Chapter Eight

3.7K 133 1
                                        

Zai

" Sugarcake can you please put some lotion on my back?" Tumingin ako kay Ava na ngayon ay nakadapa sa nilatagan niya nang tela.

" Akin na.." iretable kong kinuha ang lotion niya.

" Thank you.." ngiti pa niya sa akin.

Nilagyan ko na ang likod niya nang lotion at siya naman itong panay ungol na parang inaakit ako.


Ilang araw na kaming nandito sa Isla at sa ilang araw na iyon ay naging mahirap para sa akin. Sino ba naman ang hindi mahihirapan sa kaniya? Araw araw niya akong binubwisit masiyado, tapos lagi pa niya akong sine- seduce katulad na lang ngayon, tapos kapag naiinis ako siya namang ikinatutuwa niya tsk. Konting konti na lang talaga at mamumuro na sa akin itong babae na ito eh.

" Sa legs pa.." utos nito.


Huminga ako ng malalim at sinunod na lang ang gusto niya at nilagyan nang loting pati mapuputi niyang mga binti.

" Bakit parang natahimik ka ata?" Humarap na siya nang higa.


" Wala ako sa mood.." gusto ko na talagang umuwi dahil marami pa akong kailangang ayusin sa opisina.


" Lagi ka namang Wala sa mood eh..why don't you have some fun naman, ito na nga bakasyon mo sa lahat ng trabaho mo eh..you have to enjoyed it." Paano ako mageenjoy kung ikaw ang kasama ko.


Hindi ko siya sinagot at tumayo ako at naglakad palayo sa kaniya, gusto ko munang maglakad lakad para naman iba ang makita ko bukod sa kaniya.



Ngayong magkasama kami sa iisang lugar parang hindi ako makahinga, sa presensya niya ang mukha niya, ang boses niya. Parang bumabalik na naman ang lahat, ayokong mangyari ulit iyong nangyari sa nakaraan, ayoko ko nang masaktan.


Kung tutuisin pwede ko na siyang gantihan sa mga oras na ito eh, pero hindi ko magawa dahil sa tuwing nakikita ko na siya nawawala na iyong ideya na iyon sa hindi ko malaman na dahilan.



Patuloy lang ako sa paglalakad sa buhanginan at ninanamnam ang simoy nang hangin, matagal na rin nung huli akong nagpunta sa isang beach maganda din naman sa islang ito kaya hindi naman ako masyadong naiinip.


Bumalik na ako sa cabin at naabutan ko siyang nagluluto nang pagkain. Nako po.


" Oh your here already...just wait a second at matatapos na ako.."



Oh my god heto na naman tayo Zai kakain ka na naman nang lutuin niya, isipin ko pa lang parang masusuka na ako. Sa ilang araw namin dito siya lagi ang nagluluto at sa mga niluluto niya ay masasabi kong......masama ang lasa. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya na hindi ko gusto ang mga niluto niya pero sa tuwing nakikita kong may sugat siya sa kamay ay napapaurong ako, may pumipigil sa akin na huwag saktan ang damdamin niya like what the heck!



Kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya na hindi siya masarap magluto dahil sa oras na kainin ko pa ang niluluto niya ngayon baka mamatay na ako.

" Ahm, Hindi ako kakain.." napalingon siya sa gawi ko.

" Why? Wala kabang gana?" May lungkot sa boses niya.

Hindi sa walang gana ayoko lang talagang kainin ang luto mo.

" Oo eh..." Napatigil siya.


" But, sayang naman itong niluto ko..." Umiwas ako nang tingin.


Ano ba naman bakit ba kailangan pa niyang gawin iyang paawa mukha niya na iyan sa akin? Arggggghh!


Possessive Women Series: Ava Louise SaavedraMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon