Chapter 16

47 6 0
                                    

Unti-unting natutupad ang mga hiling at plano na aking inilista, kasabay niyon ay ang nalalapit niya na ring pagkawala.

“Isang oras na lang nasa Tagaytay na tayo, ready yourself this would be so much fun!” Sigaw ni Rachelle, hinampas pa nito ang manibela ng kotse  nilang minamaneho niya mismo, kami naman nila Kc at Kyla ay nasa backseat, soundtrip ang peg ko, si Kc naman ay kinukulot ang dulo ng buhok niya, si Kyla naman ay ka-text si Ziggy and they're now officially couple, kinuha naman ni Ziggy ang basbas namin, wala na kaming nagawa kung hindi ang pumayag, nangako naman siyang hindi niya sasaktan si Kyla.

“Excited na ako, that would be the perfect place to unwind right, girls?” pasaring naman ni Kc, two weeks na ang nakalipas simula nang muntikan na akong gahasain ni Xace, kumalat 'yon sa buong University, kaya wala siyang nagawa kung hindi mag-drop-out at magtungo sa Canada kung saan naka-based ang nanay niyang Doktor.

“Agree, enjoy lang tayo walang makakapigil sa atin.” pag-sang-ayon ni Kyla.

“Lalo ka na Cery, you really need this, grabe 'yong mga pinagdaanan mo this past few weeks, mas lalo ng pumayat, dahil sa stress.” dagdag pa ni Kyla, na sinang-ayonan naman ni Rachelle at Kc.

Nakarating kami sa Farm and Resort na pagmamay-ari nila Rachelle, pagkatapos ng mahabang biyahe. Napakalawak ng farm nila, napakaraming puno, ang ganda ng garden nila samu't saring mga bulaklak ang nakatanim, hindi naman namin mapigilan ang pagkuha ng mga litrato i-po-post sa instagram.

“Tayo na sa loob.” pag-aaya na sa amin ni Rachelle

Magkakaabay kaming pumasok sa loob ng hotel, kinindatan lang ni Rachelle ang receptionist ay agad na itong kumilos, inihatid na kami ng kanilang mga empleyado sa kuwarto namin, sa iisang kuwarto lamang kami mag-sstay, ang lawak at laki ng kama, sampu yata kasya rito e, ang ganda rin ng kuwarto, vintage style, ang sarap sa mata, napakalamig rin dito sa loob dahil sa may tatlong aircon na naka-install, may restroom na rin ito sa loob may, mini-bar din kung saan naka-display ang iba't ibang alak, may mini coffee shop din na naka-display ang iba't ibang gamit for vending at mug collections. Tanaw na tanaw din ang buong siyudad ng Tagaytay kapag dudungaw ka sa transparent glass na bintana.

“It's swimming time!” ani Rachelle, na nakahanda na sa kaniyang two piece, pati rin pala sina Kc and Kyla ay nasa loob na ng banyo habang ako ay nanatiling nakadungaw sa magandang tanawin.

“Cery ano pang ginagawa mo diyan? Magbihis ka na lalangoy na tayo.” tawag sa akin ni Rachelle, nang lingunin ko siya'y naglalagay na ito ng sunblock.

Kumilos na rin ako dahil nakakahiya naman kung kukupad-kupad ako rito, ayaw ko namang isipin nila na pa-vip ako. Nagtungo na ako sa banyo at isinuot ang color red na two piece, pero nagsuot ako ng puting robe, saka ko na lang tatanggalin kapag lalangoy na ako. Nabawasan na rin naman ang limang patong na bilbil ko, naging tatlo na lang ito, pero still mataba pa rin ako.

“Cery, ang ganda na kaya ng katawan mo. Don't be ashamed to show your gorgeous body up.” pagsita sa akin ni Kyla. Hindi kasi sila nasiyahan nang masulyapan nila akong nakasuot ng roba.

“Huwag na mamaya na lang, tayo na.” pag-aaya ko sa kanila, palabas ng kuwarto dahil alam ko hindi na naman nila ako titigilan.

“Ang lamig na tubig ang sarap sa balat.” komento ni Kc. Kakarating pa lang namin dito sa may pool area, pero agad na silang nag-dive sa tubig, ako naman ay naiwan lang sa gilid ng pool, pinapanood sila, marunong akong lumangoy pero, nahihiya akong ipakita 'tong katawan ko.

“Oo nga Cery, halika na kasi, ang kill joy mo talaga.” napasimangot pa si Rachelle.

“Nilalamig ako e, baka lagnatin ako mahirap na.” pagsisinungaling ko, ayaw ko kasing ilantad ang katawan ko ngayon dahil napakaraming tao sa paligid.

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon