Author's Note: This is Nicolo's Pov and flashback about the accident of Kobe's parents.
--------------------------------------------------------++Nicolo's POV
Nagulat ako sa tanong ni Shea kaya kinuha ko agad si Kobe sa kanya para ibalik sa kwarto nito."Tito, bakit po kinuha nyo agad ako kay ate? Gusto ko pa po syang makalaro," sabi nito habang nakanguso.
Ibinaba ko sya at saka inuluhod ko ang isa kong tuhod para mapantayan ko sya.
Hinawakan ko sya sa braso at tinitigan sya sa mga mata.
"Bakit ayaw mo na ba maging playmate si Tito?" umiling sya.
"Then play with me, let's play together," nakangiti kong sabi kaya agad nyang kinuha ang mga laruan nya at naglaro.
Habang nakikipaglaro hindi ko maiwasang titigan si Kobe na nakangiting naglalaro.
Matalino syang bata,mana sa pamilya namin.
Nakakahawa ang ngiti nya kaya di ko napigilan ang sarili kong mapangiti.
Pero napawi din ang ngiti ko ng maalala ko ang tanong ni Shea kanina.
Naiyuko ko ang ulo ko, dahilan para mapansin ako ni Kobe.
"Tito!" tawag nya sakin kaya nag-angat ako ng tingin dito saka pilit na ngumiti.
"Oh why?"
"Is there something wrong po ba Tito?" he worriedly asked.
"Nothing's wrong Kobe," pilit na nakangiting sabi ko.
"Are you sure Tito? You look sad po kase," paninigurado nya habang nakanguso.
"Yes baby, don't mind Tito, okay?" pilit na ngiti ko paring sabi saka ko ginulo buhok nya para hindi na sya magalala.
"Just continue playing with your new toys," tinitigan nya muna ako saka sya ngumiti at bumalik sa paglalaro.
'Sayang bro hindi mo na naabutan ng ganito si Kobe' sabi ko gamit ang isip ko.
Napakaswerte ng mga parents nya kasi sobrang bait ng anak nila dahil napalaki sya ng maayos ni Lola Fe.
Si Lola Fe ang halos nag-aruga, nag-alaga, at nagpalaki kay Kobe simula nung 1 year old palang sya hanggang ngayon kase wala ng ibang magaalaga kay Kobe kundi sya dahil wala na ang mga magulang ni Kobe.
His parents died because of an accident na nasaksihan ko.
Biglang nagflashback sakin lahat ng nangyari nung mga araw na yon. Nakakalungkot.
Flashback
May ginagawa ako ng biglang may tumawag sakin.
'Hazel' basa ko sa caller ID kaya agad ko itong sinagot.
"Oh? Hazel napatawag ka? How are you? Si Kael? Ang pogi kong pamangkin kamusta na?" sagot ko.
"Ah okay lang naman kami Nico. We're fine," mahahalata sa boses nya ang saya.
"Sorry ah masyado kasing busy kaya hindi ako makadaan sa inyo. Baka nga nagtatampo na dyan sa akin si Kobe eh," pag-aalala ko.
"No, It's fine. Naiintindihan naman namin."
"Thanks for understanding," nakangiti kong sabi. "Bakit ka nga pala napatawag?"
"Ahmm favor lang sana eh kaso mukhang busy ka," nagaalinlangan nyang tanong.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomanceThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...