"Can we talk? Please Shea." Yan ang laman ng message pag bukas ko.
Galing kay Bryle ang message,natulala ako pagkatapos kong basahin yon,bumalik lahat ng sakit na dinulot nya 4 months ago.
Flashback
"Sobrang plain nya bro,ayaw nya ng lagi syang hinahawakan,even hugs ayaw nya,walang thrill." I heard Bryle saying those words to his friend,while his friends laughing."Baka naman kasi hindi lang hug ang ginagawa mo bro kaya ayaw magpahawak." sabay tawa ng katabi nya.
Nasa isang resto ako ngayon kung saan nakikinig ako sa mga pinagsasabi ng kupal kong boyfriend.
Naging kami 2 months ago dahil kay Clyde,I like Bryle not just because of the influence of friends.
Kaso bigla syang nag iba nung almost 1 month na kami,yung parang sobrang touchy nya na then pag umayaw ako sa gusto nya e lalayasan at biglang hindi nya na ako papansin like ngayon.
Nilayasan nya ako kanina nung nasa café kami at nalamang kong nandito sya dahil nakita ko ang ig story ng friend nya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga narinig ko.
"Hindi ko naman talaga sya gusto,akala ko naman kasi sya yung tipo kong babae,sabi naman kasi ni Clyde,ok si Shea,e bro daig pa non si Maria Clara sa hinhin at pakipot." walang ganang sabi ni Bryle.
Nanghina ako sa mga sinabi nya,totoong mahinhin ako dahil na din siguro na first boyfriend ko sya natural na mahiya ako at maging ganon dahil first time ko maka experience nga ganong klaseng bagay.
Kahit alam kong nanghihina ako ay lumapit ako sa kinauupuan nila.
"I know that I'm not your type." panimula ko,nagulat silang lahat at napatingin sakin.
"B-babe? Why are you here?" pagiiba ng usapan ni Bryle.
"Bryle,wag mo na akong lokohin,kung hindi mo talaga ako gusto ay dapat una pa lang hindi mo na tinuloy kasi alam ko sa sarili ko na pilit mo lang akong ginugusto dahil sa sinabi ni Clyde sayo yon!" hindi ko na napigilang mapasigaw,sobrang sakit kasi.
Madami pang sakit akong naramdaman bago to,alam kong marami syang kinikitang ibang babae,nahuhuli ko sya pero never akong nagsalita,I even watched him flirting in front of me,pero never akong nagreklamo.
Sobrang masokista ko,yun ang sabi sakin ni Clair at Erin.
"Let me explain,kaya lang naman ako nagkakaganito dahil hindi mo magawa yung gusto ko." wow,just wow!
"Yung gusto mo? Bryle hindi ako katulad ng mga babaeng nahahawakan mo at hindi ako katulad ng mga babaeng naikama mo na." napaiyak na ako dahil hindi ko na mapigilan yung sakit na matagal kong tinago.
Tumakbo na ako palayo matapos kong sabihin yon,madami pa kong gustong sabihin sakanya pero ayaw ko naman maging eskandalosa,tama na yung kahihiyan ko kanina.
Naglakad na lang ako patungo sa waiting shed na nakita ko,tinext ko sila Erin at Clair na kailangan ko ng makakausap.
I even texted Kevin to fetch me,dahil hindi ko na kayamg magcommute.
While waiting to Kevin,nagring ang phone ko at nakita kong si Bryle ang tumatawag.
"Shea please let's talk." Bungad nya.
"We don't have to Bryle,tama na yung sakit buti nga makakalaya ka na,magagawa mo na yung mga gusto mo." tinatago ko yung paghikbi ko dahil ayokong isipin nyang ang hina ko.
"I'm sorry for being jerk,I'm really sorry." after nyang sinabi yon ay pinatay ko na ang tawag at nagtext na lang ako na break na kami.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na ngayon si Kevin,bigla nya akong hinila at niyakap.
Nagsimula na naman akong umiyak,kahit pala anong pigil ko ay lalo lang akong maiiyak.
"Shhh,Peachy hindi mo dapat iniiyakan ang gagong katulad nya,he's not worth it."
Hinigpitan ko na lang ang yakap dahil sobrang kailangan ko ito ngayon,sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil may mga taong alam ang halaga ko.
"Tara na,ang pangit mo umiyak,basa na yung damit ko sayo oh." nangasar pa talaga ang kumag.
Tumango at sumakay na sa kotse nya,nakatulog ako sa sobrang pagod sa kakaiyak.
"Peachy,nandito na tayo." Pagkalabit nya sa akin.
Agad naman akong nagising,hindi nya na ako hinatid sa mismong condo ko dahil kailangan ko daw ng pahinga,saka na lang daw nya ako pupuntahan pag alam nyang nakausap ko na ang girls. Agad din naman akong nakatulog.
Kinabukasan ay alam kong di ko pa din limot ang sakit na nangyare kahapon kaya nagdecide akong ayain ang girls na uminom dito sa condo.
Ilang saglit pa ay nakarating na sila,may dala silang maiinom at pulutan.
"Shea,alam naming hindi ka ok pero please lang ayaw naming mapagalitan nila Tito dahil magiging wasted ka." pag aalalang sabi ni Erin.
"Don't worry hindi ko naman papabayaan ang sarili ko dahil lang sa break up namin ni Bryle,magandang lesson nga to e,first relationship and first heart break." nakangiti ako sakanila pero alam kong di makatotohanan ang saya ko.
"Girl,umiyak ka na lang kesa maging peke yang saya na pinapakita mo." usal ni Clair na syang nagbubukas ng Soju.
Tatlo ang nakita kong soju,ibig sabihin ay tig iisa kami at meron din silang dalang bbq.
"Girls,sobrang plain ko ba? Masyado ba akong mahinhin? Pakipot?" gusto kong malaman kung ganon ba talaga ako.
"Plain? Oo siguro kasi naman Peach ang ganda mo tapos hindi naeenhance dahil hindi ka palaayos,mahinhin? Sobra,baka gusto mo namang itry maging wild,kahit minsan lang at pakipot? Hindi ka pakipot Shea,sadyang sa gago ka lang napunta." prankang sabi ni Clair.
Tama si Clair sa sinabi nyang di ako palaayos,kasi naman hindi talaga ako mahilig maglagay ng kung ano sa mukha ko pero ok ang sense of fashion ko,sa pagka mahinhin ko ay siguro talagang kailangan ko maging kalog sometimes.
"Uminom na lang tayo tapos makikinig kami sa rants mo." Inabutan ako ni Erin ng baso na may soju.
Habang umiinom kami ay kwinento ko na sakanila ang nangyare kahapon,ramdam ko yung galit nila kay Bryle pero sinabihan ko na lang sila na wag ng guluhin ang lalaking yon.
Kailangan ko syang kalimutan,yung sakit na dinulot nya sakin.
Umiyak lang ako ng umiyak dahil na din sa kalasingan,inaawat na nila ako dahil sa pagwawala ko.
"Bryle Torres! Isa kang gago! Sinayang mo si Shea Peach Ramos,pagsisisihan mo to." paglintanya ko bago pa ako makatulog.
End of flashback
Nagpunas ako ng luha ko bago pa man ako makita ni Kevin,malamang ay aasarin na naman ako neto.
Hindi ko nireplyan ang text na yon ni Bryle. Ayoko pa din syang makausap.
"Kevin,hindi ka pa ba uuwi?" ginigising ko na sya dahil alam kong marami pa sya gagawin.
"5 minutes pa!" Anak ng pating naman.
Niyugyog ko na sya para magising sya ng tuluyan,mapaguusapan na naman ako neto sa lobby bukas e,andami pa namang chismosang receptionist na nagkakacrush dito sa kupal na to.
"Gumising ka na kasi,may pasok na bukas! Andami ko pang gagawin,umuwi ka na lang kung matutulog ka." tumayo na sya ng sabihin ko yon.
"Yeah,oo na,text mo ko pag may problema ka ha,panget mo pa din umiyak."
Napatulala ako saglit ng sabihin nya yon,di ko na namalayan na nakaalis na sya.
Giatay! Nakita nya pala akong umiiyak.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomansaThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...