Chapter 18

49 7 0
                                    

“Whenever I see boys and girls,
Selling lanterns on the streets,
I remember the child in a manger as he sleeps.”

We were very glad, watching these three little kids from our neighborhood, carolling in front of us. We stood as we both gazed on their flucky faces. Jolliness have seen in their eyes,
They're like singing angels sent by God to remind us to be happy too, because it's the season to be jolly.

I bitterly smiled when I remember that Christmas day. Last Christmas, I gave you my heart and the very next day, you take it away.

“Ito na lang ibibigay ko sa inyo.” I smiled, before I handed them one by one a heart shaped chocolates.

“Hindi naman ako papayag na wala akong maibigay.” ani Robi. Nag-abot siya ng tig-iisang color red na paperbags sa mga bata. Walang mapagsidlan ang kanilang mga tuwa nang iniabot namin ang aming mga regalo. Napayakap pa nga sila sa amin pareho ni Robi.

”Thank you po, Ate Cery at Kuya Robi ang bait niyo talaga.” sabi ng batang si Anna, yakap yakap pa rin niya si Robi.

“Walang anuman.” we both said in chorus.

Sunod na silang nagpaalam sa amin dahil marami pa raw silang bahay na susuyurin para mangaroling.

“Ano 'yong binigay mo sa mga bata Robi?” nagtatakang tanong ko, habang isinasarado ang gate.

“Robots that I assembled.” matipid na sagot niya.

Tumango na lang ako at sabay kaming pumasok sa loob, puno ng christmas lights ang bahay, may napakalaking christmas tree na nakalagay sa sala at ang ilalim nito'y may mga regalo. Ngunit hindi ko ramdam ang pasko, dahil hindi ko naman kasama si Dad, wala na rin si mama, si Tita Crizza naman na tumatayong ina ko rin, ay may duty sa hospital.

Bagsak ang balikat kong pumasok sa kuwarto, nagpaalam rin si Robi na may pupuntahan kaya, tumango na lang ako. 23 years celebrating christmas alone, napaluha na lang talaga ako. Ang hirap kapag mag-isa ka, marami nga akong regalo na natatanggap galing kay Dad tuwing pasko, presensya naman niya talaga ang nais ko.

That night, I just stayed inside my room staring blankly at the ceiling. Ilang beses nang kumatok ang tatlo naming mga kasambahay, gusto raw nilang tulungan ko silang mag-bake ng pande-crema, dahil hindi sila marunong, pandagdag sa ihahanda mamaya sa midnight snack, pero sabi ko masakit kamay ko.  routine ko na talaga ito sa tuwing sumasapit ang araw ng bisperas ng kapaskuhan, nagkukulong lang sa kuwarto at saka lang lalabas kapag kinabukasan na. Doon ko na rin nilalantakan ang mga handa na hindi ko nagalaw kinagabihan, binibigyan rin ako ng mga kasambahay namin ng regalo dahil nga sa mga probinsyana sila'y, matatamis na mangga, mga produkto nilang gawa sa paghahabi, at sweet delicacies ng kanilang lugar ang inireregalo nila sa akin, nagugustuhan ko parati ang mga 'yon, at naging paborito na rin. Binibigyan ko rin sila ng mga regalo, mga mamahaling damit pati nga mga anak nila'y binibigyan ko ng mga robots na laruan ko noong bata ako. Nagpapadala rin si Dad ng napakaraming tickets na trip to Korea, Japan, Paris, Iceland at kung saan at ano pa, ngunit itinatago ko na lang sa drawer ko wala rin akong ganang mag-travel dahil mag-isa lang ako. I don't want to be alone pero 'yon 'yong palaging nangyayari sa akin.

“Cery open the door.” Robi called me, he's constantly knocking the door. Ano bang problema nito?

“What do you need?” malumanay na sagot ko sa kaniya, parang sinisipon na rin kasi ako kakaiyak.

“You, I need you for the night.”

“But, this night wouldn't allow me to be with you, so just celebrate, Christmas on your own, Merry Christmas!” I chuckled. “'yong regalo ko nga pala sa'yo, nandoon sa ilalim ng christmas tree 'yong color red na paperbag na may ribbon din na red sa harapan, enjoy!” I added.

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon