Chapter 23

47 7 0
                                    

It's the fifth month of the year or they called it the early vigorous blooming part of a human life. And I agree with that, it's the month that he surprised me a lot. He cooked me yummy breakfast in the morning, he held my hand as we both watched sunrise and sunset, he even kissed me under it, we both explored different places and those places became my favorites. And until now, I always visits the places where our memories lives. He also taught me to play guitar that's actually my number 2 on the dream list, and we both succeeded, now I'm proud to say, I'm a professional when it comes on playing guitar.

“Alam mo Cery, my dear, type ka ni Doctor Steve 'yong pediatrician namin dito, hay naku! Nang makita ka na-star-struck daw sa'yo para ka raw artista, at na-love at first sight daw pa raw ito.  Gusto pa nga niyang ilakad ko daw siya sa'yo papayag ka ba?” tanong sa akin ni Tita Crizza, bumisita kasi ako dito sa clinic niya, may clinic na nga may hospital pa, wala namang asawa.

“Ayaw ko po Tita.” I refused.

“Ewan ko na talaga sa'yo na bata ka! Tinatanggihan mo ang grasya, aba, kung type ako ni Doctor Steve edi arat na.” aniya.

“Ang kaso nga Tita hindi ikaw ang type niya, pakisabi na lang po, thank you.” tugon ko.

Hinampas na naman niya ang kamay ko gamit ang hawak niyang ballpen.

“Aray! Kaya, ka wala kang asawa Tita, e” atungal ko.

“Magkakaroon din ako, soon.” singhal niya. Galit na galit talaga siya kapag ganito 'yong topic.

“Anong soon Tita, 42 years old ka na, anong soon? Baka nga malapit ka nang kunin ni Lord." pang-iinis ko sa kaniya. Kahit ganito ako sa kaniya, God knows how much I loved this woman.

“Lintik ka talagang bata ka! Palibhasa hindi ka love ni Fafa Robi mo.” nanggagalaiting giit niya.

Inamin ko na kasi na mahal ko na si Robi, ayon kinilig siya ng sobra, minsan pa siyang napadalaw sa bahay mabuti na lang at naitago ko sa kaniya si Robi kung hindi lagot ako kay Dad.

“Tita naman huwag niyo ng ipaalala!” nahihiya kong wika.

Nakakahiya kaya kapag nag-share ka ng about sa isang tao tapos hindi pala kayo nagkatuluyan o hindi ka man lang ginusto pabalik

“Ikaw din naman ipinapamukha mong natigang na ako, ganti lang ito pamangkin.”

“Mauuna na po ako Tita, dinalaw lang kita para alamin kung may asawa ka na bye!” Tumakbo na ako palabas ng kaniyang clinic, baka kasi habulin niya ako tapos hambalusin niya ng tubo, baka mamatay ako kaagad.

Since, nagpa-iwan si Robi sa bahay, may date kami ng sarili ko ngayon, and I decided na tatambay muna ako sa bagong bukas na café sa may session road. Malawak daw ito, modern design at napaka-international ng mga dishes at kape nila, trending din sila nationwide kahapon, dahil sa shocking na opening nila.

Pagpasok ko pa lang sa naturang lugar ay ni-welcome ako ng napakaaliwalas at peaceful na paligid, napakaganda ng disenyo nitong lugar sa bawat sulok. Agad akong humanap ng upuan at napagdesisyunan na sa gitna ako uupo, lumapit din kaagad sa akin ang isang waitress na parang stewardess ang uniporme. Ang ganda ng ambiance ng lugar, ang ganda sa mata ng mga color combinations nila, pati 'tong uniforms ng mga employees akma sa color coding ng coffee shop.

”Good morning Ma'am! Welcome to, XC Paradise, may I take your order?” masiglang pagbati nito.

“'yong top dish and best seller na kape na lang miss.” sagot ko.

“Noted Ma'am, your older will be here in just ten minutes.” saad nito.

Tumango na lamang ako at naglakad na siya paalis.

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon