Nagising ako na nagriring ang phone,grabe pagod talaga ako kahapon and I really need to make bawi sa tulog.
Jusko! Naging conyo na ko dahil sa puyat at pagod. I've been staring on the ceiling for a minute,para lang maalala ko yung mga gagawin ko pa,siguro need ko muna ng pahinga.
Naalala ko na naman yung get together kuno namin next week,sana naman maging ok,magenjoy naman sana ako.
Nagpapasalamat talaga ako dahil hindi pa ganon kahectic yung sched sa school,papetiks petiks lang ako kahit alam kong malapit na mag Septempber.
Buti na lang nawalan ng pasok at nakapag asakiso pa ako ng mga orders.
Napabalikwas ako sa pagtunog ng door bell ng condo ko. Giatay! Sino kaya yon?
Bumangon na ako para tingnan kung sino ang lapastangan na nangistorbo sa pagmumuni muni ko.
Paglabas ko ng kwarto ay tinungo ko ang pinto,malaki ang condo ko may dalawang kwarto at yung isa don ay ang working place ko.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang isang nakangiting Kevin.
Kevin is 1 year older than me,he's my best friend,3rd year na sya ngayon and nagkakilala kami sa organization na sinalihan namin.
"Sabog ka pa ha." pagbungad nya.
"Pupunta ka lang dito para manggulo kumag! Ang aga aga pa."
Mapangasar talaga kahit kelan,kaya madalas napagkakamalan kaming magjowa kahit kinabibwisitan namin ang isa't isa.
"Dinalhan ka na nga ng kape,nagsusungit ka pa." Inabot nya sakin yung dala nyang kape,favorite ko!
"Kamsahamnida oppa!" Nagpacute pa ako para lang don.
Napatawa sya dahil sa ginawa ko,if I know pupunta lang naman sya dito para mangasar.
"Balita ko may get together daw kayo next week,at mukhang ibubugaw ka na naman nila."
Ang bilis nga naman ng balita,at talagang bugaw pa ang sinabi.
"Hoy! E ano naman kung ibubugaw ako? I will enjoy the date na lang no kesa naman magmukmok ako dito at magpakastress." pagtatanggol ko sa sarili.
Tawang tawa sya dahil sa sinabi ko,nyeta talaga tong lalaking to kahit kelan.
"Then enjoy little girl." He smirks.
Naupo sya sa sofa at aba binuksan pa ang tv na parang sya ang may ari ng condo.
"Anong kailangan mo? Bakit nandito ka?" pagtatanong ko sakanya.
"Nandito ako para sirain ang araw mo." pagtawa nya ng tunog demonyo.
Giatay naman talaga! Kahit kelan pang gulo lang to lagi.
"Kahit kelan lakas ng amats mo porke wala kang magawang matino sa buhay mo,guguluhin mo ko!" gigil na sabi ko.
Tuwang tuwa pa din sya kaya pinabayaan ko munang nasa sala sya at ako naman ay naligo na.
Pagbalik ko sa sala ay ayon ang kumag nakahilata na.
Binato ko sya ng libro,buti na lang sa balikat lang tumama.
"Aray! Hoy mapanakit ka na ngayon porket niloko ka!" habang sinasabi nya yon ay nakahawak sya sa balikat nyang natamaan ng binato ko.
"Che!" Yun lang ang nasabi ko dahil biglang bumalik sakin yung mga araw na umiiyak ako at sobrang wasted dahil sa isang kupal.
Sakit pa din pala,akala ko wala na.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomanceThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...