Chapter 7 - Finn, the KSP

2.1K 49 3
                                    

Natapos na rin ang sembreak nila. Nasa cafeteria na naman sina Marianne at Jackie.

"I'm really happy na nandito ka na, Lady Eliza Charlotte, este, Jackie pala," masayang saad ni Marianne.

"Marianne," sita ni Jackie.

"Oops! I'm sorry! Naman kasi, hanggang ngayon, I just can't get over with the fact that you are a Salviejo!"

Umiling si Jackie.

"Hindi ka yata kinwestiyon ng mga Prof natin, ha? Kung bakit napakatagal mong nawala."

Honestly, Jackie didn't also know. May ginawa na naman siguro ang Lolo niya.

"But, whatever, ang importante, nandito ka na..." nakangiting saad ni Marianne saka niyakap si Jackie.

"Jackie!" sigaw ng isang boses.

Napalingon halos lahat ng mga estudyante sa limang lalake. Lumapit sa kanila sina Clint. Umupo si Clint sa harap ni Jackie, habang si Geoff ay tumabi kay Marianne. Nagblush si Marianne. Napangiti si Jackie saka umiling. Tumabi naman kay Jackie sina Brye at Raffy habang nakatayo lang si Osmond. Gaya ng dati, naka-headphone ulit ito.

Hindi mapakali si Marianne lalo na ngayong magkatabi silang nakaupo ni Geoff.

"Kumusta ka na, Ramos?" tanong ni Brye. "Antagal mong nawala, ah."

"I'm...I'm fine," nakangiting sagot ni Jackie.

"Kakambal mo nga siguro ang mga aksidente at kamalasan, noh?" biglang saad ni Brye.

"Huh?" si Jackie.

Umiling si Brye saka ginulo ang buhok niya.

"Pero, andito naman ako kaya...hindi ka na mapapahamak," ani Brye na tumawa agad.

"OA nito," ani Jackie. Somehow, she felt comfortable. Napatingin lang siya kay Clint. Nasa ibang direksyon ang mga mata nito.

Biglang tumunog ang bell. Sabay silang nagsipagtayuan at pumunta na patungo sa kanilang classroom.



Nauna nang lumabas ang apat sa P5nta Brothers maliban kay Geoff. Nakita niyang biglang natigilan si Jackie at nakatingin sa isang direksyon.

"Jackie?" tanong ni Marianne saka tumingin din sa direksyon ng tinitingnan ni Jackie.

Marianne cleared her throat. "T-Tara na, Jackie."

Tumingin sa kanya si Jackie saka bahagyang ngumiti. "I realized I needed to do something as I start this new sem."

"W-What?!" nahihintakutang bulalas ni Marianne.

Iniwan siya ni Jackie saka lumakad patungo sa direksyon nina Leila. Nakita niya ang biglaang paghablot ni Jackie sa isang baso ng tubig na nasa isang mesa.

"Hey!" reklamo ng isang estudyante na nagmamay-ari ng tubig.

Tumaas ang kilay ni Marianne nang makitang tumayo si Leila at mga kaibigan nito. Leila crossed her arms over her chest then smiled sarcastically towards Jackie.

"Oh? You're here? What a nice surprise!" maarteng sambit ni Leila saka mahinang tumawa.

Tumango lang si Jackie saka lumapit pa ng konti kay Leila.

"Yeah, what a nice surprise!" sarkastikong saad ni Jackie.

With that, Jackie suddenly tossed the glass's contents towards Leila's clothes! Almost half of the glass spilled towards Leila!

PENTA BROTHERS SERIES III - The Last Basketball (GEOFF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon