Kabanata 10 Pagsusulit

16 0 0
                                    

Noong high school pag may periodical test parang pulo pulo ang mga silya. Sinadya ang ganitong ayos para walang kopyahan. Sa test naman " wrong spelling, wrong". No erasures, sa multiple choices, kailngan piliin ang letra ng tamang sagot. Ganun din ang matching type. Ang guro minamarkahan tayo ng sa kakayahan natin.

Kapag nangopya ka may disciplinary action. Ang Diyos kaya paano magbigay ng pagsusulit? Kagagaling ko lang sa pakikinig ng pangangaral ng grupo nila jay at muli nabanggit ang katapatan ni Job. Ang paksa ay pananampalataya.

Dahil sa pananampalataya, si Abel ay naghandog ng pinakamahusay na Ani, at pinatay siya ng kanyang kapatid dahil is Abel ang pinagpapala ng Diyos. Si Abraham ay hindi nangiming ialay si Isaac. Dahil sa pananampalataya si Sarah asawa ni Moses, bagamat matanda na ay nagkaanak. Dahil sa pananampalataya naitawid ni Moses ang mga Israelita na bihag ng mga ehipto. Dahil sa pananampalataya ang mga bihag ay nakaligtas, ang pipi ay nakapagsalita, ang pilay ay mga nakalakad at ang may ketong ay gumaling. Kahanga-hanga. Sinabi ni Kristo na malaki ang magagawa ng gabutil na mustasa ng pananampalataya ng tao.

Ibinigay ko ang malaking halaga sa oras ng offering dahil na din sa pananampalataya. Yun namang extra ko ay nahiram ni Aling Guring para pang tuition ng anak niya.

Medyo pumapatak ang ulan. Dati-rati kapag umuulan, naiisip ko agad na baka nakikiyak din ang langit sa kalungkutan ng paligid. May ginawa nga pala akong tula noon tungkol sa ulan.

Lambong

Tila luhang pumapatak

Mula sa lambong ng ulap

Ang butil ng luhang kinatas

Sa mga ala-alang tumimo sa dibdib.

Kulog na dumadagundong

Ang gunita ng kahapon

Sumasambulat sa himpapawid

Ang sigaw ng pusong naghihinagpis

Aaraw pa kaya?

O ang bahaghari ay mahihiya?

Walang kulay

Walang buhay

Nilalamon ng dilim ang tanglaw

Kasabay ng unos ay kulampol ng itim na ulap

Binabawing ngiti, ng pagsabog ng bukang liwayway

Ang paligid ay nabalot ng karimlan


Nakareceive ako ng text kay Sandra. 

Mahal, uwi ka! Bilis si Phoebe!"

Parang tambol na dinadagundong ang aking dibdib. Sa pagkakabanggit pa lang ng pangalan ng anak ko at salitang bilis, tinakbo ko na ang bahay. May ilan gabi na din kasing nilalaganat si Phoebe, medyo hirap na siya sa paghinga na akala ko ay hinihika at masakit ang kanyang dibidib at nung araw na yun inaapoy na siya ng lagnat. Ano kaya itong pangyayari na ito, pagkatapos kayang ipalasap sa akin ng Diyos ang medyo liwanang ng buhay ay babawiin na din niya? Hindi kaya ako karapat-dapat na maging bahagi din ng paraiso?

Ilang tao din ang nilapitan ko na yung iba ay nakapag abot ng 500 o 300 pero imposibleng makatustos ito sa mga nangangailangan pang ospital. Iniisip ko ang mga istorya sa bibliya. Natatakot ako na gawing test sa akin ng Diyos kuhanin din si Phoebe upang sukatin ang aking pananampalataya.

Nalito ako, baka siya na rin ang pangtubos sa mga kasalanan ko. Napagod kaiikot sa mga kakillaa ko, Oo at nakikisimpatiya sila, hindi pa din sila makatugon sa pangangailangan ko.

Yung akala ko na manhid ako at makapal na ang kalyo sa hirap at mga karanasan. Hindi pala. Madaling naliligalig ang espiritu ko kapag pamilya ang pinag uusapan.

Tanglaw sa KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon