Masyado naman akong naging abala sa pag-iisip kung bakit ganoon na lang ang sinabi ni Kevin sa akin.
As if naman magpapadala ako sa Nico na yon.
Oo gwapo sya, boyfriend material, mala-Bachelor ang dating at bakit ko ba sinasabi to? Hindi ko sya type!
Sa gitna ng pag-iisip ko ay nahagip ng mata ko si Wayne na nakatingin sa akin.
Napatingin din ako sakanya, napansin kong seryoso lang syang nakatingin.
Agad syang umiwas ng tingin at binalingan na lamang ang katabi nyang si Ruzell.
Anong problema sa akin ng magpinsan na to?
Sakto namang dumating na ang pagkain namin, kaya umahon muna ako para tulungan sila maghain.
Natanaw ko sa di kalayuan si Lola Fe at Kobe.
Agad ko naman silang nilapitan at binati.
"Kumain na po ba kayo Lola? Sabay na po kayo sa amin," paanyaya ko.
"Sige ija, kanina pa nga ako inaaya nyang si Kobe para pumunta dito, gusto ko daw nyang makita," sambit ni Lola.
Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Lola, kaya agad kong sinuot ang aking cover up at lumapit sa pwesto kung saan nakaupo si Kobe.
Umupo ako sa tabi nya, agad naman syang napangiti.
"Hi baby, are you hungry?" sambit ko.
Marahan lang syang tumango at bumaling sa pwesto kung nasaan ang jacuzzi.
Nauna na kasi ako na lumapit sakanila para tumulong, hindi ko na sila inaya dahil alam ko namang aahon din sila.
"Tito Nico!" he called Nico.
Agad namang umahon si Nico at Wayne, nagkatinginan pa sila bago bumaling kay Kobe na nakangiti.
Nagkibit balikat na lamang ako at bumaling sa mga pagkain na nakahanda.
Tinulungan ko muna ang mga kasambahay na mag-ayos ng mesa, saka ako umupo sa tabi ni Kobe at naghanda ng kumain.
"What do you want to eat baby?" baling ko kay Kobe.
"I want chicken nuggets and veggies," mahinang tugon nito.
Nilagyan ko na ng pagkain ang plato nya, nasa kabilang side nya naman si Lola Fe para lagyan sya ng bibs.
May sarili syang table sa high chair na inuupuan nya.
Napansin kong nagsi-upuan na din ang iba.
Napatingin ako kay Kev na ngayon ay parang manghang nakatingin sa akin.
Nagtaka naman ako kaya bigla akong nagtanong,"anong problema mo?"
"Ganyan ka pala maging nanay, Peachy," sabi nya.
Napataas naman ang isang kilay ko dahil sa sinabi nya, tho it's sounds great but it's kinda insult for me.
"Ang ganda ko namang nanay," pagyayabang ko.
Tumawa na lang sila at nagsimula na din kaming kumain.
Napagkwentuhan nila ang gagawing mga activities.
Natuwa ako dahil may pupuntahan daw kaming hot spring.
Malapit lang daw iyon sa bahay nila Lola Fe. Nakakatuwa dahil may mga ganoon pala dito.
"Babalik na lang ako dito pag natapos ko agad yung gagawin ko," sambit ni Kevin.
"Kahit wag na, mambibwisit ka lang naman," pambabara ko sakanya.
YOU ARE READING
Chase (ON-HOLD)
RomanceThis is a work of fiction. Kung may pamilyar na pangalan,lugar at kung ano pa ay walang kinalaman sa totoong pinanggalingan nito. This is my first ever story,so please support and bare with my writing skills. Enjoy reading! From your coffee freak au...