Chapter 1 - The Spiky-Haired Guy

4.5K 96 3
                                    

Maang na napatingin si Marianne sa limang lalakeng biglang pumasok sa lobby ng college nila. Everybody seemed to do the same, too. First day of school niya sa unibersidad na 'yon. Marami ang natigilan sa biglaang pagpapakita ng limang nagga-gwapuhang kalalakihan, halos magkapareho lang ang taas ng mga ito. Maangas ang dating ng mga ito para sa kanya. Nariyang makita niya ang nakapamulsang lalake na naka-headset at tila oblivious sa mga pangyayaring sila mismo ang may dulot. Nakita rin niya ang dalawang lalake na nakayuko na tila walang pakialam sa tingin ng halos lahat ng mga taong nandoon. May isang pangiti-ngiti lang at kumakaway sa ibang mga 'chicks' na tila matagal na silang kakilala. At ang panghuli – na siyang kumuha ng atensiyon niya – ay ang lalakeng spiky ang buhok, kaakbay nito ang binatang kumakaway kani-kanina lang. May bitbit itong bag sa likod habang hawak-hawak nito ang isang cap. His looks seemed more boyish to her than manly. May suot-suot din itong kwintas na hugis-gitara ang pendant. His fingers were also almost full of black - colored rings. She could say that he's also fond of wearing street accessories because of the tiny earring on his right ear and the black and red ballers that he's wearing on his left hand. There's something about him that's so playful yet she could see a darker side of him – to which she didn't know how she figured it out.

Everybody, especially, the girls turned to their circle of friends and savoured the moment of seeing the five gorgeous guys walking through the lobby.

Natigilan ulit siya nang makitang palapit na sa kinaroroonan niya ang limang lalake. Nasa main entrance siya ng lobby kaya malamang ay doon mapapadaan ang limang lalake.

And when they reached her side, her eyes were fixed to the spiky-haired guy. She suddenly felt like the world's in slow motion. She didn't dare to blink a second. Just when she was about to turn down her eyes, the spiky-haired guy suddenly looked at her direction. He looked straight to her eyes. At nagtama ang kanilang mga mata!

Umawang ang bibig niya.

She just realized everything went back to normal when she saw them on the stairs leading to the second floor.

Goodness!

"Bakit parang tinamaan ako?!" anas niya sa sarili. His skin was not pale but he has a white and fair complexion. May pagkamestizuhin siya. Maganda rin ang korte ng mukha nito. His nose was evenly shaped to fit to the contour of his handsome face. And his brownish eyes were what really attracted her. His wavy eyelashes were just perfect for his round yet cute eyes.

Napakurap siya.

She was surprised to know na classmate niya pala ang lalakeng nagpatigil ng mundo niya. Because of that, she started to know 'him'. He's quite a playful guy na katulad ni Brye, kaya tila may pagkahilig din ito sa mga babae. He was known to be so charming and sweet to the girls, treating them almost the same. Kaya nga minsan nagkakagulo sa labas ng classroom nila dahil napapaaway ang ilan sa mga babae dahil lang kay Geoff. Masyado rin itong open sa mga nararamdaman nito lalo na kapag ang mga kaibigan na nito ang pinag-uusapan, unlike the rest of the P5nta Brothers.

He's someone who's also unreachable given that he became the university's basketball team's captain when he's only a Sophomore. She also know na ang pamilya nito ay siyang nagmamay-ari ng ilang malalaking hospitals sa bansa.

Ewan nga ba kung kahangalan ngunit nang mag-second year na sila, at nang naging Captain ito ng kanilang basketball team, ay palagi na niyang pinapanood ang mga practice games nito, NG WALANG PALYA. He didn't seem to notice, dahil sino ba naman ang makakapansin sa isang katulad niyang 'manang' kung tawagin ng ilang classmates niya? She's always wearing her eyeglasses sapagkat nasa dugo na raw talaga nila ang mga sira ang mga mata. Plus, her style is nothing but ordinary. Shirt and skirt na hanggang tuhod na minsan ay pinaparesan niya ng gladiator sandals – so not cool, or minsan ay nang chucks – also not cool. In short, she's just a nobody of the class 3A-BA. Malihim at hindi masyadong nagsasalita – 'yon ang akala nila. Masayahin naman siyang tao. Kaya nga lang, hindi niya mapigilan ang sariling manahimik sapagkat nahihiya siya kay Geoff. She didn't want him to notice her dahil baka mapahiya lang siya. Nagsasalita nga lang siya kung reporting na o kung hindi naman kaya ay pinapa-explain ng propesor nila ang ilang leksyon sa klase.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon