“Cery, anong nangyayari sa'yo kanina ka pa lutang ah? patapos na ang Marketing Management subject natin hindi ka pa umaayos?” Bulong sa akin ni Jeremiah habang nakatingin sa professor namin na panay ang explanation na ginagawa.
“Wala, makinig ka na lang para may maisagot tayo.” tugon ko naman sa kaniya.
Natapos ang mga major and minor subjects namin na lumilipad ang utak ko. Si Jeremiah na rin ang sumagot kanina sa lahat ng mga paperworks namin. Wala talaga ako sa tamang pag-iisip. Sa laki ng problema ko sa robot na 'yon. Hindi kami nagpapansinan hanggang ngayon. Kanina ay hindi pa kami sabay pumasok mas pinili ko na lang ang mag-taxi kaysa sumabay sa kaniya at makinig sa lahat ng kasinungalingan niya. He's far from what I've expected akala ko ay magkakasundo kami, but as of the present situation, I know we'll never be friends. Para sa akin hindi ko na siya kaibigan simula nang gawan niya ng kasinungalingan si Jeremiah.
“Dadaan na naman 'yong balyena tabi tayo, kasama pa naman niya 'yong bakla niyang kaibigan na malantod.” Bungisngis ng tatlong estudyante habang dumaraan kami sa hallway papunta sa Cafeteria.
“Kailan kaya 'yan papayat I'm sure wala ng pag-asa 'yan. She's pathetic mukhang tatanda siyang dalaga.” sabi pa ng isang babae na nakasuot ng dress na halos wala ng tela sa likod. Ma-pulmonya ka sana.
“So kailan kayo titigil sa kaka-chismis ninyo? alam ko na, kapag nakalbo ko na kayo.” pananakot ni Jeremiah. Kunwari ay pagbubuhatan pa ang tatlong babae ng kamay, kaya ayon tumakbo sila kaaagad at 'yong isa pa nilang kasama ay natapilok at nadapa. Karma nga naman napakabilis.
“Stress ang mga Gaga, wala ng ibang ginawa sa buhay kung hindi dumada.”
“Tara na lang sa Cafeteria, Jeremiah gutom na ako.” Hinila ko na siya.
“Ano pa bang aasahan ko sa'yo Cery? Palagi ka namang gutom.”
“Si Jariz, oh.” pagtuturo ko, kunwari.
“Nasaan?” tanong niya na inilibot ang paningin sa paligid. Kaya nagkaroon ako ng chance para kutusan siya sa noo.
“Aray ko Cery! Kahit kailan talaga!” Bulyaw niya. Sapo-sapo pa nito ang ulo nito.
“Mapapaaga pala ang Science and Math Fair at take note, may pre-pageant ang mga hotties ng university lahat ng mga courses dapat ay may tig-dadalawa na lalaking representative excited na ako! malay natin si Jariz and Xace ang mapiling representative ng Chemical Engineering class tiba-tiba tayo kapag nagkataon.”
Napangiti naman ako sa narinig kong sinabi ni Jeremiah. Minsan may silbi rin siya, hindi 'yong puro porn at katangahan lang ang inaatupag.
“Talaga? gumawa tayo banner, tapos pa-print tayo ng tarpaulin i-cheer natin si Xace.”
“Malamang si Xace na ang mananalo, bukod sa guwapo, hot, mayaman, matalino pa, kung hindi mo nga lang crush 'yon ay aagawin ko.”
“Subukan mo at babaliin ko lahat ng buto mo sa katawan, Xace is mine!”
Hindi ko namalayan na naisigaw ko pala sa hallway ang mga katagang 'yon, napatingin ang lahat ng mga tao sa akin dito at tinatawanan na nga ako sa kasalukuyan. Hinila ko na lang si Jeremiah para makalayo na kami dahil ginigisa na ako dito. Assumera daw ako masyado, hibang, baliw, ilan lang 'yan sa mga naririnig ko at sinasabayan pa nila ng mala-demonyo na halakhak.
“Anong gusto mong kainin? Ako na ang pipila para hindi ka mapagod.” tanong sa akin nito. Nag-usog pa siya ng upuan para sa akin dahil wala na naman ako sa sarili. That's cringe, malamang sa malamang kakalat na naman sa university na may gusto ako kay Xace at aatake na naman ang mga fangirls niya anytime, anywhere.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.