Epilogue - DON'T MISS BOOK 4 Please READ!

3.6K 66 14
                                    

"I received a letter, which is actually for you, saying na kapag hindi raw magpapakita si Cloud, may mapapahamak. Maybe they thought that I'm Cloud. At the back of that letter was Ayesha's clinic. Now, 'twas a threat, right? And I have to do something. Good thing we're twins..."

Trent sighed when he remembered those words from Geoff.

Lakad-takbo ang ginawa ni Marianne upang madatnan niya lang si Trent. Napag-alaman niya mula kay Geoff na sa araw ding 'yon lilipad na ang kambal nito patungong America.

"Hey!" tawag ni Geoff sa kanya. Sumama na rin ito. "Will you just relax!"

Kumunot ang noo ni Marianne. "How could you be so calm about this? Aalis na nga ang kambal mo, hindi mo pa hinatid."

Napakamot sa ulo si Geoff saka hinila ang nobya niya. "Sabi ko nga sa'yo, ayaw nga niyang magpahatid."

"Bakit naman?"

Natahimik si Geoff.

"Wag mo na 'kong ihatid. Siguradong sasama ang Marianne na 'yon. Baka... maisipan ko pang 'wag na lang tumuloy kapag nakita ko pa ang mukha ng tangang babaeng 'yon."

Nakarinig nalang si Geoff ng mahinang pitik sa mukha niya. Nakita niya ang mukha ni Marianne.

"Tch," Geoff said, annoyed. "Bakit ba kasi kailangan mo pa siyang makita? Mas gusto mo ba siya kesa sa 'kin?"

"May sinabi ba 'kong ganu'n?" saad naman ni Marianne.

"Aish."

Nagulat nalang si Geoff nang bigla nalang bumitaw si Marianne mula sa pagkakahawak niya at tumakbo palayo sa kaniya.

Nagpatuloy si Marianne sa pagtakbo kaya hindi na niya napansin ang isang taong nakatayo na nasa harap niya, kaya naman laking gulat niya nang makilala ito. Nagulat din ito nang makita siya.

"H-Hey," bati ni Prince sa kanya.

"Ah--"

"Ate Marianne!!" masiglang sigaw ng isang batang babaeng dagling lumapit kay Marianne.

Biglang ngumiti si Marianne. "Princess!"

Agad na lumuhod si Marianne saka sinalubong ang yakap ni Princess.

Napapalunok naman si Prince habang nakatingin lang kay Marianne.

"Bakit kayo nandito?" tanong ni Marianne.

"Hinatid namin si Mommy, saka si Kuya Prince po ang nagpresenta na maghatid nalang sa kanya," masiglang sagot naman ni Princess.

Tumaas ang kilay ni Marianne. "Talaga?"

Tumango ang bata. "Hmm!"

"O-Okay."

"Ate Marianne, kilala mo na si Kuya Prince, 'diba?" biglang tanong ni Princess.

Kapwa natigilan sina Marianne at Prince.

"Ah, Princess..." pigil ni Prince. "Halika na."

"Bakit? Ayaw mong makipagkilala kay Ate Marianne ulit?"

Umiling-iling na si Marianne. "Ah, hindi na, Princess..."

Biglang lumungkot ang mukha ni Princess saka lumapit kay Prince at niyakap ang tuhod nito. Naka-pout na ang mga labi nito.

"Kuya Prince," anang matinis na tinig ni Princess saka iniangat pa ang mukha upang tingnan sa mukha si Prince. "Magpakilala ka na sa kanya... keep her as your girlfriend na."

"HUH?" sabay na bulalas nina Marianne at Prince.

"Princess," tawag ni Marianne. Kebata-bata pa nito, may nalalaman na ito sa pagbo-boyfriend?! Anong henerasyon na ba sila ngayon?

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon