Pagkalabas namin sa ospital, si Arnel at ang pamilya naman niya ang naisip ko.
Kinabukasan ang libing ni Arnel. Kingabihan napgapaalam ako kay Sandra at siya naman ang nagbantay kay Phoebe. Ako naman ay nakiramay sa mga naulila ni Arnel.
Sa pagpunta ko sa kanila niyakap ako ng mga bata na nag iiyakan. Tiningnan ko lang si Arnel. Maayaos ang kanyang suot at kagalang galang tingnan. Marahil eto na yung huling pagananakaw niya, ang maging mareangal sa paningin ng mga nakakakita. Hanggang buo pa ang kayang katawang lupa ay makapagsuot ng coat and tie. Kung susumahin, hindi bagay ang suot niya sa lugar na iyon. Para bang tao na may iniingatang integridad ang marangal niyang damit.
Naiisip ko tuloy ang Poor Man's grave awit ng Eraserheads, hiniling niyas na pag namatay siya makapagsuot siya na magara at malagay sa maayos na kabaong.
I know a man who had nothing
He was a poor man all his life
He lived in a shack by the roadside
With starving kids and a loving wife
II.
He went to church every Sunday
He prays from morning until night, he said
Good Lord, why have you forsaken me
When everything I did I thought was right
Refrain:
Now my Life is coming to an end
There's only one thing I'm wishing for
All my days I have never sinned
So I hope you wont ignore
What I'm asking for...
Chorus I:
'Oh honey when I die
Dress me up in a coat and tie
Give my feet a pair of shoes
That I haven't wore in a long time
Put me in a golden box
Not a cross on a pile of rocks
Bury me where the grass is green
And the gates are shining...
Read more: Eraserheads - Poorman\'s Grave Lyrics | MetroLyrics
Chorus II:
Oh honey when I die
Give me a bed of roses
Where I could lie
I'm gonna use up all the money that I saved
'Coz I dont wanna lie in a poor man's grave..."
Sana natagpuaan na niya ang kapayapaan. Nung mga highschool pa kami mdalas siyang magpa water color paint sa akin at bibigay niya sa mga nililigawan niya. Nilalagyan naming ng kanta yun. Minsan sa isang drawing na hindi naman Love ang tema, may inilagay akong tula sa nadrawing ko. Hindi niya alam na kinopya ko lang sa Tito ko yun.
Perplexity
I know not why
People cry
When one is laid to lie
And rest forever
I know not why
People are happy
When born is a baby
To live in this world and suffer.
Anu yan? Hindi naman love song yan? "hahaha hindi sa iyo yan". Sige, sige Idrawing mo na lang sa akin ng hubad si Britney."
Hahaha, "Bili ka na lang ng FHM o kay DVD na X-rated, manlalagkit lang ang drawing ko sa iyo."
Kasarap ding isipin ng mga kalokohan namin. Naalala ko din ang pagpunta punta naming sa kabilang pampang ng ilog para manguha ng pakwan na hindi sa amin. Ang paglaro ng barilan, text, paglilibot sa sementeryo at mangolekta ng buto ng mga patay. Ang pagpapalipad naming ng saranggola na kahit highschool na kami ay natutuwa pa din maming pagmasdan ang aming mga pangarap na parang mga lumilipad sa taas at kontrolado naman namin. Ngayon napigtas na ang leteng na nagdudugtong sa mga pangarap namin at lalo na sa kanya na kahit minsan hindi pala niya pinaniwalaang maaabot niya. Napigtas ang leteng ng kanyang mga pangarap, pero ang sa akin patuloy pa din pumapaimbabaw sa hangin at parang sumasayaw sa mga nahahawing ulap.
Madalas sabihin na kapag namatay na ang tao, hindi mo natatandaan ang mga masasama niya nagawa sa lupa. Iyon na siguro ang pinaka konsuelo ng pagkamatay o ang huling pabaon natin sa mga yumao ang alalahanin ang kahit konting nagawa nilang kabutihan sa atin. Kung tutuusin, hindi na dapat pang parangalan si Arnel ng magagandang salita, pero sa hinihingi ng pagkakataon at nahihiya namn din ako sa maybahay niya, nagbigay na din ako ng mensahe na hindi magsasabi ng kasinungalingan o gagawing magpalaki ng bagay sa pagakataio niya.
Sa mensahe, kay Arnel, nabigayan ako ng part na magsalita dahil na rin ang ako ang pinakamalapit na tao sa kanya. Sinimulan ko anfg pagsasalita:
"Paano ba natin sinusukat ang pagkatao? Mayroon bang metro para sukatin ang kabutihan niya? Ang pagkatao ay nasa puso. Ito ang pinanggalingan ng anumang magandang asal na mayroon tayo. Si Arnel nabalot man ng bakal ang puso, dahil sa ating kinasadlakan, sa isang sulok nito nandun ang lungkot, ang pait, ang takot, at ang katiting na kabutihan. Saksi ako sa mga bagay na yun. May mga bagay siyang nagawa na hindi na dapat pang sambitin upang paniwalaan ng lahat."
Pinipigilan ko ang luha ko at duon ko sinabi na paalam. Nilapitan akon ng mga anak niya, at isa isang yumakap na sa pagitan ng kanilang mga hikbi, alam ko na ang pakiramdam ng malaking kawalan ng kanilang ama. Hindi lang masukat kung kaya bang tanggapin ng mga anak na sa ganoong pagkamatay humantong ang kanilang ama.
Maikukumpara kami ni Arnel sa pares ng tsinelas, pag humakbang ang isang paa, susunod naman ang isang paa nagpapantay lang kung humihinto parehas ang paa. Walang nahuhuli walang nauuna.
Sabi ni la ang huling hantungan talaga ang kamatayan ng tao, ito ang kaganapan n gating existensya. Sa pagkamatay ni Arnel kganapan nga ba ng kanyang pagkatao ang kinahantungan niya? Sa mga Kristiyano ang kamatayan ay kalayaan lamang ng katawang lupa ngunit ito ay simula pa lamang para sa kabilang buhay.
Bakit ba kapag ang tao ang namaalam, bakit may kurot sa puso ng mga mahal niya sa buhay? Sabi nga perplexity nga ng buhay. Natutuwa ang lahat kapag may isinisilang kahit ang hahantungan ng bata paglaki ay paghihirap at pagdurusa, at umiiyak ang lahat kapag may namaalam na kahit pangwalang hanggang kapahingahan ang makakamit niya. Marahil ang kasagutan ay pag-asa, tama pag-asa, dahil yun ang tanging kayamanan ng mga taong pinagkaitan ng magandang buhay. Pag asa ang mata na nasa puso na tumatanaw sa mgandang bukas kahit hindi niya nakikita. Sabi nga nila, kung nasa madilim kang dako, wag na wag kang mawawalan ng pag asa, ito ang pwersa ng buhay na hahatak unti unti sa liwanang. At siguro din kung ang pag asa ang pwersa, ang pag ibig naman ang panggatong upang sa mga kumukundap kundap na liwanag nagkakaroon pa din ng patuloy na pag-alab.
Nagpaalam na ang maton sa isip ko, nawa yung mga pabaong luha ng mga mag iina niya ay magbigay ng kaunting kasiyahan sa kanya saan man siyang dako mapunta.
BINABASA MO ANG
Tanglaw sa Karimlan
Ficción GeneralSi Eidderf ang binaligtad na si Freddie. Higit sa pangalang binaligtad, siya ay idealistiko at may natatanging dunong- dunong na hindi lang sa akademya nakukuha kundi sa mga aral ng karanasan at ng kahapon. Para sa kanya ang buhay ay parang tubig, u...