Chapter 3

77 16 0
                                    

Pinagtitinginan kami ng mga kapwa namin mag-aaral dito sa loob ng Cafeteria, alam niyo na kasama namin ni Jeremiah ang bagong heartthrob "kuno" ng university, siyempre nakapalagid na naman sa amin ang mga inggeterang fangirls niya, pati mga ka-uri ni Jeremiah ay hindi nagpakabog sa pagsamba sa ka-guwapuhan ni Robi. Pero, itong si Jeremiah pansin ko lang parang hindi type si Robi siyempre loyal 'yan kay Jariz kahit hindi naman siya gusto.

“What else do you want to eat, Cery?” tanong sa akin ni Robi. Abala rin ito sa pagkain ng sandwich. Nandito kami sa canteen ngayon at sabay-sabay na kumakain ng snacks. Kumakain pala ang mga robot? Yes, kumakain sila pero hindi sila nakakaramdam ng gutom. Hindi ba wala silang pakiramdam? Tumatae rin kaya sila? Ay ewan.

“Busog na ang best friend ko.” sagot naman ni Jeremiah, abala rin ito sa pagbabalat ng paborito niyang saging. Magbabalat lang ng saging with feelings pa, iba rin mga style ni Jeremiah minsan.

“I'm not asking you, Jeremiah Carson.” ismid ni Robi, sinamaan pa nito ng tingin si Jeremiah.

“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” nagtatakang tanong ni Jeremiah. Patay! hindi ko nga pala naipapakilala si Jeremiah kay Robi.

“Sinabi ko sa kaniya kanina Jeremiah, 'di ba Robi?” pangungumbinsi ko rito.

Tumango lang si Robi, napahinga na muli ako ng normal.

“I'm Robi Evans nice meeting you, Jeremiah Carson.”

Nag-kamayan silang dalawa. Hindi ko alam kung paano na naman nagawa ni Dad ang ganito, nanloko na naman siya. Pineke niya ang lahat kay Robi para talagang magmukha siyang normal na tao.

“And, you are?” tanong ni Jeremiah na nakataas pa ang kilay. Ang guwapo ni Jeremiah kaya nga lang kasi bakla. Sayang lahi nito.

“Cery's best friend.” sagot naman ni Robi nginitian niya si Jeremiah pero nakataas kilay pa rin ito. Suplado ang mode bakla ko ngayon, ang bilis magpalit ng mood.

Ngumisi si Jeremiah. “Good, I thought you're her boyfriend.”

“I'm not, baka ikaw you're wishing to be her boyfriend.” Ngumisi rin si Robi sa kaniya.

Labanan ba ng ngisi ngayon?

“Ha? What are you saying I'm a gay.” giit ni Jeremiah.

“Okay, if you say so.” tugon ni Robi.

Wala na muling nagsalita sa kanila pareho, at hindi pa rin maalis ang ngisi ni Robi habang kumakain.

“Ihahatid na kita sa department ninyo, Cery.” boluntaryong wika ni Robi. Nakatayo na kaming tatlo ngayon at palabas na ng cafeteria.

“Can't you see, I'm here Robi? May kasabay na siya papunta ng department dahil classmate at the same time, best friends kami. Don't worry I'll take good care of Cery.”

“Looks like, you're a jealous boyfriend.” usal naman ni Robi.

Kailan ba titigil ang dalawang 'to? Medyo sumasakit na ulo ko sa kanilang dalawa.

“We're just best friends, and did you forgot it again? I just said a while ago that, I'm a gay.” Napahaplos na lang ng batok si Jeremiah.

Oo nga, nakakainis itong si Robi hindi ba klaro sa kaniya na bakla nga si Jeremiah hindi ba niya ito nahahalata oo natatanga lang siya? Pero, hindi rin kasi sabi ni Dad, intelligent of all intelligents nga kasi siya hindi ba?

“Oo nga kasi, Robi bakla 'yan hindi ka ba kumbinsido gusto mo bang sayawan ka niyan sa harapan mo at i-seduce?” Napatawa na lamang ako.

”Just take care of yourself Cery, magkita na lang tayo mamaya sa parking lot.” Tinapik nito ang balikat ko bago umalis. Nakaramdam na naman ako ng kuryente sa katawan ko.

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon