He's my savior, he save me from despair, he save me from an incident that will definitely kill me, if he's not there.
Tinapik ni Rachelle ang balikat ko, kakaalis lang ng professor namin, wala akong naintindihan sa mga ipinaliwanag niya, ang ginawa ko lang ay ang tanggapin ang modules na ni-distribute nito. “Cery, ayos ka lang? lutang ka na naman, next week na semester examination natin.”
“Wala may naisip lang.” pagsisinungaling ko, na-mi-miss ko kasi si Jeremiah. Hindi ko naman 'yon itatanggi sa sarili ko, kahit naman napakasama ng ginawa niya sa akin, still naging magkaibigan pa rin kami. May inilagay siya sa locker ko kanina a goodbye letter, aalis na raw sila ni Stephanie. Sa U.S na raw nila papalakihin ang kanilang magiging baby, saka na raw sila uuwi kapag maayos na ang lahat naipagkasundo na rin kasi sila ng kanilang mga magulang.
“Si Robi 'yang iniisip mo, ano?” pang-aasar na naman ni, Kyla ever since nag-drop si Jeremiah, sila na ang naging mga kaibigan ko, kung dati sa likod ang seating arrangement ko, ngayon ay napunta na ako dito sa harapan.
“Hindi nga Kyla, ayan ka na naman eh.” pagtanggi ko. Hindi yata nila ako titigilan kakaasar kay Robi.
Nag-flips hair pa ito. “Oo na sige na nga.”
“Grls, ber months na oh, saan tayo papasyal?” pasaring naman ni Kc, na kinukulot ang dulo ng buhok niya, siya ang pinaka-kikay sa amin.
“I have a suggestion, why not sa resort and farm namin sa tagaytay? Free accommodations papayag din si Daddy, surely. Right after the examination ano payag kayo?” tanong niya sa amin.
“Sure.” we said in chorus. Napakabait talaga nila, ito 'yong pinagsisisihan ko, in my whole college life, hindi ako nagkaroon ng girl best friends ngayon lang talaga na nasa last year na ako, ang sarap pala ano kapag puro kayo babae? 'yong tipong walang hiyaan kahit pakitaan kayo ng brand ng panty at bra, one time kasi nag-sleep over kami sa bahay nila Kc, kaso itong si Robi panira gumawa na naman ng kalokohan sabi niya parang namamatay na daw ang baterya niya kaya ayon todo takbo ako pauwi, 'yon pala, rason niya lang 'yon para makauwi ako.
Napabaling kaming lahat sa pintuan nang may kumatok roon. “Nandiyan ang prince charming mo, Kyla,”
Ngayon naman ay siya na 'yong inaasar namin.
Madalas na kasi ang pagsundo ni Ziggy from the Gago 5— este Hottie 5 kay Kyla tuwing break time. Hindi na nga namin siya kasabay sa pagkain e, ang sabi naman ni Kyla pinopormahan daw talaga siya ni Ziggy kaya sabi ko mag-iingat siya, alam na nila ang ginawa sa akin ng The Hottie 5 kaya ayon basher na raw sila.“Sige na Kyla, huwag kang mag-alala okay lang kami.” paniniguro ni Kc. Lumabas na si Kyla at kami naman ay dumiretso na sa canteen.
Kung napapansin ninyo wala ng nam-bu-bully sa akin it's because of Robi, sabi kasi niya huwag na huwag daw nila akong gagalawin kung ayaw nila ng giyera. At saka isa pa nag-improve na din ang katawan ko from 120 pounds to 95 na, 3 and a half months na akong on diet, proper exercise at marami pang pagpapapayat strategies. Determinado talaga ako nagsisikap para sa 50 kilos na goal ko.
Kagaya ng dati tuwing sasapit ang break time, isang mansanas lang ang kinakain ko at isang basong tubig bilang inumin. Abala kami sa pag-uusap patungkol sa vacation namin, pero napatigil kami biglang may babaeng lumapit sa amin sa table at naglapag ng isang kulay puting papel.
“What's that?” tanong ni Rachelle.
"It's for Cery." tugon ng babae, at saka na ito naglakad palabas ng Cafeteria.
Binuksan ko ang papel at binasa ang nakasulat rito.
“Meet me at the School Laboratory.”
-Xace
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.