Chapter 12 - Trent's Heart and Cloud's Fists; Who's Prince?

2.5K 60 2
                                    

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Finn. Kanina pa rin napapalunok si Marianne dahil sa ginaw na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Just the knowledge of being with the three guys in the same room makes her more uncomfortable. Hindi rin siya masyadong gumagalaw sapagkat agad-agad na napapalingon ang tatlo sa kanya. So, she stayed there and looked at the walls.

Hindi rin siya masyadong lumilingon sa kanan niya sapagkat nandun si Tom at nakaupong tumititig lang sa kanya. That was rather awkward. It was as if Tom was about to say something but could not because his two brothers were also there.

"Hoy, Tom," biglang tawag ni Finn na taas ang kilay na nakatingin sa kapatid.

Sabay na napalingon sina Tom at Marianne kay Finn.

"Bakit nga pala bigla ka nalang sumulpot kanina dito sa kwarto ko?"

Natigilan si Tom at agad na binawi ang tingin mula sa kapatid. Napatingin din sa kanya si Trent.

Marianne cleared her throat. Come to think of it, bakit nga pala bigla-bigla nalang pumasok sa kwarto si Tom?

"Were you listening?" iritadong tanong na ni Finn.

Kumunot ang noo ni Tom.

"So?" mahinang tanong ni Tom. Nakayuko ito at tila nag-iisip na may naaalala.

Natigilan si Finn. Napailing naman si Trent.

Naguguluhang nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Marianne sa dalawang lalake.

Napakamot sa ulo si Finn saka ngumiti.

"Then, we're on," Finn said.

"Huh?" sabay na tanong nina Tom at Marianne. Natigilan sila at biglang nagtinginan. Agad din nilang binawi ang tingin sa isa't isa.

Lumapit si Tom kay Marianne.

"Anong nararamdaman mo?" malamig ang boses na tanong ni Tom. Napatayo na si Finn.

Natigilan si Marianne. Kinakausap siya ni Tom? Hanggang ngayon ay name-mesmerize pa rin siya sa presensya ni Tom and she couldn't help it.

"I-I felt fine. T-Thanks," she said.

Napaurong si Marianne sa kama nang walang anu-ano'y biglang dinampi ni Tom ang sariling palad sa noo niya. Marianne heard Tom's sigh. It was a sigh of relief, she guessed. Dinama niya rin ang sarili. Hindi naman siya mainit.

"You don't look fine to me," sambit naman ni Finn.

Kumunot muli ang noo ni Marianne. "I-I'm okay. A-Alam ko... kasi katawan ko 'to. It's not like you know how I feel."

Finn stopped and looked at Tom's direction. Then, he laughed. Nagtaka si Marianne. Ano bang nakakatawa du'n sa sinabi niya?

Napakamot sa ulo si Trent saka tumingin sa nalilitong pagmumukha ni Marianne.

"T-Teka," biglang saad ni Marianne saka tumingin sa wallclock ng kwarto. It's already 10:44pm.

"Hmm?" tanong ni Finn.

"P-Pwede na 'kong umuwi, 'di ba?"

Natahimik ang tatlong lalake.

"W-What's wrong?" tanong ni Marianne.

Biglang tumayo si Trent at lumakad na patungo sa pinto.

Tumikhim si Tom.

"You know that we are not allowed to drive a car alone, KUYA Trent," ani Finn na may halong pagdidiin.

Tom nodded and crossed his arms over his chest. Tumigil sa paglalakad si Trent saka iritadong tumingin kay Finn.

"And your point is?" Trent asked.

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon