Chapter 8 - The dela Torre Brothers

2.5K 54 1
                                    

Dahan-dahang ipinihit ni Marianne ang doorknob ng kwartong katabi lang ng kay Finn. Nakiramdam muna siya baka kasi pinagloloko na naman siya ng Finn na iyon.

She sighed for relief. Mukhang wala namang tao. Agad siyang tumungo sa CR.

And when she opened it...

Natigilan siya. She cleared her throat.

Isang nakatalikod na lalakeng nakatapis lang ng tuwalya habang nagsisipilyo ang tumambad sa harapan niya!

Marahil ay dahil sa gulat kaya lumingon ito sa direksyon niya. Nagulat din ito nang makita siya.

Mas lalong nagitla si Marianne nang makilala ito. Napalunok siya ulit nang makita ang half-naked nitong katawan. Gosh! Hindi nga siya nagkakamali na maganda talaga ang pangangatawan nito! Nakita niya rin ang palagi nitong suot na guitar-shaped pendant nitong kwintas at ang earrings nitong silver na fractal-shaped na nasa kaliwang tenga nito. Napakunot-noo siya.

"Geo--!" aniya ngunit napahinto ulit siya.

Biglang bumukas ang pinto.

Awtomatikong napalingon doon si Marianne. Umawang ang bibig niya dahil sa matinding pagkagulat. She must be really dreaming! Pumikit muna siya. Ngunit nang iminulat niya ang mga mata'y nandu'n pa rin siya sa kwartong 'yon.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa lalakeng kakapasok lang ng kwarto at sa lalakeng kakalabas lang din sa CR. Napakunot-noo siya.

"Geoff?" tanong ni Marianne sa pumasok na lalake. Nilingon niya rin ang lalakeng galing sa CR. "At... Geoff?"

There are two Geoffs!?

Maang na napatingin si Geoff kay Marianne at sa lalakeng kakalabas lang ng CR.

"W-What are you doing here? A-And..." naguguluhang tanong ni Marianne habang palipat-lipat ng tingin sa dalawang lalake.

Kumunot ang noo ni Geoff.

"What am I doing here? This is my house," Geoff answered. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit nandito sa pamamahay nila ang babae. Dumako naman ang tingin niya sa lalake.

"T-Teka..." Naguguluhan na talaga si Marianne. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawang lalake.

Narinig nalang niyang may bumuntung-hininga.

"I'm Trent. Geoff's identical twin."



Katahimikan.

Geoff has a twin?! Marianne couldn't still believe this new knowledge about Geoff that she just heard!

Nang makita niya si Ma'am Catareen, she felt like she had seen her somewhere. It turns out, ito pala ang ina ni Geoff sapagkat magkamukha talaga ang mga ito. How could she be so stupid? Pati na ang tatak na seal sa bag ng ginang. DT & Co. General Hospital. It's the hospital owned by Geoff's family, and lived by the name of the CEO, Dr. Thomas dela Torre! Bakit hindi niya agad na-gets na asawa pala nito si Ma'am Catareen at doctor din ang ginang?

"Stupid. Stupid. Stupid," she repeatedly told herself saka tinampal ang noo niya.

Napakunot-noo ang dalawang binata sa ginawa ni Marianne.

Natigilan si Marianne nang bigla nalang siyang hilahin ni Trent at inilapit ang mukha niya sa mukha nito. He smiled as if teasing her.

"And what's a pretty young lady doing here in my room?" he asked in a husky voice.

Napakuyom sa palad si Geoff at agad na hinila rin si Marianne patungo sa kanya.

"I should be the one asking you that," galit na saad ni Geoff na nakatingin na kay Trent. "This is my room. Mabuti naman at nagpakita ka na."

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon