Zai" Pre pumayag kana sa party na sinasabi ko.." napairap ako sa makulit na si Jay.
" Ayoko, marami pa akong dapat asikasuhin dito sa kompanya.." sabay balik tingin ko sa hawak kong papel.
" Sige na.. bakit ayaw mo? Ito na kaya ang magiging huli mong party bilang isang taong malaya.." napailing na lang ako may pa-acting pa siyang pataas taas nang kamay niya.
Ilang buwan na ang nakalipas nung nagpropose ako kay Ava at ito nga pinipilit ako ni jay. Gusto niyang magpaparty dahil malapit na nga daw akong ikasal gusto niyang magsaya naman ako sa huling pagkakataon bilang walang asawa. Sa isang taon pa sana kami ikakasal ni Ava, ang sabi ko sa kaniya eh ito namang si honeybunch ko gustong madaliin ang kasal namin as soon as possible daw kaya ito marami din akong hinahabol na trabaho para sa oras na ikasal na kami ni Ava eh okay na sa company ko.
" Wala ako sa mood magparty ngayon Jay..." Napanguso naman siya.
Sobrang dami ko talagang ginagawa ngayon.
" Stop that! Ang panget mo! " Sabay bato ko nang ballpen ko sa kaniya.
" Pumayag kana Kasi.." maktol niya.
" Ayoko.."
" Sige na.."
" No.."
" Please.." arrggh.
" Please.." nakakairita na ang boses nang lalaki nato.
" Please.."
Arggggghh. Nakakainis na talaga, Hindi siya titigil hangga't Hindi ako pumapayag sa gusto niya.
Bumuntong hininga ako.
" Fine." I said defeat.
Ngiting tagumpay naman ang mokong nang marinig ang pagpayag ko.
" Iyon oh! Ayos! Tol mamaya ha pagkatapos nang trabaho sasama ka sa akin akong bahala sayo ngayong gabi... Gagawin kong masaya ang gabi mo mamaya." Napangiti na lang ako.
" Oo na, umalis kana dito sa office ko Kita na lang tayo mamaya.." tumayo na siya.
" Sige tol.." at umalis na sa harap ko.
Kahit minsan ang lokong iyon talaga hahaha.
Pero kahit ganon iyon siya na ang tinuturing kong matalik kong best friend well aside from him, si Franco pa ang Isa sa pinakamalapit Kong kaibigan. Silang dalawa lang ang taong gusto akong maging kaibigan noong college kami, nagtaka pa nga ako noon na sila na mismo ang lumapit at nakipagkaibigan sa akin. I'm very thankful dahil nakilala ko sila, namiss ko tuloy bigla si Franco. Iyong mga pinaggagawa namin nung college, mga kalokohan namin hahaha lahat namiss ko.
Napabuntong hininga ako.
Kung nasaan man siya ngayon I hope masaya siya.
*Phone ringing*
I was busy reminiscing nang biglang tumunog ang cellphone ko.
" hello?"
" Hello sugarcake! " Napangiti ako nang malaki.
" Napatawag ka?"
" Lunch tayo please... I miss you na kasi eh .." I giggled when I heard her pled.
" Ok po.. nasaan kaba ngayon susundin Kita.."
" Nasa bahay ako ngayon sugarcake eh, magkita na lang tayo sa favorite restaurant natin para naman hindi kana bumyahe pa.." how sweet.
![](https://img.wattpad.com/cover/239434741-288-k27345.jpg)