Chapter 6 - Marianne: I'm Going to be a TUTOR!?

2.5K 54 2
                                    

Pagod na ipinatong ni Marianne ang ulo niya sa mesa na nasa kwarto niya. Until now, she felt like everything is surreal. Nakasama lang naman niya si Geoff ng halos apat na oras! Paulit-ulit niyang binabalik-balikan ang mga panahong nahahawakan siya ng lalake. It really felt good. She sighed. She also remembered his annoyed face which makes him more cute.

Malungkot siyang tumayo. But still, marami na palang babae ang dinala ni Geoff roon. And she's sure, hindi basta-basta ang mga ito.

She also remembered that she felt like she almost fainted when she heard Edna saying: "Pastime lang talaga ni Sir Geoff ang magdala ng babae dito. Kaya, it's no big deal. Huwag ka nang mag-alala."

She sighed again. Wala nga naman siyang panama kung ikompara siya sa mga babaeng karapat-dapat para dito.

Napukaw siya sa pagmumuni-muni nang biglang nag-alarm ang cellphone niya. It's already 6:30 pm.

Kailangan na niyang magbihis. Napatingin siya sa suot niyang damit. She smiled. She remembered how flustered Geoff was when he found out na iyon lang ang napili niyang bilhin. Eh, iyon ang pinakamura sa lahat ng nakita niya. May discount pa.

Ini-off na niya ang alarm. Natigilan siya nang makita ang wallpaper ng cellphone niya. It's her and Jackie doing the peace sign. Pansin din ang sapilitang pagngiti ni Jackie sa picture.

Until now, she's still worried about her. Palagi niya itong tini-text dahil baka matanggap nito at nang ma-replyan na siya nito. She didn't know that her tears were slowly falling. She suddenly missed her. If only she could do something. Pero, wala nga siyang alam kung saan ito dinala.

Malungkot siyang tumayo. She then reached for another clothes. It's time to work.

Tahimik na pinupunasan ni Marianne ang table sa isang restaurant. Waitress ang trabaho niya. Isang linggo na rin siya dito. Maganda nga kasi tumatanggap ang may-ari ng restaurant ng mga college students. Night-shift siya. From 7-11 pm. Maganda rin ang sweldo niya kahit mas mababa sa dating pinagtrabahohan niya, but atleast, hindi ilegal. She also informed her mom about her work, at kahit ayaw nito, ay wala na itong magawa at pinayagan nalang siya.

She sighed heavily. She also continued to blink her eyes now and then. Sumasakit ang ulo niya. Mabuti nalang sembreak na nila kaya hindi siya nag-aalalang ma-late kinaumagahan makapasok lang sa school.

Inayos niya ng konti ang apron niya at nagpatuloy na sa paglinis sa table na katatapos lang gamitin ng isang customer. Napatingin siya sa wristwatch niya. 10:32 pm. Medyo nag-dim na ang lights ng restaurant nila. Ganoon du'n 'pag sasapit na ang 9:00 pm sapagkat may banda na siyang tutugtog for that night. That's what she likes about that restaurant.

Napatingin siya sa paligid. Kokonti nalang ang mga tao. AT sa mga oras na 'yon, puro mga grupo ng kabataan ang nakikita niya.

For a second, everything went black. Wala siyang makita. Nag-brown-out ba? Agad siyang kinabahan.It's her eyes.

NO. Not now. Not here.

She closed her eyes for a minute and opened it. Much better. Medyo green nga lang ang nakikita niya, but at least meron na siyang nakikita.

She tried to walk. Medyo kabisado na rin naman niya ang restaurant. She wanted to go to the counter. May nag-order kasi ng tubig.

"Water, please," ani Marianne habang nakahawak sa kaliwang mata.

"Yes, water. Here," masiglang saad ni Berniece saka inabot kay Marianne ang isang maliit na plato na may tubig. Ito ang cashier/waitress ng restaurant.

Kumunot ang noo ni Berniece nang makita si Marianne.

"Okay ka lang, Mari?" nag-aalalang tanong ni Berniece saka agad na lumapit kay Marianne. Nasanay na siyang tawagin nito ng Mari.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon