Nakatulala ako habang nakatitig sa mga natapos kong design ng damit. Simula na naman ng pagshiship nito at simula na naman ng sangkatutak na orders pag natapos.
"Jusko,kaya mo pa ba Peach." nakayukong untag ko sa sarili. Sobrang sipag ko this past few days,hindi naman ako naghihirap or what nasa magandang University ako pinagaaral,pangmayaman yung course ko pero heto ako nagaasikaso ng sandamakmak na orders.
Well ano pa nga ba? Tumayo ako at gumawa ng kape dahil may tatapusin pa akong plates na alam kong matagal pa ang deadline.
Then my phone suddenly ring,nagtaka akong kinuha ito at nakitang si Erin ang tumatawag. "hello? Ano na naman ang chika mo?" pagkasagot ko ng tawag.
"grabe ka naman girl,chika agad?e kakamustahin lang naman kita kasi alam kong madami kang orders na inaasikaso ngayon." I heared Erin's chuckles.
"Eto buhay at humihinga pa naman,girl pwede bang favor? Kailangan ko ng tutulong sa akin magship mamaya e."
Napatingin ako sa orasan habang hinihintay ang sagot nya. "Anong klaseng tulong ba ang kailangan mo sis?"
Alas otso na pala ng umaga,inumaga na ako kakaasikaso ng mga orders at kulang pa ako sa tulog.
"Kailangan ko ng magbubuhat ng mga parcel para makapagship na ako,baka naman pwede si Clyde ngayon." Umupo na ako sa sofa para makapag pahinga saglit.
"Sige sabihan ko sya,sabay na kaming pupunta dyan mamaya,gusto mo ba tawagan ko si Clair? Alam kong matagal na tayong di nakapag bond." Pag sagot nya.
Nag agree na lang ako sa sinabi ni Erin kahit hindi ko naintindihan yung iba pa nyang sinabi. I'm so preoccupied,tired and stress.
Napagdesisyonan ko na lang na maligo at ayusin ang mga kalat na nasa working area ko,yes I've been independent since 1st year college, well 2nd year pa lang naman ako ngayon Architecture student and taking a specialization in Interior designing.
My parents our both into business but my Dad is an Engineer and my mom is a Fashion Tycoon that's why I'm also into designing,mapabahay man o sa fashion.
While I'm reading some inquiries from customers sa small business ko which is pag customize at paggawa ng mga damit,usual trend in Instagram small businesses.
May napansin ako sa message request ko sobrang dami na pala pero may isang nakapukaw ng atensyon ko at ang nakalagay don ay eto:
"May I know if you're available for shooting? I mean photo shoot,someone refers you to me. Freelance photographer ka daw kasi,si Kevin yung nagsabi sakin non."Nagtaka ako dahil matagal tagal na din akong di nakapag shoot siguro 3 months I guess,si Kevin talaga kahit kelan hindi manlang ako sinabihan na may ganito.
I texted Kevin to inform him that I already read his friend's dm.
Habang naghihintay ako sa pagdating nila Erin,inayos ko na ang mga orders na ishiship. Hindi na ako kumain dahil alam kong magaaya naman sila kumain later.
Someone knocked on the door,tumayo na ako para pagbuksan sila at nagulat ako dahil apat sila,si Erin,Clyde,Clair and Ruzell.
"Wow ha,gagawin nyo pa akong kawawa mamaya,kasama nyo pa talaga mga jowa nyo!" Naiinis ako kasi alam kong para akong third wheel mamaya.
"Ayaw mo pa kasi balikan si Bryle,kinukulit na nga kami non e." Sabay banat ni Clyde.
Hindi ko na lang sila pinansin at nag ayos na para makaalis.
"Shea,wag mo na lang pansinin si Clyde binibiro ka lang naman non,hayaan mo irereto kita don sa nakilala ko."
Bugaw talaga tong si Clair kahit kelan.
"Tara na nga,nagugutom na ako e." Pagrereklamo ko. Sumunod naman na sila sakin palabas ng condo.
Pagkalabas namin sa condo ay sumakay na kami sa van na dala ni Clyde,yeah yayamanin ang mga jowa ng kaibigan ko,ako lang naman tong napagiiwanan.
"Shea wag ka muna magpaorder next week ha."biglang sabi ni Erin.
"Bakit? Sayang mga orders non,on demand new products ko." Nagtaka naman ako,may balak na naman siguro tong dalawang babaita.
"Sige na,minsan lang kami magrequest sayo,tsaka masaya don,mageenjoy ka este tayo." Clair trying to convince me,well gusto ko din naman magenjoy.
"Ok fine,pero I really doubt about enjoying with you,bonding nga ba natin or baka bonding nyo magjojowa tapos ibubugaw nyo lang akong dalawa?"
Sabay silang tumawa at nagpaluan pa,jusko ewan ko ba bakit ako nagkaroon ng ganitong klaseng kaibigan.
Hindi na namin napansin na nasa tapat na kami ng mall. Tinulungan na ako magbuhat ng parcel nung mga kasama ko,naipadala na din namin at sa wakas makakakain na din ako.
"Girl,may ipapakilala daw sayo si Clyde next week at sya yung makakasama mo sa get together natin." Erin explaining it with her devilish smiling face.
Sabi ko na nga ba may balak talaga sila e.
"I knew it,fine kung talagang gusto nyo ako ibugaw siguraduhin nyong hindi ko masasapak yung ipapakilala nyo."
Pagbabanta ko,dahil last time na may pinakilala sila sakin,aba ayon nakatikim ng sampal dahil hahalikan agad ako.
"Kaming bahala sayo,magtiwala ka lang,this time magkakajowa ka na." Ang yabang talaga netong si Clyde,pag talaga pumalpak yon ipapabugbog ko sya kay Erin.
Nakahanap na kami ng kakainan at habang hinihintay namin yung inorder,binuksan ko ang phone ko para magreply sa nagtatanong sakin kung papayag ba akong magshoot.
Why not? Tagal na din e,namiss ko na mainggit sa mga kupal I mean couple na kala mo hindi maghihiwalay.
Yeah,it's sounds bitter but I learned my lesson,ewan ko nga lang next week.
Pumayag na ako na magshoot buti na lang hindi next week and buti na lang hindi couple family portrait daw ang gagawin so game na ako.
"Busy ka na naman sa phone mo girl." Nasa tabi ko nga pala si Erin at sa tapat ko naman si Clair na nakikipag landian sa jowa nya.
"May client kasi,by the end of this month yung shoot." pag eexplain ko.
"Ay wow,raketera ka na ngayon? Ilan bang pamilya binubuhay mo? Daig mo pa may anak at asawa,may business na freelance photographer pa,ikaw na sis!" mahabang lintanya ng supportive kong kaibigan.
"Sayang naman kasi tsaka matagal na yung huling na shoot ako e."
"Oh sige,buhay mo naman yan basta wag mo pabayaan sarili mo." Si Erin na overprotective kuno sakin pero binubugaw din ako.
Pagdating ng pagkain nanahimik na kami,minsan nagtatawanan dahil sa mga chismis nila Clair na nasagap daw nila sa mga sources nilang puro naman ata fake news.
Natapos ang araw ko na sila ang kasama buti na lang at nagpaawat sila dahil pagod na ako. Nagpahatid na ako sa condo dahil gusto ko ng ihimlay ang katawang lupa sa kama ko.
I feel drained right now!
Pagkaopen ko ng condo ay naghalf bath,nagpajamas and then I lay down on my bed. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomanceThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...