Chapter 17 - The Last Basketball... Not Yet

2.5K 65 3
                                    

Marianne sighed. Pakiramdam niya, ayaw na niyang pumunta mamaya sa Valentine's Ball. After that incident at the basketball court a week ago, hindi na niya nakita si Geoff. He was really absent for a week!

She has many things to ask him. Like, bakit bigla itong nawala sa basketball game nito? Sabihin pang FINALS na 'yon. And those pictures na may mga mukha niya, what are those? Gustung-gusto na niyang malaman ang tungkol sa mga do'n. Pakiramdam niya may koneksyon ang mga litrato na 'yon sa biglaang pagkawala ni Geoff sa laro nito. And it's been bothering her ever since! Maging si Prince, hinid na rin nagpakita sa kanya.

Gangster din kaya ang isang 'yon?

Tiningnan niya ulit ang dress na susuotin niya mamaya. That was the same dress that she bought with Jackie sa Oasiss. Wala siyang ganang suotin 'yon. WALA NAMAN SIYANG PARTNER. And if it's not Geoff, she's not going to enjoy it.

She sighed heavily.

VALENTINE'S BALL. 6:00 pm.

Napakaingay sa loob ng gym. Ilang minuto ay magsisimula na ang program.

Nasa labas lang si Marianne. Wala siyang ganang pumasok. Hindi naman sana siya pupunta doon kaso bigla nalang nagpakita sa labas ng bahay nila si Jackie at binalaan siya na kapag hindi siya pupunta sa Ball ay hindi na rin ito pupunta.

"Aaaahhh," iritadong saad ni Marianne. Ngayon ay nasa lobby siya ng college nila. Medyo dim doon kaya wala ring makakapansin sa kanya.

She sighed again. Ngunit maya-maya ay natigilan siya nang bigla siyang may narinig na mga yabag patungo sa kanya. Tiningnan niya ang pinanggalingan ng mga yabag na 'yon.

"T-Teka..." narinig niyang sambit ng babae.

Pagkatapos noon ay nakita nalang niya ang isang lalake. Napalunok siya. No way!

For the first time, nakita niya rin itong pumunta ng Ball! And he's really attractive in his suit!

Una niyang nakita si Raffy at tila may kinakaladkad ito sa likod nito. Kumunot ulit ang noo niya nang makilala ang babae.

"This is...!"

Ang alam niya ang pangalan ng babae ay Sam. Ito 'yong palaging sumusunod kay Osmond. Ngunit...

Napatingin ulit siya kay Raffy na nakahawak pa rin sa babae.

What's going to happen inside? With what she is seeing right now, tila kasangkot ang P5nta Brothers.

Wala sa sariling tumayo na siya at sinundan sina Raffy.

Natigilan si Marianne nang makitang nakatayo sa labas sina Brye at Geoff habang nakatingin sa isang babae – si Sam. Kumunot ang noo niya. She really is certain na meron talagang mangyayari. With that, mabagal ang mga paang naglakad siya patungo sa loob ng gym.

Nang makapasok siya ay nagulat siya nang madatnang napakadilim sa loob. Mas lalong kumunot ang noo niya. Not until she heard the soft intro of a song, much more when the limelight focused on Sam! Napatingin siya sa stage. There's no one there because it's too dark.

Tumingin siya kay Sam. Napangiti siya. Ang swerte nito.

Nakinig nalang siya sa kanta at ninamnam iyon. Osmond's voice is still the best, she'll bet her skirts for that.

Maya-maya ay bigla nalang tumugtog ang drums, kasabay noon ang pag-ilaw sa buong gym. Everyone went nuts when they saw Osmond at the stage. Halos lahat ay sumabay na sa kanta ni Osmond. Napangiti ulit si Marianne. She felt good, lalo na ng bumagsak mula sa taas ang napakaraming mga confettis. Wala sa sariling sinalo niya ang iilan sa mga 'yon.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon