Chapter Thirteen

2.6K 101 0
                                    


Ava

" Ikaw ang mageexplain sino itong lalaki nato!?" Tinuro pa ni Zai iyong lalaking kakakilala ko pa lang.

" I don't know him.." Swear. Bigla na lang kasi siya sumulpot kanina sa table ko at umupo at nakipagusap sa akin. I don't want to be rude kaya hinayaan ko na lang.

" Ako ba pinagloloko mo?"

" It's true, siya itong lumapit na lang bigla sa table ko and asking random questions.."

" Hindi kilala? Ha! Mayroon bang Hindi kilala na Basta ka na lang hahawakan!?"

Oh that, nabigla din naman ako sa ginawa nang lalaking iyon sa akin eh nang hawakan niya ang kamay ko.

" Baka boyfriend niya?"

Masasabunutan ko na talaga itong bruhildang ito eh!

" You! Huwag ka ngang sumabat sa usapan!"

Masyado siyang pakialamera.

" Sorry to interrupt but I have to go...ahm, sorry nagaaway kayo ngayon dahil sa akin..Hindi niya talaga ako kilala, ako Lang itong biglang lumapit sa kaniya.." baling sa amin nang lalaki, what his name again?

" It's okay.."

Umalis na sa harap namin iyong lalaki.

Bakit ba kasi hindi agad dumating si Zoe eh? Hindi sana ako napapasama nito.

" So back to you lady, bakit kayo magkasama ng babaeng iyan?" Tingin ko pa sa babaeng nakangisi na ngayon.

Natigilan naman si Zai dahil sa sinabi ko.

Kaya pala Hindi ko siya ma- contact dahil kasama pala niya itong malanding babae na ito.

" Ah- ka- Kasi.."

" May affair pa rin ba kayo nang babaeng ito!?"

" Wala ano kaba..."

" Eh bakit nga kayo magkasamang dalawa!?"

Pinagtitinginan na kami nang lahat ng tao dito sa loob ng restaurant.

" Huminahon ka nga.."

" Paano ako hihinahon kung niloloko mo ako!?"

How dare she!?

" Hindi Kita niloloko Ava, huwag natin dito pagusapan ito...halika na uwi na tayo.." akmang hahawakan na niya ako pero umilag ko.

Tinitigan ko siya. Hindi ako tanga para hindi maiisip na niloloko niya ako sa babaeng ito.

" Opps ahm, hello everyone.." napalingon kaming tatlo sa kadadating na si Zoe.

" Your late.." pambihira talaga siya.

" Sorry traffic.."

Naglakad ako at nilagpasan silang lahat.

" Ava!!"

Patuloy lang ako sa pagalalakad at hindi ko pinapansin si Zai.

Agad akong sumakay nang taxi at nagtungo sa condo niya. Nang makauwi ako ay hinihintay ko na dumating siya.

" Magusap tayo.." nakaupo ako ngayon sa sofa.

" Sasabihin mo na ba na nagkabalikan na kayo ng babaeng iyon?"

" Ava Mali ka nang iniisip.." lumuhod siya sa akin.

" At ano naman ang gusto mong isipin ko ha? Na wala lang Ganon? Huwag ako Zai! Huwag ako!"

Possessive Women Series: Ava Louise SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon