Chapter 13

52 7 0
                                    

Dumating ang araw kung saan nawasak ng husto ang puso ko. I found out everything that Jeremiah were hiding to me for, four years. I'm just glad that, Robi never left me, he stayed by my side from that day onwards, he comforted me. It's hard for me to accept  the truth, but he taught me how to. That's also the day, when I notice that I'm already falling for him.

“The game will start in five minutes.” anunsyo ng host. “Get ready, everyone.”

Napapalibutan ng mga kapwa ko estudyante at ibang manonood galing sa karatig universities ang buong soccer field. Nasa tabi ko si Robi at dahil iisa lang ang upuan ay ako na ang pinaupo niya, habang siya'y nakatayo, hindi rin naman siya napapagod, kasi robot nga siya.

“Go Xace!”

“Go Jariz!”

“Go Jazer!”

“Go Cave!”

“Go Ziggy!”

“Go Hottie 5!”

Laliwa't kanan ang sigaw ng mga fans nila,  napatakip na lang ako sa tainga sa sobrang ingay, si  Robi naman ay naka-poker-face lang. Ganito talaga ang hitsura niya kapag wala siyang pakialam sa paligid niya, para sa kaniyang boring ang mga maiingay na lugar.

Nagbigay na ng hudyat ang announcer at ang hudyat na 'yon ay ang pagpapasabog ng nasa sampung confetti. The game officially started with the 11 players from the 4th year at siyempre 11 players din sa mga 2nd year, nag-toss coin muna sila ganoon kasi ang soccer. Si Jariz ang representative ng 4th year para sa toss coin at may representative din ang 2nd year.

Second year ang nanalo sa toss coin, ibig sabihin sila ang pipili kung kaninong goal ito aatake. Sina Xace ang nag-kick-off to start the game at si Xace pa rin ang goal keeper nila, Jariz is the striker, si Ziggy ang right fullback si Jazer naman ang left fullback, ang defending/midfielder ay si Cave at ang center back ay si Sherwin, ang isa sa mga ka-team mates nila. Ang mga natitirang anim na ka-team mates nila ay siya nang umakto sa mga natitira pang positions.

Sa kalagitnaan ng laro hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa technique nila Xace, 'yong ball control nila, dribbling skills, passing accuracy and the body control, they've done it perfectly. Mukhang panalo na ang team nila Xace, naka-ilan na kasi silang goals, pinakamarami si Xace. Humahabol naman ang kalaban nila pero hindi ito sapat para kayanin ang puwersa nila Xace. Ang ingay na kaya ng buong field, nagtataka na tuloy ako, hindi pa ba sila namamaos? kaninang umaga sa basketball game,  tapos ngayon sa soccer naman. Hindi ba nababawasan ang energy nila? May bukas at susunod na araw pa kaya.

Natapos ang laban nang gamitin ni Xace ang pamatay na galaw, it's called the "Benzema Lift" it is the hardest because you need to pull the ball back, balance it on your foot then flick it with your heel over your head. 25 goals sina Xace, sa kabila naman ay 12 goals lang, matagal natapos ang game. Hapon na nga nang matapos ito idagdag mo pa ang pictorials at awarding sessions na kanilang ginawa.

Nagpaalam ako kay Robi na gagamit muna ako ng banyo dahil naiihi na talaga ako, sabi niya pa'y sasamahan niya raw ako, kaya ang nangyari sa huli'y nahampas ko na naman siya ng water bottle ko.

Nakahinga ako nang maluwag dahil natanggal na ang sakit ng puson ko, ilang oras rin akong nagtiis kahit gusto nang pumutok ng aking pantog.

Pagbukas ko ng pintuan ay nakarinig ako ng parang may nagtatalo sa kaharap na restroom, ang men's restroom. Dahil chismosa at pakialamera ako, itinapat ko ang aking tainga sa pintuan at hindi ko inaasahan ang maririnig ko.

“What are you doing Jeremiah? 4 years na ang deal nating 'yon, until now hindi mo pa rin nakukuha ang loob niya? Hindi ba tumatalab sa kaniya ang pagpapanggap mo? What? You're wasting our time, kailangan mong makuha ang pagkababae niya parte 'yon ng napag-usapan ng grupo or else hindi ka na muli pang makakapasok sa samahan natin.”

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon