Chapter Three

4.1K 156 5
                                    

Zai

"Saan mo gustong pumunta ngayon?" Tanong sa akin ni Ella.

Tiningnan ko siya.

" Ikaw na ang bahala.." sagot ko.

Sinunod ko ang payo sa akin ni Jay na pagbigyan itong si Ella na makadate ako ngayong araw, Wala naman akong ibang gagawin kaya pumayag na ako.

" Let's watch movie kaya?" Tanong ulit niya.

" Sige.." Sagot ko.

Nung pumayag akong magdate kami ay sobrang saya niya dahil ito ang unang beses na umoo ako sa mga pagaya niya kaya ito parang lahat ng maisip niyang gawin ay gagawin namin.

Nakapili na siya ng panonorin namin at pumasok na sa loob ng sinehan, madilim at mukhang hindi pa ito nagsisimula, umupo kami sa pinakaunahan dahil gusto niya.

Nang magsimula na ang palabas ay tahimik lang ang lahat ng nanonood at ako naman ay nakasandal lang sa upuan ko at hinihintay na matapos itong palabas, napiling panoorin ni Ella ay isang romantic movie hay...ayoko pa naman sa mga ganitong palabas mas gusto ko pang panoorin ay iyong action oh kaya horror. Pero wala akong magagawa ito ang gusto niya.

Habang nanonood kami ay tumitili ang iba kapag nandiyan na iyong may kissing scene at yung nakakakilig na part ng movie, bitter kung bitter pero ayoko talaga ng mga ganitong palabas.

Mayamaya lang ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako sa gilid ko.

" Ayaw mo ba sa movie?" Bulong na sabi ni Ella.

Napangiwi naman ako sa kaniya.

" Oo eh..." Napanguso naman siya.

" Pero, sige Lang tapusin natin itong palabas mukhang nageenjoy ka eh.." ngiti ko na lang.

Kalaunan ay napatango na lang siya.

Tinapos namin ang palabas at naisipan naming kumain na muna dahil na rin nagugutom na din ako.

" Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Ella.

" Ikaw? Kung saan mo gusto don na lang tayo..." Napalingon lingon siya sa paligid nitong mall kung saan maraming pagpipilian na kakainan.

" How about that one.." turo niya sa isang fast-food chain.

" Sige.." naglakad na kami patungo doon ng may mahagip akong tao na hindi ko akalaing makikita ko ngayon dito sa mall.

Ava...

May kasama siya sa tingin ko si Trixie ito ang kaibigan niya nung college kami, madalas ko silang makita noon na magkakasama lima  silang magkakaibigan si Queen, Isabella, Zoe, Trixie at panghuli si Ava. Sikat sila sa University na pinapasukan ko noon dahil mayayaman at magaganda ang mga ito, habulin ng mga kalalakihan pati na nga rin ng mga kasama sa third sex.


" What's wrong?" Napatingin ako kay Ella.

" Ah..Wala.." napansin siguro niya na malalim ang iniisip ko.

Bumaling ulit ako sa dalawang tao na kanina lang ay tinitingnan ko na ngayon ay wala na sa paningin ko, tumingin ako sa paligid pero wala na ang mga ito. Nagkibit balikat na lang ako at tinuon ko na lang ang atensyon ko kay Ella.

Nang makarating kami sa kakain namin ay siya na ang nagorder kahit na sinabi kong ako na lang ay nagpumilit siyang siya na Lang ang oorder para sa akin kaya pinabayaan ko na lang.

" Here our foods..." lapag ni Ella ng pagkain sa mesa.

" Salamat.." ngiti ko pa.

" Your welcome.." ngiting sabi naman niya.

Possessive Women Series: Ava Louise SaavedraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon