Pagkatapos ng dinner ay umakyat na ako ng kuwarto ko as usual wala kaming pansinan ni Robi. Magkatabi lang naman kami ng kuwarto actually, pero wala akong balak na kausapin siya nakakainis kaya. Pagkatapos kong gawin ang mga paperworks at assignments ko ay napahikab na ako ng tuluyan, antok na antok na talaga ako. Iniligpit ko muna ang mga gamit ko at saka inilagay sa drawer. Ilang buwan ko ring hindi nabuksan ang drawer ko na ito. Ano bang laman nito? ang tanda ko 'yong polaroid at kulay pula na notebook na may design ay mickey mouse kung saan ko nililista ang mga dream/plan list ko two years ago pa pero itinigil ko na rin.
Una kong kinalikot ang polaroid, dalawang taon na rin ito sa akin at hindi ko na ginagamit, nasira na rin siya, sa basurahan na talaga ang bagsak nito. Sunod ko namang binuksan ang kulay red na notebook unang nilagay ko pala sa Dream/plan list ko two years ago pa ay ang "magpapayat" napatawa na lang ako ng mapakla ang isang kagaya ko ay wala ng pag-asa na maging sexy. I decided to put them both at the trash can one at a time. Lumabas ako ng kuwarto at itinapon ito sa basurahan sa pathway ng bahay. Kailangan ring linisin ang mga kalat.
Pumasok na rin ako ng kuwarto at humilata na. Sana mapanaginipan ko si Xace.
******
“Good morning Cery!” I greeted myself as I stretched my both arms. Kulang ako sa tulog ngunit, kailangang gumising ng maaga ganito ang buhay estudyante.
Ginawa ko muna ang aking morning rituals, pagpasok ko sa banyo ay dinala ko pa ang picture ni Xace, nakasanayan ko na talaga ito. Nagbihis na rin ako pagkatapos, tee-shirt lang na maitatago ang malaking bilbil ko kahit papaano, jeans and doll shoes for the perfect match.
Bumaba na rin ako para mag-breakfast at kapag minamalas nga naman, nasa hapag na si Robi na nakasuot ng red tee-shirt na vintage ang design. Nakakainis mang aminin sobrang guwapo niya kapag kulay red ang kaniyang suot na damit.
“Good morning, Cery.” Nakangiting pagbati niya sa akin.
“Good morning.” usal ko, wala namang masama kung batiin ko rin siya 'di ba?
“Kumain ka na.” Iginaya niya ang kaniyang kamay sa hapag.
”Ha? Wala namang pagkain na nakahain ha?” giit ko dahil tanging pipino at tubig lang naman ang nasa table.
“Tinutulungan lang kitang ma-achieve ang nasa top list ng dream/plan list mo, so you need to have a diet everyday, pati rin sa cafeteria ay huwag kang kakain ng fatty foods ako na mismo ang bibili ng mga pagkain mo for snacks and lunch para makasigurado ako, and kapag weekends jogging tayo at exercise.” dagdag pa nito. Ba't ba ang guwapo ng robot na ito? Nakakalimutan ko tuloy na galit ako sa kaniya.
”You know, that funny secret list of mine? Don't tell me kinalkal mo siya sa basurahan?” I chuckled.
“Yes, I accidentally saw it a while ago, habang dinadala ang mga sako ng basura sa labas for dump collection.”
“Okay, papayag ako pero sa isang kondisyon.”
“What is it Cery?”
“Tigilan mo na ang paninira sa mga taong nakapaligid sa akin, okay?”
“I can't promise that, but I'll try my best not to. But, Im assuring you, I'll give you the concrete evidences soon for you to believe me.” wika nito.
“Tigil na Robi, baka magbago pa isip ko.”
“Okay, then hands up. Hindi ba 'yong nasa number sa list mo ay ang makapag-hike ka ng isa sa mga bundok dito sa Pilipinas?”
Naalala ko oo 'yon nga ang nasa number 3 list ko.
“Yes, and why?”
“Sa august pagkatapos ng intramurals hike tayo.”
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.