Ava
" Ang galing mo din eh ano? Plano mo ang lahat ng ito sa simula pa lang..ang pagpunta mo sa bahay, ang paghatid ko sayo sa condo mo.." yeah that's my plan from the beginning.
" Eh Hindi ka papayag na makasama ako eh.." pagpapacute ko sa kaniya, napairap lang siya sa akin.
" Buti alam mo!" Napaupo siya sa sahig at napasandal sa pinto.
" Why can we just enjoy this, you and me...like a vacation?"
Come on sugarcake wala ka naman nang magagawa sa gusto ko dahil there's no way out dahil sinabihan ko ang mga bangkaro na huwag nang lumaot pa dito. Mga isang buwan pa sila babalik, so I have the entire month to pursue her ayon ang oras ko para makuha siya ulit.
And within that month I will give my full bo- I mean power to win her back, by then paguwi namin kami na ulit...
" Kapag nalaman nina mama na nawawala ako siguradong hahanapin nila ako kaya hindi din magtatagal ang bakasyon mo na ito." Ngumisi ako sa kaniya.
" Sorry to say my love...but tita and tito knows this vacation, alam nilang magkasama tayo ngayon..." nanlaki ang mga mata niya.
" Arggggghh!!! Nakakainis ka na talaga!!" Sigaw niya.
Oops.
" You have no choice but to stay here with me as long as I want to..." Ngumiti ako sa kaniya.
" Bwisit talaga tong buhay ko oh!" Sabay Tayo niya at labas ng kwarto.
" Hey where are you going!?" Sinundan ko siya sa labas.
Nakita ko siyang nakatayo sa buhanginan at nakatingin sa malawak na karagatan. Dahan akong lumapit dito, bigla siyang napaupo sa buhanginan at nakayuko siya umupo ako at tinabihan ko siya
" Just give me a month.." tumingin siya sa akin.
" Ano?" Mahinang tanong niya.
" To be with you...at kung wala na talaga akong nakikitang pagmamahal sayo... Titigil na ako." Nagkatitigan kaming dalawa.
Tumingin muna siya sa malawak na dagat at nakita kong nagiisip talaga siya.
" Sa oras na matapos na ang isang buwan...hindi mo na ako guguluhin pa?" Naninigurado talaga siya.
" Yes.." napabuntong hininga siya.
" Okay deal...sa pagkakataon nato aasahan kong tutupad ka sa pangako mo.." ngumiti ako.
Hindi ko maipapangako iyan sugarcake, masama man ang magsinungaling pero kailangan kong gawin.
" So can we go back now?" Tumayo na ako.
Tumayo siya at nagpagpag. Naglakad kami pabalik ng cottage, maliit lang na bahay bakasyunan ang islang ito isa ito sa mga property nina dad na eventually na mapupunta din sa akin.
" Wala bang ibang tao dito?" Tanong niya ng makapasok kami sa loob.
" Yeah...para walang istorbo sa ating dalawa.." dapat mas nakaka-akit ang gagawin ko sa kaniya ng sa ganon bumigay siya sa akin.
" Tsk..." Napairap na lang siya.
Napakaarte na talaga niya ngayon hahaha.
" You've change a lot you know that?" Tumingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Possessive Women Series: Ava Louise Saavedra
General FictionAva Louise Saavedra Story
