Chapter 6

52 8 0
                                    

Inhale.

Exhale.

Inhale.

Exhale.

“Nakakapagod!” atungal ko kay Robi. Kakatapos lang namin na mag-jogging dito sa subdivision inikot rin namin ang buong park, mabuti na lang pumayag muna siyang umupo kami dito sa may bench, para magpahinga saglit. “Ayaw ko na yata.”

Tumingin ito sa relo niya. “Relax, magpahinga ka muna ng three minutes and then sit and reach na tayo, tapos push up okay?”

“Ha? Papatayin mo ba talaga ako, Robi? Remind ko lang sa'yo, puyat ako kagabi dahil sa tambak na paperworks na sa monday na ang deadline, tapos isang mansanas lang ang kakainin ko mamaya, tapos isang pipino for lunch and then sa dinner kalabasa? This is absurd.” reklamo ko. Gusto ko na lang mag-walk out this time.

“Cery, I just want you to achieve your dream body. I want you to fullfill all those plans you've written on your bucket list.” tugon niya. I understand him, his reason to be particular, pero bakit three minutes lang kasi ang pahinga namin? Mabuti pa ang robot na ito hindi pinagpapawisan, ako tatlong bimpo na ang nagamit ko simula pa kanina.

“Naiintindihan kita, pero that's impossible lahat ng mga isinulat ko doon ay pawang trip ko lamang. I was just driven with insecurities that time when I wrote those.” I reasoned out. I was very insecure before, to the point na umiiyak ako gabi-gabi asking myself why I was just like this.

“Look into my eyes.” tinawag niya ako.

Humarap ako sa kaniya at tumingin sa mga mata niya, parang may kuryente na namang dumaloy sa katawan ko nang titigan ko ito.

“What can you see?” he asked.

Napatawa ako ng mahina. “Wala, mata ng robot.”

Ano naman kasing mayroon sa mata niya na hindi ko makita?

“Tssk, my eyes represents hope. Don't lose hope matutupad mo rin lahat ng mga nasa list mo.” pagpapalakas niya ng loob ko.

“I hope so, pero thank you ha? Wala ka bang preparation para sa upcoming pageant mo?” I looked at him as I drink my bottled water.

“I don't need preparation at all, ready naman ako anytime.” aniya, may halong pagmamayabang pa 'yong boses niya. May ipagmamayabang nga naman kasi.

“You're such an arrogant robot, mukhang matatalo mo si Xace pero, please naman magpatalo ka na crush ko 'yon e.” pamimilit ko sa kaniya hinawakan ko pa ang kaniyang braso. Para talagang braso ng tao, pinagloloko lang yata ako ni Dad, tao naman ang bawat parte niya.

”No! it's unfair, not because you have a crush on him does that mean I'm also obliged to follow everything you say.” tumaas pa ang sulok ng kilay nito.

“Okay.” Napairap na lang ako sa kaniya. Matigas talaga ang robot na 'to, hindi lang pisikal.

“Cery, manood ka pala sa basketball game ko sa intramurals okay?”

“What? sumali ka ng basketball team?”

“Yes, and they've already announced na sabay ang oras ng game ng soccer and basketball.”

“Soccer? si Xace ang ace team captain nila kaya, siya ang papanoorin ko.” ismid ko.

“So what? I'm the team captain of our team, too.”

“What? You dethroned Haris Civilla? the consistent team captain of the Engineering department?” Halos mahulog pa ako sa upuan ko sa sinabi niyang 'yon.

He just nodded.

“Okay, I'll try kahit naman hindi ako manonood, sure na ang panalo mo. You're a robot, an intelligent robot.”

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon