Chapter 9

56 7 0
                                    

Today is already the pageant, ang sabi ko kay Robi ay mauuna na siya dahil nga sa contestant siya at kailangan niya pang mag-ayos, dagdag ko pa'y mag-ta-taxi na lang ako. Ewan ko sa robot na 'yon kung anong talent mamaya ni hindi ko nga siya nakitang mag-practice e, hindi rin ako nag-aabalang puntahan siya tuwing gabi sa kaniyang kuwarto dahil nga sa luminiscence na dala ng katawan niya nagdudulot daw 'yon ng radiation sa katawan at maaaring mabulag ka, 'yon ang paalala sa akin ni Dad. Ayaw ko pang mabulag dahil hindi ko pa nahahanap ang aking true love.

Nagbihis na ako at as usual loose tee-shirt, jeans at doll shoes lang. Dadaanan ko pa 'yong tarpaulin na ipinagawa ko para kay Xace siyempre, bahala na si Robi sa buhay niya ano?

Nang makuha ko na ang tarpaulin ay dumiretso na ako sa room namin. Lahat sila ay nakasuot ng yellow tee-shirts ako lang ang naka-red. Nadatnan ko naman si Jeremiah na nanonood na naman ng porn. Ano pa bang aasahan mo sa avid fan ng japanese porn at sinungaling na bakla na ito? Parang gusto ko siyang hamunin ng sabunutan anytime tignan ko lang kung sinong isusugod sa emergency ng hospital.

“Good morning Cery, ba't ka naka-red, yellow ang uniform ng 4th year.” sabi niya sa akin. Inilagay nito kaagad sa loob ng backpack niya ang kaniyang cellphone as if, nanakawin o hahablutin ko 'yon, sa four years naming magkaibigan never ko ngang nahawakan 'yan e. Parang may itinatago, yeah right may itinatago talaga siya.

“Wala ka na bang extra tee-shirt diyan na color yellow?” tanong ko sa kaniya at pabagsak na umupo sa upuan ko.

“As if, kasya sa'yo kung mayroon man” Umirap siya. Ang suplado ng sinungaling na ito.

“Sige, bibili muna ako sa mall hintayin mo na ako rito.”

“No, Cery ipagda-drive na kita.” pag-bo-boluntaryo niya. Mabuti naman naisip mo 'yan.

“Sige, tayo na.”

Lumabas na kami ng room, pero sinabi ko munang samahan niya ako sa locker ilalagay ko lang itong tarpaulin. Grabe pa ang pang-aasar niya kaso raw obsessed na ako kay Xace, sabi ko naman na sobrang pangit ni Jariz niya, kaya ayon simangot siya habang naglalakad. Galing din niyang umarte, best actor talaga.

“Puwede na ba ito?” tanong ko sa kaniya, Itinaas ko 'yong damit na kulay yellow na may minion na design sa gilid.

“Oo puwede na 'yan, dalian mo nag-text na 'yong student council natin malapit na raw mag-start.”

Nag-atubili na akong tumakbo sa cashier.
Dumiretso na kami kaagad sa University, at habang nakasakay ay may naapakan ako sa flooring ng sasakyan niya na kung ano. Nang yumuko ako para tignan 'yon ay isa pa lang condom, may panty pa nga, hindi niya ako napansin dahil nakatutok siya sa pagmamaneho, unti-unti nang lumalabas ang katotohanan, Jeremiah malapit ko nang malaman ang katotohanan. Malapit ko nang buwagin ang pagkakaibigan natin, ang pekeng pagkakaibigan na akala ko'y totoo, after all these years.

Pumasok kami sa university, nagkalat na ang mga estudyante, marami na ring booths sa school ground. Dumaan muna kami sa locker ko para kunin 'yong tarpaulin, saka kami dumiretso sa gymnasium.

Napaka-ingay, ang daming mga tarpaulins at posters, kaniya-kaniya silang cheer sa mga pambato nila. Mabuti na lang at nagpa-reserved si Xace ng mauupuan naming dalawa ni Jeremiah at sa harap pa talaga. Bakit ba ganiyan ang ipinapakita mo Xace? Mas lalo tuloy akong nahuhulog.

“Good morning Ladies and Gentlemen! We're here for our annual celebration of Sciene and Math Fair, with the year search for Mr. Science and Math Fair. Hindi ko na papatagalin pa kindly give the handsome gentlemen, a round of applause for their production number.” anunsyo ng emcee.

Napuno ng pausok at confetti ang buong gymansium, nakakabingi ang sigawan. Isa-isa silang lumabas na naka-boxer shorts lang at walang damit. Ang mga abs nila ang sarap ulamin, panay naman ang sigaw ko rito at napatayo na ako nang lumabas si Xace na nakangiti at wet look pa. Halos magwala ako sa kakasigaw wala na akong pakialam kung halos kurutin na ni Jeremiah ang tagiliran ko hindi ko na 'yon nararamdaman at pinapansin.

Fallen For You (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon