Prologue

2.3K 60 2
                                    


Kahit Mali


LetterOfTheMoon

(c) 2021

Prologue

***


"Francis? Lasing ka ba?"

"Uhm, uhm, ikaw ba?"

"Medyo. Nagkainuman kami kanina ng tropa. Teka bakit ka dito humihiga?"

"Kuya Troy..."

"Huwag mo ko sabing tawaging 'kuya' eh."

"Kuya," nagsimula akong umiyak. "Tingin ko nababakla ako sa 'yo eh. Hindi ko alam."

"Ano ba sinasabi mo?"

"Huwag ka magalala, lilipat ako ng kwarto bukas. Kailangan ko lang sabihin 'to ngayon sa 'yo kasi naguguluhan na ako... may crush ako sa 'yo. Huwag mong sasabihin kay Jason ha?"

Tahimik lang siya.

"Huwag ka ng lumipat, dito ka nalang..."

"Ha?"

"Hindi ko sure pero parang gusto din kita." Nagulat ako sa sinabi niya pero niyakap ko siya. "Usap tayo bukas para mas malinaw, lasing ka, lasing ako, lasing tayo, baka lasing lang natin 'to." Sabi pa niya.

"Hindi'to lasing lang. Alam ko totoo na 'to, hindi kami magbe-break ni Jennica kung hindi kita iniisip habang hinahalikan niya ako. Alam ko pwede kong pagsisihan 'to bukas pero hindi ko mapigilan 'tong nararamdam ko  eh, KAHIT MALI."

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon