“See you next year, Dad.” saad ko. Hawak ko na ang coat niya at ilang sandali na lang ay iaabot ko na 'to sa kaniya. Nandito na kami sa airport at ngayon na ang balik niya sa California.
“I love you Cery, ma-mi-miss kita, Robi ingatan mo si Cery okay?” paalala ni Dad kay Robi. Paulit-ulit niya itong sinasabi kagabi pa.
Tumingin naman sa kaniya si Robi at saka ito sumaludo.
“I love you too, Dad.”
Kapag talaga dumarating 'yong ganitong mga sitwasyon na, nagiging emosyonal ako. Isang taon pa ang hihintayin ko bago, ulit siya makita.
“Mauuna na ako, anak.” tuluyan na niyang pamamaalam.
Sa huling pagkakataon ay nagyakapan kami, bago siya bumitaw ay hinalikan niya ako sa noo. Kahit palagi kaming nag-aasaran at naghahampasan ng Tatay ko sweet rin kaya kami.
Dad turned his back, habang naglalakad ito paalis ay kumakaway pa rin siya sa amin.“You'll be late for your first day, ihahatid na kita.” sabi ni Robi. Yes, he can speak different languages, but I guess he's more handsome for me, when he's speaking Filipino language.
“Let's go, best friend.” pag-sang-ayon ko naman.
Lumabas na kami ng airport at nagtungo sa parking lot, ang daming babae ang napapatitig sa kaniya at nahuhulog ang mga panga sa tuwing nakikita si Robi. Parang gusto na nga nila itong lantakin sa sobrang kagwapuhan at hot nito sa totoo lang, naka-shorts lang kasi siya ngayon pinarisan niya ito ng plain gray tee-shirt at pambahay na tsinelas idagdag mo pa ang pagsuot niya ng sunglass. Kung tao lang talaga siya na-in love na ako at nagpaka-fangirl e, kaso robot siya tao ako. Kabaliwan ang mahulog sa kaniya.“You're, drooling.” Nakangisi niyang sambit habang nakatitig sa akin.
“Mag-focus ka nga sa pagmamaneho, baka masagasaan tayo.” singhal ko sa kaniya. Nag-iinit kasi ang mukha ko ngayon habang tinititigan ang kabuuan ng mukha niya. Ano bang mayroon sa robot na ito na ultimo pag-ngisi niya'y nalalaglag ang panga ko? Guwapo nga kasi hindi ba?
Hindi na siya sumagot at nagpatuloy na sa pagmamaneho. Excited ako ngayon sa first day ko siyempre magkakaroon na naman ng malaking chance na makita ko si Xace, my ultimate crush sa loob ng campus. Sana mamaya sa first day mabunggo niya ako sa hallway tapos pupulutin niya 'yong mga libro kong nahulog at magkakadikit ang aming mga kamay, mahuhulog siya sa kagandahan ko, magiging kami, hahalikan niya ako, tapos after graduation engagement party na namin, kapag nagka-trabaho na kami pareho, magpapakasal kami mismo sa Paris, honeymoon sa Japan at pang-huli, magkaka-anak kami ng kahit tatlo na lang puwede na 'yon.
“Hey, stop imagining things that will never happen, stop thinking of Mr. Xace Collins, hindi magiging kayo.” ani Robi. Nagulat na naman ako, paano niya nalaman na iniisip ko si Xace? At bakit alam niya ang buong pangalan ni Xace?
“I'm a mind reader, so expect wala kang takas sa akin.”Oo nga pala nasabi na 'yon ni Dad.
Napatampal ako sa sarili kong noo. “Oo nga pala, kaya mong gawin 'yon.”“Yes, sa tuwing titignan ko ang mukha ng isang tao mababasa ko kung anong iniisip niya, at ang sunod niyang gagawin.” dagdag pa nito. Hindi na ako sumagot dahil napanganga na naman ako. Robi never failed to amuse and amaze me.
“You're drooling again, we're here, mahuhuli ka na, first day of class pa naman.” Napabuntong hininga ito. Naksssss! Ang bango ng hininga ng robot na 'to, in fairness.
Nagising ako at napahawak sa leeg ko dahil may tubig na tumulo doon, laway ko lang pala. Nakaparada na ang sasakyan sa tapat ng university, ilang minuto na rin siguro akong nakatulog, unan kong tinignan ang paligid sunod-sunod na ang mga pumapasok.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.