Chapter 14

7 2 0
                                    

Author's note: Balik kay Shea ang point of view.

-----------------------------------------------------+++

Naisip kong hanapin si Lola Fe para magtanong dahil binalot ako ng curiosity.

Natagpuan ko si Lola na nakaupo sa isang coffee table malapit sa garden.

Malaki ang bahay kaya nahirapan akong maghanap.

Nginitian nya naman agad ako nang makita nya akong papalapit sa kanya.

At naupo ako sa bakanteng upuan sa harap nya,"Lola,if you don't mind po,gusto ko po sanang itanong kung nasaan ang parents ni Kobe? Kasi po kaninang wala kayo kay Nico ako nagtanong,then parang bigla syang nagalit."

Napatingin sya agad sa akin,nahalata ko ang lungkot sa mata nya.

"Tatlong taon ng wala ang mga magulang ni Kobe," sabay simsim kanyang kape.

Naguluhan naman ako sa ibig sabihin ni Lola Fe,pero alam ko kung ano ang ibig nyang iparating.

Binalot lamang ako ng pagtataka at pagkalito.

"Ano pong nangyare sa kanila?" pagtatanong kong muli.

"Naaksidente sila sa isang construction site,kung saan nagtatrabaho ang papa ni Kobe,kasama nila si Nico sa site na yon,at swerteng hindi kasama si Nico sa naging aksident," pagkekwento ni Lola.

Nanghina ako sa narinig,dahil ang bata pa ni Kobe para mawalan ng mga magulang.

At nakonsensya din ako dahil sa biglaang pagtatanong ko kanina kay Nicolo.

"Kayo na ho ang nag-aalaga kay Kobe mula noon? Pasensya na po kayo Lola Fe,sobrang gaan po kasi ng loob ko kay Kobe kaya marami akong naiitanong," napayuko ako pagkasabi ko non.

"Sigurado ka ba ija na kay Kobe ka interesado? Nakita ko kung paano tingnan si Nico kanina," panunukso ni Lola Fe.

Nasamid naman ako sa sinabi nya.

Grabe si Lola Fe,nakuha pang magsingit ng ganitong bagay.

"Kay Kobe po talaga ako interesado Lola,nga po pala nakita nyo po ba sila ni Nicolo?" pagtatanong ko.

"Nasa kwarto sila ni Kobe,marahil ay naglalaro ang mag Tito," sambit nito.

Kaya agad akong nagpaalam kay Lola Fe para pumunta ng kusina at maghanda ng dadalhin para kay Kobe.

Hihingi na din ako ng sorry kay Nico dahil sa mga tanong at pangingialam ko kanina.

Ayoko na ulit magtanong about dun,dahil baka sa susunod na mag attempt ako ay baka mapalayas ako dito.

Naghanda lang ako ng vanilla ice cream at cookies para makabawi kay Kobe.

Feeling ko kasi kailangan ko mapasaya si Kobe kahit sa ganitong paraan lang.

Umakyat na ako sa second floor kung saan ang kwarto ni Kobe.

Nahiya ako ng maalala na sumigaw ako dito kanina.

Nahanap ko naman agad ang kwarto dahil sa nakabukas na pinto nito.

Nakita kong nag-eenjoy si Kobe na kalaro si Nico.

Napangiti ako. Tinungo ko ang bukas na pinto at bahagyang kumatok habang hawak ang tray na may laman na pagkain.

"Kobe,look what I got here,do want ice cream?" masiglang sabi ko.

Chase (ON-HOLD)Where stories live. Discover now