Monday. Ang daming plates na ipapasa ngayon at nalate pa ako,halos 10 minutes akong late buti na lang late din ang prof namin.
Ang tagal kong nagmuni muni kagabi kaya late ng nakatulog.
I don't even check my phone dahil sa pagmamadali.
Habang nagsasalita yung prof ko sa harap,ako eto sabaw na sabaw dahil hindi manlang ako nakapag breakfast or coffee.
Kinalabit ako ng classmate ko kasi dalawang beses na pala akong tinatawag ng prof namin.
Giatay! Feel nyo ko? Lutang na lutang jusko.
"Ms. Ramos,mukhang lumilipad ang isip mo sa kung saan,kanina pa kita tinatawag." saad ng aming prof.
Buti na lang mabait tong prof namin.
"I'm sorry prof." Napayuko ako pagtapos kong magsorry.
Nakakahiya,lutang na lutang ako.
Nilinaw lang din ng prof namin na wala kaming masyadong gagawin bukod sa ipasa ang mga plates na ngayon ang deadline dahil may mga prof na wala kaya half day kami ngayon at bukas.
Ang ganda naman ng week na to.
Plano kong di na pumasok bukas dahil wala din naman ang prof namin para bukas.
Matutulog na lang ako bukas at gagawa ng mga orders na pwede kong gawin.
I decided to call Erin 'cause I know that she's with Clair.
"Hello!" masaya ako dahil parang gusto kong mag-aya na uminom.
"Ang saya mo ha? Anong meron? May jowa ka na?" sagot ni Erin.
Mukhang jowa talaga to,porket may mga bf sila.
Mas excited pa sila na magka boyfriend ako.
"Baliw! Half day tayo di ba? Tara chill." I obviously get excited by this idea chilling with them.
"G! Sa bar tayo nila Ruzell." Yeah may bar sila Ruzell at mukhang hindi lang kami ang magchichill dahil baka puno ang bar na yon later.
"Ok! Sunduin nyo ko ni Clair ha." Ayoko magcommute.
"Maaga ka naming susunduin 7pm sharp,wag ka ng hihirit alam naming late ka kanina kaya baka makatulog ka mamaya." pagbabanta ni Clair.
Aba sya na pala kausap ko.
"Oo na! Pero teka paano nyo nalamang late ako? Late din kayo no?" I knew it,birds with same feather,flocks together.
"Nauna kami sayo no! Kaya nakita ka naming papasok pa lang." Pagtatanggol nila sa sarili.
"Ok fine,uuwi na ako para makapagpahinga ako,bye!" then I ended the call.
Pagkauwi ko ng condo ay agad kong hinanda ang isusuot ko para mamaya.
Napili kong magsuot ng white halter backless crop top,black leather skirt and a pair of black pumps.
Medyo nagupgrade ang fashion sense ko,simple turns into chic style.
After that I just cook and eat my lunch.
Ang tagal kong nakatunganga sa sofa ng naisipan kong buksan ang phone ko.
I've been single for almost 5 months.
Single and loving myself first,but I won't deny that sometimes I feel lonely.
While I'm scrolling through my phone,there's an unread message from my brother.
Nakalagay don na uuwi sya next month dahil may aasikasuhin sya sa Batangas.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomantizmThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...