningil sa kaniya. Wlang panggatas at ang inuulam naming ay sardinas at noodles na dala ko din.

Ang sabi ng pinsan ko, " huwag kang nagsasama sa negatibong tao. Ang mga kapit bahay naman niya, " Huwag mong samahan iyan " depressed yan, nasisisraan na ng bait. Nililibat na utak.

Sa ilang araw na pag stay ko sa kanila, dun ko narealize: Ayaw ng tao sa mga talunan. Mas pipiliin nilang makasama ang mga tao na marangal, magara ang kasuotan, at pinapaboran ng kinabukasan. Pero pag wala kang narating sa buhay, nilalait ka, pinagtatawanan.

Minsan nasabi ni Marvin, "wala yatang Diyos Pare."

"Tiwala lang tol. Darating ka din sa Ginhawa."

Kaya nung ako ang nasa kalagayan ni Marvin at napagod na din ang mga kaibigan ko sa paga abot sa akin:

"Minsan isa sa kanila ang nagsabi, lalapit ka na lang ba kung kailan masyadong malaki na ang problema mo? Bakit di ka lumapit agad at huwag mong sarilinin ang problema?"

"Madaling maghatol pre. Ano bang mabuti, ang mag-isa kong harapin ang problema ko o lagi niyoa kong kasama at ang maririnig niyo ay puro daing? Wala akong panggatas ng anak, maliit na pambayad sa ospital, bigas na pang saing. Maiintindihan niyo na ultimo pang reply sa text ay wala ako minsan o pang yosi man lang? hindi ko makakalimutan ang tulong niyo pre kahit nung nasa high school pa tayo. Kinokolekta ko lang ang sarili ko at at itinanatag ang pamilya. Sige pare aayusin ko lang ang buhay ko."

Pinuntahan ko si Marvin, Dinalan ko sila ng pagkain at pamilya niya at nag abot ng pambayad sa ospital. Nung mga time na down ako akala ko pagod na din ako sa pagtulong sa kaniya, pero naisip ko sa akin niya nakikita ang pakundap kundap na pag asa. Iwanan ko siya malamang kasabay siyang maglalaho sa dilim.

Sa ngayon iba na ang balak ko sa kanya. Kung parte man siya ng gulong na nasa ilalim, tutulungan ko siyang iusad pataas at kakalsuhan para hindi na mapailalaim ulit. Ihahanap ko siya ng pwedeng pagtindahanan ng ulam.

Minsan naglalakad kami ni Marvin at nadaanan naming ang mga taong grasa at pulubi.

"Bakit huling pera mo na lang ay iaabot mo pa para sa kanila?"

"Sila pare ang pinagtampuhan ng tadhana. Konti lang ang pinagkaiba ko sa kanila sa kalagayan ko. Ikaw pare tutulungan mo ba ako dahil maibabalik ko din ang itinulong mo sa akin? Kapag tumulong tayo, dapat kinakalimutan, at kung tayo ang tulungan dapat tinatandaan. Hindi man natin maibalikk ang tulong sa pinagkakautangan ng loob, maibabalik naman natin ito sa iba, sa ibang paraan."

Masaya ang pamilya ni Marvin ng dumating kami. Parang yung pakiramdam ko na noon nuyng nasa hospital si Phoebe at dumalaw si Aling Pacita at ang grupo ni Kapitan. Sa room kung saan naroon sila nakaflash ang balita, "magandang gabi po, isang dalagita ang natagpuang patay na hinihinalang ginahasa sa isang bakanteng lote sa San Andres Bukid. Pilit kong ninanamnam pag ganiton ang balita. Magandang Gabi, Pero panay karahasan ang isususnod na ulo ng balita.

Ang magandang paliwanag siguro doon ay: sa isang sanggol na namamatayan at pamilyang nagdadalamhati, mayroon namang ipapanganak at mga pamilyang nagsispagsaya sa pagkakaluwal ng sanggol. Sa isang pamilyang nagdarahop, marami naman ang sagana, Masaya at may kinabukasan. Sa korapsyon sa pamahalaan, may titindig at lalaban dito para maging tuwid ang daan. Sa mga batang lansangan na magiging kawatan at pusakal, marami naman ang magiging guro, pastor, pulis doctor na magsisilbing ilaw. Nag aagawan ang liwanag at dilim ang ibabaw at ang ilalim.

Sa isang report ko noon sa Sociology, binigyan ko ng paliwanag ang tinatayang pinagmulan na bawat lipunan. Sa ibat ibang pananaw na ito, binigyan ko ng paliwanang ang pagbabagong linyar ng lipunan, sa pananaw na ito mula sa pinakasimpleng nomadikong lipunan, uunlad sila patungong agrikultural, hanggang makamit nila ang industriyal. Sa Ebolusyon naman ang pagkakaroon ng istruktural na sistema mula sa unit ng pamilya pauntang komunidad at sibilisadong lipunan. Mayroon ding bahagdan ng pagbabagong lipunan na isang teorya ni W. Rostow at ang huli ay ang siklikal o pag ikot ng pagbabago sa isang siklo. Maaaring pananaw ito na nagsasabing ang kasaysayan ay nauulit lang. Siguro kung sa personal na libel lang ang pananaw na ito, maaari ko ding masabi na, ipapanganak kang maginhawa, maghihirap, giginhawa, maghihirap at mamamatay. Tapos ang kuwento. Pero ang buhay ay kumplikado, ang bawat karanasan ay liksyon na nagtuturo sa atin kung saang posiyon ng lipunan tayo kabilang. Hindi naman pagsakay lang sa tsubibo ang buhay na mayroong operator at kung saan niya tayo gustong ilagay. Ang buhay ay kalayaang nahuhubog natin hanggat nabubuhay tayo.

Ang siklo ng buhay ay isang napakahabang kadena na ang buhay ay magkakaugnay. At sa pagkakaugnay na ito, ang bawat papel na kanyang ginagampanan ay nakakapagpatakbo ng isang mekanismo ng lipunan. Hindi isang gamit lang ang tao at hindi mananatili sa kanyang papel habang buhay, ang bawat galaw at aksyon ay nangangahulugan ng pagsulong. Nakikita ng lipunan kung anong papel ang ginagampanan natin, subalit nakikilala din natin ang ating indibidwal na sarili sa papel na ating ginagampanan.  

Tanglaw sa KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon