After a few minutes ng paghihintay ko sa sagot ni Nicolo ay biglang may dumating.
A man that seems familiar with me, hindi ko alam kung kilala or nakita ko na ba sya or ilusyon ko lang ito.
Maliban kay Nico, sila Kev ang tumayo para salubungin ang lalaki.
Napatingin naman ako sa mga katabi ko.
"Si Wayne yan, pinsan ni Nico," Erin said.
Kaya naman pala mukhang pamilyar, Estrella din pala ang isang ito.
Well, naghuhumiyaw ang magandang genes nila.
Mala-adonis na feature, almost perfect, ang tanong maganda ba ugali?
Lumingon muli ako sa lalaki at napansin kong papunta na sila dito sa pwesto namin.
"Peachy, ikaw na lang kasi ako ang hindi nakakakilala sakanya, so this is Wayne Estrella," pagpapakilala ni Kevin sa lalaki.
Tumayo ako para makipagkilala.
"I know her, sya yung nirefer mo sa akin na photographer," Wayne said while looking at me.
So sya yon? Kaya naman pala familiar sya talaga, bukod sa pagiging Estrella nya.
"What a small world nga naman," I awkwardly smile.
Pero may napansin ako.
Tahimik si Nico na para bang ayaw nya ang awra ng pinsan nya dito.
Woah, I smell something issue here.
A rivalry? I think so.
Umupo na ako matapos nilang ipakilala sa akin si Wayne.
Based on my observation, may pagkakaparehas sila sa personality at features, Estrella genes, I guess.
"Since nandito naman si Wayne, baka pwedeng kayo na lang ang maging magpartner sa activities sa staycation na ito," Clair said.
Napatingin kaming lahat kay Clair, I think it's not a bad idea, tho I don't know also if it will be nice.
"No need, I can do it alone, kung ano man ang mga activities na gagawin ay kakayanin kong mag-isa, besides I'm immune being alone, you know what I mean," banat ko.
"Are you sure? Baka mamaya umiyak ka," pang-aasar ni Kevin.
Kupal talaga kahit kailan.
"Yeah, mas gusto ko pang makasama si Kobe kesa magkaroon ng partner," I smirked.
Pumayag na lang sila dahil wala din naman daw silang magagawa kung ayaw ko talaga ng partner.
"So, kayong magpinsan na lang ang partner," Clyde said.
"No way!/Wag na lang!" they said in unison.
Mukhang hindi sila magkasundo, halatang may issue or away between them.
Well, ayoko na mangialam dahil it's their business and I don't give a damn.
Natapos ang diskusyon namin na nagdecide sila na tatlo kaming magsosolo.
Umakyat na muna kami sa mga kwarto namin, dahil nag-aya sila na magrelax sa jacuzzi.
Sosyal no? Wala kasi kaming jacuzzi sa bahay namin sa Batangas, swimming pool lang.
Sa garden na lang daw kami maglalunch, tutal baka mag-enjoy kami.
Nagpalit lang ako ng maroon two piece bikini and a cover up.
Bumaba na ako dahil nauna na pala ang mga bruha, kaya pala ang tahimik na sa kwarto namin.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomanceThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...