Chapter 11 - Marianne's Doubts; The Emperors

459 20 0
                                    

Hindi mapakali si Marianne. Ngayon ay papasok na siya sa kanilang classroom.

Hindi niya malimot-limot ang ginawang pagyakap sa kanya ni Geoff kagabi! Aminin man niya o hindi, hindi siya nakatulog kagabi. Kaya upang malimutan niya ang lahat, ibinabad niya ang sarili sa pagbabasa ng mga librong pwede niya pang ituro kay Finn. She stayed up until 4am.

After what happened, bigla nalang niyang itinulak si Geoff at dagling lumisan sa lugar na 'yon. That was a rather rude response from her, ngunit wala siyang ibang maisip. It felt good, yes, but it made her confused all the more. Bakit iyon ginawa ni Geoff? BAKIT? It keeps on running through her head and it's making her insane!

Kinuha niya ang eyeglasses niya at hinilot ang ilong at noo niya. Sumasakit nga ang mata niya dahil sa kakabasa.

"Hey," anas ng isang boses sa likod niya.

Gulat na napalingon siya dito. It was Geoff.

Agad niyang isinuot ang eyeglasses niya.

Hindi niya alam kung anong gagawin kaya yumuko nalang siya at nagpatuloy sa pagpasok sa kanilang classroom. Agad siyang dumiretso sa upuan niya. Wala sa sariling napatingin siya kay Geoff. Nagulat siya nang makitang nakatingin lang din pala ito sa kanya habang lumalakad rin patungo sa upuan nito. Agad niyang binawi ang tingin dito saka ibinaling sa iba ang tingin.

"You have to stop yourself, Marianne. Don't expect anything. Remember what Edna said? Pastime niya lang ang mga babae. You maybe are one of them."

She sighed heavily.

Maya-maya ay pumasok na ang propesor nila.



Natapos na rin ang klase nila. Sabay silang tumayo ni Jackie.

"Marianne," tawag ni Jackie.

"Hmm?"

Nakita niya si Geoff sa likod ni Jackie na nakatingin sa kanya. Iniwasan niya agad ang titig nito.

"She's about to say na sabay daw kayong kumain," biglang sabat ni Geoff na ikinagulat ni Marianne. "Of course, with us."

Kahit nagulat man ay nakangiting tumango si Jackie saka lumapit pa sa kanya at bumulong: "Aren't you lucky?"

Napalunok si Marianne.



Napakatahimik ni Marianne habang kumakain sila sa cafeteria. Kasama niya sina Jackie, Clint, Brye at Geoff. Hindi na sumabay sina Raffy at Osmond sapagkat may gagawin pa raw ang mga ito.

She really tried her best not to make any eye contacts with Geoff but she always failed. There were times when she just caught herself looking at Geoff kahit hindi ito nakatingin sa kanya. Ngunit minsan ay nahuhuli din siya ni Geoff at agad niyang binabawi ang tingin mula dito.

"Marianne? Hindi mo 'ata ginagalaw ang pagkain mo?" biglang sambit ni Jackie.

"H-Huh?" gulat na saad ni Marianne.

The three guys were now looking at her.

"Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ulit ni Jackie.

Marianne suddenly blushed. Mas lalong kumunot ang noo ni Jackie.

Biglang tumayo si Geoff. Nagulat silang lahat. Sinundan nila ng tingin ang binata.

Maya-maya ay bumalik itong may dalang isang kahong freshmilk. Nagulat si Marianne nang bigla nalang itong ihagis ni Geoff sa kanya.

Both Clint and Brye were surprised and looked at each other.

"If you don't want to eat, then at least drink that," kibit-balikat na saad ni Geoff.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon