Chapter 5

30 7 0
                                    

Hindi masyadong malayo ang Divisoria sa school namin kaya saglit lang ang naging byahe.

Nakita kong malapit na kami sa Divisoria kaya inayos ko na ang gamit ko.

Iiwan ko na lang ang mismong bag ko dito sa kotse at wallet at phone lang ang dadalhin ko.

Ang hassle pag nakabag pa ako,madami pa namang tao.

Pagkapasok namin sa Divisoria ay naalala kong di pa kami kumakain at 1pm na din.

"Kev,kain muna tayo." alam kong parehas na kaming gutom.

Tumango sya at naghanap kami ng makakainan,nagdecide ako na sa japanese restaurant kami kumain.

Pagkapasok at pagkaupo sa table na napili namin ay nilapitan na agad kami ng waiter.

Umorder lang kami ng ramen at drinks. Hindi naman daw kasi gutom yung kasama kaya yon lang inorder nya.

"Madami ka bang bibilhin?" pagtatanong nya sa akin.

"Medyo,kailangan ko kasi magstock ng mga tela at sinulid." next week kasi hindi ako makakagawa ng order kaya magiistock na ako ng gamit.

After a minute,the food came. Kumain na kami para makapunta na kami sa pupuntahan namin.

While eating,I really don't expect na dito ko pa sya makikita. Grabe nga naman ang tadhana,napaka mapaglaro.

Sinipa ko si Kevin para mabigyan ko sya ng signal,ayoko magsalita dahil baka makaagaw ako ng atensyon dahil nasa malapit lang yung nakita ko.

"Bakit ka naninipa?!" Medyo napasigaw sya dahil siguro sa napalakas yung pagsipa ko sakanya.

"Si Bryle nandito." Pabulong kong sabi.

Buti na lang di kami masyadong pansin sa pwesto namin.

"E ano naman kung nandito sya?" chill lang sya habang ako gusto ko ng umalis.

Sinipa ko ulit sya ng papalapit na sa table namin si Bryle. At ang kupal prenteng nakaupo lang.

Yumuko ako na parang may hinahanap sa ilalim ng upuan ko.

Narinig kong kinausap ni Bryle si Kevin.

"Hey Kev! What's up? Who's with you?" Nagenglish pa kala mo naman bagay,pwe.

"My gf." Ano daw? Gf? Ang lakas ng amats ng lalaking to,buti na lang napigilan kong itaas ang ulo ko,kung hindi makikita pa ako ni Bryle.

"Talaga? Ano ginagawa nya dyan?" nagtaka siguro sya dahil nakayuko ako,anak ng kagaw naman kasi bakit ang tagal umalis.

"May inaayos lang sya,di ba love?" Love daw amp.

"Yes love,I'm just finding the ring that you gave me." napilitan akong sumagot kasi baka mahuli kami.

"Oh,sige bro,puntahan ko na yung mga kasama ko." Buti naman aalis na,nangangawit na ako dito e.

Naramdaman kong umalis na si Bryle kaya mabilis kong inangat ang ulo ko at nakita ko ang nakangising kupal na nasa harap ko.

"Love,nangawit ka ba kakahanap sa singsing mo?" pangaasar nya.

"Anong love?! Hoy kadiri ka! Pero salamat na din sa acting keme mo." Napainom ako ng tubig buti na lang tapos na sya kumain,tinapos ko na lang din ang pagkain ko kaya nagbill out na kami.

"Iiwasan mo na lang ba talaga si Bryle?" I suddenly stopped walking because of his question.

"Ikaw ba Kev,kung ikaw nasa katayuan ko hindi mo ba iiwasan yung taong nilait ka sa harap ng mga kaibigan nya?" mahirap naman talaga yon di ba? Hindi naman basta basta mawawala yung sakit e.

Chase (ON-HOLD)Where stories live. Discover now