Days and months had passed, his end is near. I started to think what if I lose him? Who will be there for me? Who will be my knight and shining armour? Who will be one of the source of my happiness? Who will be there to guide me, when darkness comes into my life? I got affrighted. I'm now afraid with the idea of losing him.
“Listen everyone, mamayang tanghali dadalaw ang anak ng may-ari ng university, kailangan ninyong magsagawa ng general cleaning, this morning. Maging mapagmatiyag din kayo dahil ang anak ng may-ari dito ay simple lang at kagaya ninyong estudyante, pero naiiba siya sa inyo dahil sa edad niyang sampu ay nagkaroon na siya ng greatest invention na bumago sa buhay nating lahat, hindi ko sasabihin kung ano 'yon. We need your cooperation, lalo na't hindi Pilipino ang lahi niya isa siyang Canadian.” salaysay ng adviser namin. Na-curious naman ako, dahil kahit kailan hindi ko pa nakita ang may-ari ng eskwelahan na ito, maging ang anak niya man lang.
Nagsitayuan na kaming lahat at nagsimulang maglinis. Ganoon din ang ginawa ng iba't ibang department naging abala ang lahat. Nakita ko rin si Robi sa harap ng department nila, siya ang nagdidilig ng mga halaman at panay pa ang palihim na pagkuha sa kaniya ng litrato ng mga estudyante na dumadaan sa harap niya.
Nang sumapit ang tanghali, pagkatapos ng lunch ay nagbalik na kami sa aming mga Departmento, kailangan naming magmadali dahil sa bukas ay All souls day na at holiday. Walang pasok, pero tambak ang mga paperworks na aasikasuhin.
Nasa loob na kami ng room at hinihintay ang pagdating ng aming professor, nagkaroon ako nigla ng call of nature, kaya nagpaalam muna kina Rachelle. Tumakbo na ako papunta sa banyo dahil sasabog na ang tiyan ko, napadami kasi ako ng kain kaninang umaga.
Nakahinga ako ng maluwag, paglabas ko ng cubicle. Nang nasa bandang tapat na ako ng pintuan ay nakarinig ako ng nagsasalita, may kausap ito sa telepono dahil, rinig na rinig ko pa ang pinag-uusapan nila, it's about business thing.
Napatingin ako sa kanang bahagi ng daanan, sa may kaliwang pintuan, kung saan walang masyadong gumagamit. Nakita ko roon ang lalaking naka-puting shirt, naka-faded jeans at sneakers, ingles ang midyum na ginagamit niya sa pakikipag-usap sa kabilang linya.
Nang maramdaman niya ang presensya ko ay humarap siya sa kaniyang likod, kung saan ako nakatayo. Si Robi lang pala, akala ko naman kung sino na, hindi ko kasi nakikitang magsuot si Robi ng white shirt, tanging red lang at black. Magsasalita pa sana ako, kaso tinapunan niya ako ng masamang tingin at kumunot pa ang kaniyang noo, mabilis siyang naglakad paalis, pilit ko siyang hinabol ngunit dala ng bilis niya'y hindi ko na siya naabutan. Ano bang problema nito? Humanda ka talaga mamaya sa akin, Robi.
******
“Hoy Robi akala mo ha? Hindi kita nakita kanina sa fire exit ng comfort room, may kausap ka sa phone tapos inirapan mo pa ako at nag-walk-out ka pa, wow! ikaw na ngayon ang may karapatang magalit?” pagmamaktol ko, sa kaniya pagkauwi namin sa bahay.
Umupo siya sa sofa at tinignan ako sa paraang naguguluhan. ”What are you saying Cery? I stayed inside our department the whole day.”
Tinaasan ko siya ng kilay. "Denial ka pa talaga, at bakit red tee-shirt na ang suot mo? naka-white ka lang kanina ah?” hindi pa rin ito sumagot. “Ano? Magsabi ka ng totoo.”
Napakunot siya ng noo. “Cery, you're just hungry okay?”
“Eat your dinner, akyat na ako sa kuwarto bye.” pagpapaalam niya. Tinapik pa nito ang balikat ko.
That night, I kept on asking, kung hindi siya 'yon? Sino 'yong nakita ko kanina? Hindi ako puwedeng magkamali siya 'yon. Baka rin hindi, dala lang siguro ng gutom, on diet nga kasi ako. Pero, imposible rin na nagsisinungaling sa akin si Robi, bahala na nga!
******
Kinabukasan, dumaan muna kami sa flower shop upang bumili ng white daisy, favorite flower ni mama and candles, of course. Pagkarating namin sa sementeryo ay naglatag kami kaagad ng blanket, nakausap ko si Dad through phone call na naiiyak na naman dahil miss na miss niya na raw si Mama, kaya sa huli na-kuwento na naman niya ang history nila ni mama.
“Will you allow me to sing for you and your mom, a song?”
“Sure.” Ngumiti ako.
He started strumming his guitar, he sang a song very emotional song. I was driven by his voice, hindi ko maiwasang hindi siya titigan habang kumakanta, pati 'yong ngiti niya habang nakatitig talaga si lapida ni mama, hinaplos pa niya 'yon, I felt a warm bliss that touched my heart.
“Huling kanta ko na ito sa'yo at sa mama mo.” aniya. Sumikip 'yong dibdib ko, handa na ba talaga siyang mawala?
“Bakit naman? Puwede naman tayong dumalaw dito everyday at kantahan mo kami ni Mama.” tugon ko. I actually tried to smile, but I know inside my heart, I'm afraid to lose him, I can't afford to lose him.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat, tumitig rin siya sa mga mata ko. “8 months more to go, it'll be my shutdown, Cery.” ngumiti siya. “Are you now ready, to let me go?”
“Yes, I'm willing to let you go, ano ka gold?” Tumawa pa ako kunwari. Ayaw kong sabihin sa kaniya na ayaw ko siyang mawala, I know he'll never understand it, even if I say so.
“Talaga ba?” Ngumisi ito.
Tinalikuran ko siya. “Ewan ko sa'yo.”
“Hindi mo ba ako ipapakilala sa mama, mo?”
Sa sinabi niyang 'yon ay umayos muli ako ng upo, huminga ng malalim at hinarap si mama.
“Mama, this is Robi, Dad's gift for me.” Itinuro ko si Robi.
“Nice meeting you, ma'am.” Hinaplos muli ni Robi ang lapida ni mama.
Tinalikuran ko na siya muli, pagkatapos ko siyang ipakilala kay mama. Bigla akong nalungkot, may mawawala na naman sa akin, and that was him.
“Hey, why? May pupuntahan tayo after this okay?” Kinalabit niya ako, dahilan para mapalingon ako sa kaniya.
Nag-kuwentuhan muli kami, ngayon naman ay tungkol sa pangarap ko, I told him all my plans in the future, mas lalo lang akong nalungkot kasi, hindi na siya magiging part ng future ko. He even told me, a successful future is awaiting for me, nakikita niya raw 'yon, pinagtawanan ko na lang siya, mukha kasi itong manghuhula sa Quiapo.
Pinagsiklop nito ang dalawang kamay niya't, ngayon ay magkarharap na kami pareho. “Hindi ba, ang sabi mo sa dream/plan list mo gusto mong magpunta sa perya, dahil kahit kailan hindi ka nakapunta doon kasi, ayaw ng Daddy mo?”
“Kaya ito na nandito na tayo list number 7, and it's now achieved!” masayang pagbati niya, itinaas rin nito sa ere ang napakaraming tickets na kaniyang binili. Tumango na lang ako habang inililibot ang tingin sa paligid. Dinala niya ako rito sa perya, nagulat nga rin ako noong una, nagulat na naiiyak kasi, pangarap kong makapunta dito dati, kaso ayaw ni Daddy, hindi raw kasi ako bagay sa ganitong lugar, masyado raw kaming mayaman para magpunta rito, at dagdag niya pa'y delikado raw dito. Ito ang isang masamang ugali ni Dad, ang taas ng tingin niya minsan sa kaniyang sarili.
Kagaya ng pangarap kong makasakay sa ferris wheel ay tinupad niya 'yon, ang makakain ng cotton candy ay hindi ko rin pinalagpas, dahil sa tanang ng buhay ko'y hindi ko 'yon natikman. Ang magkaroon ng kulay red na teddy dear ay tinupad niya rin, dahil bata pa lamang ako'y imbis na manika o di kaya'y pambabae na laruan ang kasama ko ay hindi kasi puro robots, minahal ko rin naman ang mga laruan na robots, pero ramdam ko na ang inggit sa mga batang nakikita kong naglalaro ng nga pambabaeng laruan noon. Una pa lang, malaki na ang inggit ko sa kanila, bakit mayroon sila ng mga laruan na wala ako? Marami kaming pambili pero never akong binilhan ni Dad. I guess, 'yon 'yong naging pagkukulang niya, ang hindi niya ako binigyan o binilhan man lang ng mga laruan na nararapat para sa akin dahil babae ako.
Kagaya ng pag-ikot ng ferris wheel ay ang pag-ikot na rin ng mundo ko sa kaniya. Ngunit, kagaya ng pagtigil sa pag-andar ng ferris wheel ay lungkot na aking naramdaman. Maaari akong sumakay sa ferris wheel muli, at kahit ilang beses pa, ngunit hindi na ako ganoon kasaya, kagaya noong unang beses akong umapak doon at sumakay. Hindi na masaya, dahil hindi ko na siya kasama, patunay na sa una lang talaga lahat masaya.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomantizmIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.