Zai
" Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Nakatingin ako sa babaeng sumira ng buhay ko.
" Don't be rude sugarcake..dati nga gusto mo itong ganito ka kalapit sa akin eh.." malandi niyang sambit.
" Dati iyon hindi ngayon.."
Nakayakap siya sa batok ko ngayon at nilalapit niya ang labi niya sa labi ko.
" Kung ako sayo Hindi ko itutuloy iyan..." Mahina kong saad sa kaniya.
" Afraid of me huh? " Tiningnan ko lang siya nang seryoso.
" Hindi ako natatakot sayo.."
" Matapang kana pala ngayon parang dati lang you always the scared one..." Hinawak-hawakan niya ang maikli kong buhok.
" Marami nang nagbago...kaya huwag ka ng magtaka." Sabay tanggal ko ng kamay niya sa akin.
" Ano ba talaga ang pinunta mo dito? " Nakaupo na ako ngayon habang siya nakatayo.
Nalakad ulit siya papalapit sa akin at naupo sa kandungan ko. At humawak na naman sa batok ko.
" Ikaw ang pinunta ko dito.." nangaakit niyang sabi sa akin.
" Pwede ba tigilan mo na ako dahil hindi na uubra sa akin iyang mga galawan mo.." pinaupo ko siya sa gilid ko.
" I'm not gonna do that...ngayon pa na pwede na Tayo.." nakangisi niyang sabi.
" Anong pinagsasabi mo?"
" My dad finally accept my feelings for you..Hindi na siya tutol sa atin.."
Napatawa lang ako sa sinabi niya ng nakakaloko.
" Kahit pa pumayag iyang tatay mo! Hindi na ako babalik sayo! " Sabay tayo ko malapit sa pintuan.
" Labas.." maotoridad kong sabi sa kaniya.
Tumayo siya at naglakad at tumigil sa harap ko.
" Hindi ako titigil hanggang sa maging akin ka ulit.." sabay halik niya sa akin sa labi ko.
Lumabas na siya at naiwan akong mag-isa sa loob ng opisina ko.
Bakit ba lagi na lang ako pinapahirapan ng pagkakataon. Bakit?!
---------------
" Oh? Anong mukha iyan? " Tanong ni Jay.
" Sinira na naman ng babaeng iyon ang araw ko.." mahina kong saad sa kaniya.
" Balikan mo na kasi hahaha.." sinamaan ko saya ng tingin.
" Tarantado! " Ayoko nang gumulo ulit ang buhay ko dahil sa babaeng iyon.
" Bakit? Maganda naman siya eh? Bakit hindi mo pagbigyan?" Tanong niya
" Pinagloloko mo ba ako diba sinasabi ko na sayo noon na sinaktan at iniwan na niya ako! Kaya wala na siyang babalikan pa sakin! " Pagkatapos na lahat ganon ganon na lang iyon?
" Bakit hindi mo subukan gumanti tol? " Huh?
" Hindi ako ganong tao na gaganti, ibahin mo ako..." Sinamaan ko langsiyanang tingin.
" Okay,okay, Hindi na ako magsasalita baka masapak mo na ako dito hahaha.." tawa pa niya.
" Pero tol, dapat binibigyan mo siya nang second chance, Kasi nga diba lahat ng na nagkamali pwedeng bigyan ng pangalawang pagkakataon para matama niya iyong pagkakamali niya.." wika niya.
" Tama ka, pero para sa kaniya nagdadalawang isip ako.." mahina kong saad sa kaniya.
Natatakot akong magkamali kapag pinili ko na naman itong puso ko, sigurado akong kapag pinili ko na bigyan siya ng second chance baka masaktan lang ako. Kaya nagiingat na ako sa pagkakataon na ito.
" Speaking of second chance...nandito na rin ang isa pang ikasisira ng araw mo, hahaha.." lumingon ako kung saan siya nakatingin, nakita ko sa pinto ang isang babae.
" Hindi rin siya sumusuko sayo tol! Hanep ka talaga sa babae...Sana all, hahaha.." siraulo.
" Hi babe..." Bati sa akin ni Ella.
" Anong ginagawa mo dito?" Hindi ba siya nagsasawa na pumupunta dito?
" Dinalhan lang Kita ng lunch.." ngiti niya sa akin.
" Ayun oh! Libreng pagkain..." Akmang kukunin niya yung dala ni Ella ng iniwas ni Ella Yun.
" Hindi ito para sayo! Para kay babe ko lang to.." baling niya sa akin.
Kinuha ko na yung pagkaing dala niya, sumilay naman sa labi niya ang isang matamis na ngiti.
" Upo ka saluhan moko.." wika ko.
" Hindi na para sayo talaga iyan, niluto ko with love pa hihihi.." kinikilig niyang sabi.
Nagkibit balikat na lang ako at kinain ang dala niyang pagkain. Sa tuwing dinadalhan niya ako ay hindi ko tinatanggihan dahil na rin masarap ang luto niya.
Lagi niya itong ginagawa, Sabi niya gusto daw niya ako kaya niya ako pinagluluto.
" Salamat..." Ang sarap ng pagkain busog ako.
" Welcome babe..." Nakangiting sabi niya.
Umalis na ito dahil may biglaang lakad siya.
" Tol, bakit kaya hindi mo pagbigyan iyang si Ella? " Napatingin ako sa kay Jay.
" Seryoso kaba? "
" Oo tol! Okay naman si Ella ah, maganda, magaling magluto tapos gusto kapa..saan kapa diba" wika niya.
Napaisip ako saglit sa sinabi niya.
" Tinganan mo ito ha, kapag nalaman ni miss Ava na may Girlfriend kana titigilan ka na non pagnagkataon.." nakangiti niyang sabi.
Baka nga.
" Subukan mo lang idate si Ella malay mo siya na pala ang nakalaan sayo..." Dagdag pa niya.
" Sige makikipag-date ako kay Ella."