Chapter 8

57 7 1
                                    

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang puwersahan akong halikan ni Xace. Dapat sana magustuhan ko 'yon pero iba 'yong nararamdaman ko, parang nandidiri ako. It's already Friday sa Monday na ang pre-pageant, umiiwas na ako kay Xace binibilisan ko na rin ang paglalakad kapag napapadaan ako sa field, kung magkakasalubong man kami ay tinatakpan ko ng libro ang mukha ko.

“Cery, pumapayat ka yata?” tanong sa akin ni Jeremiah, habang umiinom ng probiotic drink, break time na kasi namin.

“Talaga? Ganiyan talaga kapag totoo sa sarili.” I gave her a fake smile kaya 'yong reaksyon ng mukha niya'y hindi maipinta parang nagugulumihinan lang ganoon.

“Sabi sa akin ni Xace, magkita raw kayo mamaya sa parking space.” aniya pa.

“Close na kayo? Wow!” pagpaparinig ko.

“Nag-chat siya sa akin kagabi nagmakaawa pa siya sa akin na sabihin sa'yo na pumunta ka sa parking lot mag-so-sorry daw siya sa'yo.”

Kahit plastik si Jeremiah ay kuwinento ko ang ginawang 'yon ni Xace, hindi nga siya makapaniwala. Sabi pa niya, sana ganoon din raw ang gawin sa kaniya ni Jariz. Tskk. Hindi na lang ako umalma dahil baka masabi ko pa sa kaniya lahat ng nalalaman ko.

“Okay.” matipid na sagot ko.

Kinakain ko na 'yong mansanas na inihatid kanina ni Robi sa room, sabi ko na huwag siyang pumunta rito kasi pagpi-piyestahan ako ng mga fangirls niya baka kalbuhin ako, pero makulit ang robot hindi daw puwede na suwayin ko ang nasa top dream/plan list ko.

“Hintayin mo muna ako dito, Jeremiah kukunin ko lang 'yong isang libro sa locker ko.” Tumayo na ako at nagpaalam.

Tumango na lang ang bakla kaya naglakad na ako papuntang locker, as usual nagsasalita na naman ang mga judgmental humans sa paligid nilalalit na naman ang pagiging baboy ko. Hindi ba nila napapansin na pumapayat na ako?

Nang mabuksan ko na ang locker ko ay tumambad sa akin ang isang red rose na fresh pick pa. May nakadikit rin na note dito kaya mabilisan kong binasa.

“Our professor gave us a task wherein, we will be putting a rose to the locker of the most beautiful woman we have known. So, I've put this on your locker. You're beautiful despite of your imperfections. Task for empowering women.”

-Robi

Nang mabasa ang note ay napangiti na lang ako. Si Robi lang naman ang nagsasabing maganda ako, bukod kay Dad. Pangalawang beses na ito, ano bang nakain ng robot na 'yon at ako pa ang napili? Ang dami niya kayang fans na pagpipilian ang gaganda at sexy pa nila. Sumandal muna ako sa locker ko at inamoy-amoy ang bulaklak. Para talaga akong tanga na nakangiti rito.

“Cery, right?”

Nabitawan ko ang rose sa sobrang gulat, tinignan ko ang babaeng tumawag sa akin na 'yon, mula ulo hanggang paa. Siya yung girlfriend ni Xace, si Stephanie.

“Yes, why?” tanong ko sa kaniya.
Napakaganda niya talaga.

“Sumunod ka sa akin.” utos niya, nagdalawang-isip pa ako kung susunod ba ako sa kaniya o hindi, pero sa huli sumunod rin ako.

Nagpunta kami sa may mini forest ng school at umupo sa isang bench.

“I'm sure kilala mo si Xace.” pagsasalita niya,  hinawi pa nito ang buhok niyang napunta sa kaniyang mukha. Wala akong ginawa kung hindi sambahin ang kagandahan niya, no doubt kung ba't siya nagustuhan ni Xace.

“Yes.”

“Wala ako sa posisyon para sabihin sa'yo ito, but I'm giving you a warning kung maaari huwag kang lalapit sa The Hottie.” napakaganda ng boses niya parang anghel. Akala ko talaga dati masungit siya.

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon