Chapter 12

13 3 0
                                    

Sa pagsigaw ko nagsilabasan ang mga kasama ko sa room at ang iba pa sakanya kanya nilang kwarto.

Yung lalaking kaninang palapit sa akin ay takang nakatingin dahil na din sa pagsigaw ko.

Shit! Bakit ba kasi ako sumigaw?

"Hoy! Anong nangyare sayo?" tanong ni Erin.

Hindi ako umimik dahil nakita nila kung saan ako nakatingin.

Nakakahiya ka self! Anong nasa isip mo bakit ka sumigaw?!

"Nicolo!" pagtawag ni Clyde dun sa lalaki sa harapan namin.

N-nicolo? Yung Estrella na may ari ng bahay na ito?

Mukhang mapapalayas ako dito ah.

Binatukan ako ni Kevin dahil sa ginawa ko.

"Aray ha! Bakit kailangan mo ko batukan?!" pagreklamo ko.

"Iyang katangahan mo dinala mo pa hanggang dito sa Tagaytay. Bakit kailangan mo sumigaw?" bulyaw nya.

Aba!

"Hoy kupal! Napaka mo ha," nagwalk out ako pag kasabi ko noon.

Bumalik ulit ako sa kwarto namin ng hindi ko sila pinapansin.

Hindi na din ulit ako naglakas ng loob na tingnan yung Nicolo na yon.

Habang hiyang hiya ako sa ginawa ko ay tinawag na ako ni Clair,dahil mag-aalmusal na daw kami.

Sumunod na ako at bumaba para na din makakain na.

Pag kababa ko ay nakatingin lang ako kela Erin at Clair na panay ang ngisi sa akin.

Nakakainis!

Tumabi na lamang ako sa kabilang gilid ni Clair.

Hindi ko naman napansin na nasa tapat ko pala si Kevin. Inirapan ko sya dahil inis pa din ako sa kanya.

Tahimik lang kami na kumain at pagkatapos noon ay saka sila nag-ingay.

Nasa isang gilid lang ako,dun sa sofa na inupuan ko kanina nung pagdating namin.

8:30am na ng umaga pero hindi pa masyadong sikat ang araw.

"Peachy!" pagtawag sa akin ni Clyde.

"Bakit?" eto na naman sila sa pagtawag sa pangalan ko.

"Si Nicolo,sya yung partner mo sa staycation na to," pagpapaliwanag nya.

Anong partner? Meron ba non?

"Bakit kailangan may partner? Tsaka pwede namang si Kevin partner ko ha?" usal ko.

Ako at si Nicolo? It's a NO for me!

"Hindi daw magtatagal si Kevin dahil may kailangan syang asikasuhin," like seriously? Ngayon pa talaga Kev?

"Hanggang kailan sya dito? Tsaka tayo tayo lang ba talaga? I thought marami pang darating?" pag-uusisa ko.

"Tanungin mo na lang si Kevin,nandoon sya sa may pool," wow,may pool sila dito?

Pinuntahan ko na lang sa pool si Kevin,pero iba ang naabutan ko.

A dazzling hot body,4 pack abs,toned biceps,dripping wet hair and an oh-so-malaAdonis face.

Shit! He's so hot. Really hot.

Napakagat ako sa aking labi ng bigla syang lumingon sa akin.

Giatay! Kahihiyan na naman Peachy!

Chase (ON-HOLD)Where stories live. Discover now