“So feeling mo guwapo ka na porke't nanalo ka kahapon?” tanong ko kay Robi, kanina pa ito nagyayabang sa akin. Kakatapos lang ng parade niya sa buong university, hindi magkamayaw sa pagsuporta ang mga fans niya na mas lalo pang dumami dahil sa pagkapanalo niya kahapon.
“Guwapo naman talaga ako ha? Kahit itanong mo pa kay Dad mo siya kaya ang gumawa sa akin kaya malamang guwapo ako.” Tumaas-taas pa 'yong sulok ng kilay niya, artificial lang pala 'yong kulay ng buhok na ginamit niya kahapon kaya nawala rin kaagad kanina, color black na ulit ang buhok niya.
“Che! Akala mo hindi ko malalaman na ikaw 'yong naglagay ng tarpaulin mo kahapon sa locker ko, nasaan 'yong tarpaulin na ipinagawa ko para kay Xace, akin na idi-display ko na lang sa kuwarto ko.” atungal ko.
“I already burned it.” he smirked.
Sa inis ko ay naihampas ko sa mukha niya ang hawak kong yellow balloon kaya pumutok kaagad 'yon.
“Saan mo gustong kumain sa japanese booth ba ng HRM Department?” tanong niya, habang sinusuklay ang kaniyang buhok. Napaka-guwapo niya lalo kapag natatamaan ng sikat ng araw.
Ginawa ko kasi siyang taga-hawak ng payong dahil kanina pa kami nag-iikot sa buong field. Ang daming mga booths. May mga food carts din. Makakalimutan ko na yata diet ko ngayon. 118 pounds to 115 pounds medyo slow progress pero puwede na. Ang goal ko kasi is maging 50 kilos.
“Doon na lang tayo, gutom na rin kasi ako.” atungal ko.
Habang naglalakad kami ni Robi at may biglang humawak pareho sa mga braso namin, at agad nila itong nilagyan ng posas, hindi na kami pareho nakapalag. Nang tignan ko sila'y naka-uniporme sila ng pang-pulis isang babae at isang lalaki.
“Saan niyo kami dadalhin?” singhal ko, nagpupumiglas pa ako pero itong si Robi panay lang ang tawa. Mind reader siya ibig sabihin alam niya 'yong susunod na mangyayari, may alam siya tungkol sa kasal? at bakit hindi niya sabihin sa akin ngayon ang mga susunod na mangyayari, para hindi ako nagmumukhang tanga kakasigaw.
“Inaaresto namin kayo sa salang PDA, doon na kayo sa headquarters namin magpaliwanag.” sabi ng babaeng pulis, na sinang-ayonan din ng kasama niyang lalaki. Anong PDA? Saan 'yong PDA doon, kawawa na kaya si Robi kanina pa dahil sa panghahampas ko, tapos PDA? Kumalma na lang ako, dahil alam ko namang hindi ako pababayaan ni Robi.
Tahimik lang kaming naglalakad, napasulyap ako kay Robi na nakangiti pa rin. Magtatanong sana ako pero umeksena 'yong lalaking pulis at sinabing, huwag muna raw akong magsalita mamaya na lang.
Hanggang sa makarating kami sa isang kulay red na booth na punong-puno ng palamuti na puso. Ang harapan din nito ay puno ng color red na roses. May red carpet din ito na nagkalat pa ang petals ng rosas sa lupa. Pumasok na lang ako kagaya ng utos ng dalawang pulis na 'to.
Tinanggal nila ang posas namin ni Robi nang makarating na kami sa loob. Madilim at walang tao. Umalis din ang dalawang pulis nang matanggal na nila ang posas namin.
“Robi, tumakbo na tayo.” Bulong ko.
“Just wait for their next move, okay?” Tinapik niya 'yong kamay ko, naamoy ko 'yong hininga niya, ang init at ang bango mabango rin pala ang hininga ng mga robot akala ko amoy baterya.
Nagtiwala na lang ako sa kaniya at hinintay ang sunod na gagawin ng dalawang pulis na 'yon. Bigla na lang sumindi ang ilaw at tumambad sa akin ang loob ng booth na puro, puso. Nakita ko rin ang malaking signage sa harapan ng parang stage nila, mas lalo akong kinabahan nang mapagtanto kung nasaan kami ngayon.
“Welcome to Love Headquarters or also known as Marriage booth.”
“Ano?” Bulyaw ko, tatakbo pa sana ako pero huli na, may nagsuot na ng white vail sa akin. Sinuotan rin si Robi ng coat may ipinahawak din sila sa akin na bouquet of red roses.
BINABASA MO ANG
Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)
RomanceIt was all started on her birthday five years ago, when her Dad, gave her not just a gift, not a typical gift that someone may receive on his/her birthday.