It was month of love back then, when he bellied me up, to my favorite place and asked me for a date. That was my first date ever, and unluckily my first date was a Robot.
“Can't wait I can feel it, may surprise mamaya si Ziggy.” pagbabahagi ni Kyla, nag-uusap kaming apat ngayim through video call.
“Bokya pa rin ako, wala akong date.” pagmamaktol ni Kc, na nagkukulot na naman ng buhok.
“Ako rin naman, date na lang kami ng aso ko mamaya.” hinaing rin ni Rachelle. Naisip ko, hindi pa ba kumikilos si John? Ang bagal naman niya, mamaya may maunahan pa siya, sa totoo lang siya pa naman ang manok ko.
“Ikaw ba Cery, wala kayong date ni Robi?" ani Kc, sabay na sabay na naman silang naghiyawan. Kahit kailan talaga ang galing nilang mang-asar. Isang buwan na rin ang nakalilipas, when I confessed in front of him, wala namang nangyari, he doesn't feel it, he acted all throughout like there's no revelation that has told. Ano pa bang aasahan ko? Robot siya, una pa lang sinabi na ni Dad na, he can't feel love.
“Wala kaming date, okay? Magkukulong ako sa kuwarto ko buong araw, magsusuot ako ng plain black outfits, ako na ang bitter ng taon.” panunuya ko, sabay naman silang napatawa. Hindi ba sila naniniwala na wala kaming date? Wala nga kasi talaga.
“You know Cery, I will not believe na walang inihandang sorpresa sa'yo si Robi.” sagot ni Kyla.
“Wala nga.” pagpupumilit ko.
“Let's divert the topic, lugi kaming mga walang jowa. Nga pala, next month na ang search for Ms. University? Any plan or preparation Cery?" tanong sa akin ni Rachelle. Oo nga pala, muntikan ko pang makalimutan 'yon.
“I mean I'm 60 kilos na ako, you think I can achieve 50 kilos by this month before March?” I asked them.
Their eyebrows arched.
“You're such a pessimist person, Cery. No wonder, kaya lumobo dati katawan mo.” Napairap si Kc.
“You can do it Cery, look at you now, mas maganda ka na kaysa sa amin, I mean dati pa man maganda ka na, you can do that, we'll help you.” Rachelle smiled as she uttered those motivating words.
“Yeah, you can do it Cery, you're also an smart one, you can beat them.” pag-sang-ayon ni Kyla.
“I'll try my best, but I can't promise that I'll win, we will start the practice, tomorrow, pumunta kayo rito sa bahay.” ani ko.
“Game!” They said in chorus, mukhang mas excited pa sila kaysa sa akin. Afterwards, we ended the call, dahil maliligo pa kaming lahat. Si Kyla lang ang may date sa aming apat, nakaka-imbyerna talaga kapag wala kang boyfriend, mabuti na lang may kaparehas akong NBSB si Rachelle at Kc ewan ko sa dalawang 'yon maganda naman at matalino, pihikan yata sila.
Nilibang ko na lang ang aking sarili, para hindi masyadong mabagot. Walang pasok ngayon, dahil raw sa Valentine's Day, automatically holiday na, puwede namang umabsent na lang 'yong may mga date at pumasok ang mga kagaya naming walang boyfriend. Nakaka-insulto lang kasi, parang kinakawawa kami.
”Good morning!” pagbati sa akin ni Robi. Magkasabay kaming bumaba ng hagdan. Naka-sando lang at boxer shorts ito. Ang hot kahit umaga. Kung totoong tao ka lang talaga, ako na mismo nag-alok sa'yo ng marriage proposal, kaso robot ka, and that hits me all the time.
“Good morning.” tugon ko.
“May lakad ka?” sunod na tanong niya.
Nagsalin ako ng maligamgam na tubig sa baso. “May bibilhin lang ako mamayang hapon sa mall.”
“Okay, enjoy mag-iingat ka.” aniya. Bumalik na rin ito kaagad sa kuwarto niya.
Anong nangyari roon? Valentine's pa naman, akala ko talaga sasamahan niya akong mag-shopping pero hindi naman pala.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.