Chapter 15 - Ayesha's Part; Bait or Bet?

2.2K 52 0
                                    

"What... what the hell is going on here?!" galit na sigaw ni Geoff habang nakatingin sa kanyang teammates.

No one dared to answer him.

Nagngangalit ang mga pangang tiningnan niya ang mga gamit nila na nagkawatak-watak sa change room nila sa likod ng gymnasium. The room was a total mess. Napakadumi din ng pader ng room, sanhi iyon ng spray paint na may nakasulat na kung anu-ano sa pader. Pati ang ilang varsity jacket at uniform nila ay halatang pinunit-punit.

Panghuli niyang tiningnan ay ang walang emosyong mukha ni Brye na nakaupo at nakasandal lang sa harap ng sariling locker nito na sirang-sira na rin. From the looks of Brye, he seemed so pissed off.

Geoff clenched his fists. Nilapitan niya si Brye.

"Brye," he called.

Brye smiled dryly. Nakikita ni Geoff na nagpipigil din ito sa galit.

"Dalawang araw nalang... TWO DAYS, Geoff. Two days, FINALS na..." malamig na saad ni Brye. "At ano nang nangyayari?"

Walang maapuhap na salita si Geoff sa nakikita kay Brye. Natigilan siya nang biglang may nilamukos na papel si Brye sa kaliwang kamay nito.

"What's that?"

Brye just sighed and gave the piece of paper to him.

Agad niya iyong inabot at binasa.

It reads: Here's for last night's fight. Send our regards to your twin.

The sender was unknown. Galit na nilamukos ulit iyon ni Geoff. Trent. May nakaaway na naman ito at ang napagbuntunan ng galit ng nakalaban nito ay sila na walang kamuwang-muwang dahil lang sa kapatid niya ang nagpatumba sa mga ito. He must've known this earlier.

Marahas siyang bumuntung-hininga at walang sabi-sabing nagmamadaling umalis sa lugar na 'yon.

"Sa'n ka na naman pupunta?" tanong ni Brye na ngayon ay nakatayo na.

Geoff clenched his fists once more. "He's gotta pay for this."

Natigilan ang ilan sa mga ka-team niya. Halatang wala itong mga naiintindihan.

Brye sighed. "Geoff--"

"Don't try to stop me, Brye," Geoff said in his dangerous voice. "That bastard's doing this to piss me."

"But--"

Napalunok si Brye. He saw Geoff's mad face, and it's enough for him to not even try to stop him. He's the Captain. What else?

Sinundan nalang niya ng tingin ang papalayong si Geoff.

"Tch," reklamo ni Trent habang nilalagyan ni Ayesha ng ointment ang namamaga niyang mukha.

"Wag kang magreklamo," inis naman na saad ni Ayesha. "Kasalanan mo 'yan. Kung sinabi mo pa 'to sa 'kin kagabi, it wouldn't swell like that."

Hindi na nagsalita pa si Trent. Hindi niya sana gustong lumapit kay Ayesha, ngunit talagang sumasakit na ang mukha at katawan niya mula pa kagabi matapos niyang bugbugin ang may sampung katao na bigla nalang siyang inatake mula sa kung saan. Ito ang unang pagkakataon na lumapit siya kay Ayesha mula nung bumalik siya galing America.

Umupo si Ayesha sa harap niya at matagal siyang tinitigan.

"What?" tanong ni Trent.

"'Tis been a long time since I treated you. Noon, palagi nalang kayong umuuwi ni Geoff na may pasa sa mga mukha. Ngayon, nag-iisa ka na lang," naiiling na saad ni Ayesha.

Trent didn't say a word.

"But, it doesn't mean na gusto kong dapat kayong dalawa talaga ni Geoff ang magkapasa. I still hate that side of you, Trent, that recklessness..." seryosong saad pa ni Ayesha.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon