Chapter 5 - A Shopping at Oasiss; An Encounter

2.7K 64 2
                                    

It's been almost a week. Mag-isang kumakain si Marianne sa cafeteria. At times like this, she could recall their animated and long talk with Jackie. Hanggang ngayon wala pa rin siyang alam sa kalagayan ng kaibigan niya. Nag-aalala na talaga siya. Hindi rin ito naka-take ng final exam nila. Bukas na magsisimula ang sembreak nila.

And for some reason, Clint, who's not really fond of skipping classes was nowhere to be found – to everyody's surprise. Tanging nakikita niya ay ang apat lang nitong mga kaibigan na tila masigla pa rin gaya ng dati. And she knew, they were hiding something.

Bigla siyang napaisip, if she's right, what Geoff told her must be true. She sighed heavily.

Maya-maya, bigla siyang natigilan. She suddenly shuddered. Pa'panong hindi? Biglang may ibinuhos na malamig na tubig sa ulo niya. Wala sa sariling napatingin siya sa basam-basa niyang damit. What in the world...?

She looked in front. She blinked her eyes again. Everything was blurred that's why she has to blink to make sure what she was seeing. Umawang ang bibig niya.

Si Leila! At kasama nito ang apat pa nitong mga kaibigan.

"Bakit nakatanga ka d'yan?" taas ang kilay na tanong ni Leila.

Napatayo si Marianne dahil sa inis.

"Bakit mo--!"

Bigla siyang itinulak ni Leila pabalik sa upuan niya. Umupo ito sa table niya at yumuko upang harapin ang mukha niya.

"Nasa'n na 'yong tomboy mong kaibigan?" nakatawang saad ni Leila.

"She's not here," mahinang saad ni Marianne. Her eyes suddenly became so itchy. She blinked again.

"Oh? So, wala kang kakampi sa ngayon?" sabat naman ni Hyacinth na kasama rin ni Leila.

Hindi sumagot si Marianne.

"HEY!" inis na tawag ni Leila. "Magsalita ka!"

Napayuko si Marianne. Dahil sa inis ay biglang tumayo si Leila. Nagulat si Marianne. Leila drew her face closer to her.

"Sa'n na ba ang contact lenses mo?" Leila asked as if mocking her. "Or shall I say, wala na ba 'yong sponsor mo?"

Bigla itong hinarap ni Marianne.

"It's not--!"

"Oh, really?!" biglang nilakasan ni Leila ang boses nito kaya naman napalingon ang ilang mga estudyante dito.

May ilang tila nakikisimpatiya kay Marianne ngunit hindi magawang lumaban sapagkat takot kay Leila.

Napangiti si Leila.

"Did I hear it, right?" ani Leila na nilakasan pa ang boses. "Scholar ka pala?! OHH! I thought kasi, 'yong mga taga 3A-BA ay para sa mayayaman!"

Napakunot-noo ang ilang mga estudyante.

Marianne clenched her fists.

"STOP it," said Marianne in a very low voice. "Please."

"Or it must be... that you were sponsored by someone really rich, that's why nakuha mo pa ring suportahan ang sarili mo sa unibersidad na ito! Or... nakita mo na ang hinahanap mo sa BAR!"

Mulagat na napatingin si Marianne dito. How did she...!

"I really need to have a job," biglang saad ni Marianne.

Gulat na napalingon sa kanya ang tatlo.

"H-Huh? Ga-gradweyt ka pa. Pagkatapos na nu'n, ano?" tugon naman ni Lara.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon